Chapter 5

1.5K 70 6
                                    


Nakangiti si Ate Tori habang kumakain ng cake. On this day, the beautiful mind was born and yes that's my sister. She's already 20.

Hindi ko akalain na ngayong kaarawan ay malungkot si Ate kaya we did our best para mapasaya siya namin ni Mama kahit wala si Kuya. Noon, palagi si Kuya ang nagpapasaya kay Ate.

"Tori may boyfriend kana?" Biglaang tanong ni Mama sa kanya. Nagpigil tawa ako upang hindi ako masita nilang dalawa.

Nakita ko ang mukha ni Ate na namumula na. Aminan na 'yan.

"Yes" Nahihiyang sagot ni Ate kaya naman napahagikgik ako.

Sana all straight to the point sumagot. Pakapalan na ng mukha 'to. Gusto ko makilala ang boyfriend ni Ate. May nakakabata ba siyang kapatid na kasing edad ko? Natawa nalamang ako sa iniisip ko at tinarayan ang sarili dahil sa pagkakaroon ng interest.

"Gusto namin siya makilala, anak" Nakangiting sabi ni Mama.

Tipid na ngumiti si Ate at nilamon na siya ng pagkahiya sa kaniyang pagmumuka at tinakpan niya pa ang kaniyang labi para pigilan ang sarili niyang hindi tumili.

"Ano... may kapatid ba siya?" Humahalakhak bigla si Mama dahil sa pagtatanong ko. Nakita ko ang sulyap sa akin ni Ate at nakangiting tumango.

"Yes, Lhi. May kapatid siyang lalaki. Ang gwapo niya. Gusto mo pakilala kita?" Pagtatanong niya ngunit nalailing ako. "Sorry, hindi ako interesado" Angil ko kaya napasimangot siya bigla.

"Ayaw mo?"

"Ayoko nga, Ate"

"Bakit? Boyfriend mo ba ang poging lalaki na palagi mong kasama sa tuwing lunch at dismissal?" Prangkang tanong niya kaya lumuwa ang mga mata ko tsaka tinignan siya ng masama.

"Hindi 'no! May ibang gusto nga 'yon" Napangusong sagot ko.

Ilang oras na kaming nakukwentuhan sa hapagkainan hanggang sa napag-isipan ko na umakyat na sa itaas para matulog dahil may pasok pa kami bukas. Habang paakyat ako ay nagring bigla yung phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko at tinignan ito. Si Gab. Hindi mahilig tumawag si Gab sa cellphone pero nakakapagtaka kung bakit ginawa niya ngayon 'to.

"Lhiane..." Napangiwi ako.

"Ano yun?" Sagot ko.

"Hindi muna ako papasok bukas"

Huh? Bakit parang nanghihina yung boses niya. May sakit ba siya? Anong nangyari sa kanya?

"Anong nangyari?" Nag-alala kong tanong.

"Wala naman," Ramdam ko ang pagkabalisa niya sa kabilang linya kaya napabuntong hininga ako. Hindi siya marunong magsinungaling.

"What do you mean?" I asked him.

Pumasok ako sa loob ng kwarto habang ang cellphone ko ay nasa tenga ko pa rin. Umupo ako sa kama at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko.

"Wala nga, ang kulit mo naman"

Bigla akong napasinghal sa hangin at inis na sinagot siya. "Ikaw 'yong makulit sa ating dalawa. Ikaw nga ang tumawag at kinukulit ako, e'. Aminin mo nga, miss mo na agad ako?" Pang-aasar na tanong ko ngunit agad din nawala ang pang-aasar ko dahil sa hindi inaasahan niyang sagot.

"Kung oo? Anong magagawa mo?" Nanatili akong tahimik.

Lhiane! Sagot!

"Tse! Matulog na ako," Hindi ko alam pero nabigla ako at kinilig nalamang.

Entity Of PromisesWhere stories live. Discover now