Chapter 3

1.7K 69 5
                                    


"Ano ba? Hindi kayo titigil?" Naiinis kong tanong sa kanilang dalawa habang pinagitnaan sila. Nagulat kasi ako dahil tinulak agad ni Gab si Skiel pagkatapos netong tanungin.

Hindi ba sila titigil? Anong problema nilang dalawa? Napatingin sa akin si Gab at doon ko nakita ang pagkadismaya niya. Natigilan ako dahil sa paraan ng pagtingin niya.

"Dude. It's your fault not mine. So please? Back off" Malamig na sabi ni Skiel at nakita kong namumula na si Gab sa galit. Ano ba ang problema nilang dalawa? Napasampal ako sa pisngi ko at kinakabahan sa maaaring mangyayari na baka mauwi ito sa suntukan.

Narinig ko ang pagrereklamo ni Leoren sa akin kung bakit ko raw inawat ang dalawa.

"What's the matter? Are you mad?" Nakangising tanong ni Skiel at agad namang sinunggaban ng suntok ni Gab si Skiel.

"Gab!" Gulat na sigaw ko.

Natamaan si Skiel sa kaliwa niyang mata kaya narinig ko ang malutong mura niya. Susuntukin pa sana ni Gab si Skiel pero agad namang napigilan ni Skiel kaya kumuha ng lakas si Skiel at sinuntok niya si Gab ng malakas. Napaupo si Gab sa sahig pero agad naman siyang tumayo para gumanti.

Aawatin ko sana sila pero bigla akong hinawakan ni Princess sa kamay at hinila niya ako pabalik.

"Huwag baka matamaan ka," wika niya.

Kinakabahan na napatingin sa dalawa. Nanlumo ako dahil mas napuruhan si Gab kesa kay Skiel. Pero nakaginhawa ako ng maluwag dahil may mga taong umawat sa kanilang dalawa. Ang kaibigan ni Skiel ay tumatawa pa. Tinarayan ko sila hanggang sa may narinig akong sigaw na nagpatigil sa kanilang dalawa.

"Stop it!"

Napatingin ako. Hindi ko siya kilala. Matangkad at isa pa ang ganda niya pero mukhang maarte siya.

"Why are you here, Skray?" Biglang tanong ni Skiel.

Kilala siya ni Skiel? Bakit sila magkakilala? Nakita ko si Gab na naghahabol hininga at nakaupo sa sahig kaya mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan ang baba niya. Napatingin ako sa kanya at mabilis siyang umiwas ng tingin. Tch. Nakakaawang tignan si Gab.

"Okay kalang?" Hindi pa rin mawala sa akin ang pag-aalala para sa kaniya. "I'm fine, bullshit," Mura niya at umiwas ng tingin.

"Gab naman, ayan tuloy at ikaw 'yong kawawa"

"Could you please stop saying those words?" Tumango ako sa maotoridad netong utos at sabay kaming napalingon dahil agaw eksena sina Skray at Skiel.

"Babe? Hello. Hindi mo kaya ako pinuntahan sa classroom ko"

Napatigil ako. Tama ba ang narinig ko? Babe? Sila na? Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin sa akin si Skiel. Nanlumo ako pero hindi ko pinakita iyon at sa halip ay ngumiti ako.

"Girlfriend mo?" I asked him.

Tanging tango lamang ang isinagot niya sa akin. Shit. Girlfriend niya nga. Inalayan kong tumayo si Gab. Ang bigat niya. Tinulungan naman ako nina Leoren na alayan si Gab.

Ang bigat pala sa pakiramdam na ang taong mahal mo noon ay may bago na. Pero okay lang. Akala ko nakalimutan ko na si Skiel pero nagkakamali ako. Nagkakamali pala ako. So weird.  Binalik ko ang tingin ko kay Skiel. Mukhang magkakaroon siya ng pasa sa kaliwa niyang mata. Mukhang si Gabriel ang natalo at napuruhan.

"Yes. I'm his girlfriend. Do you have any problem?" Maldita niyang tanong sa akin kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay.

Okay lang ba ang babaeng 'to?

Entity Of PromisesWhere stories live. Discover now