Chapter 18

1K 40 0
                                    

Habang nag-iimpake palang ako ay naakrinig na ako ng busina sa labas ng bahay namin. Siguro si Skiel na yan. Bakit ngayon pa?

Ilang oras na ang pag-iimpake ko ay natapos din. Parang mangibang bansa lang. Dali-dali akong tumayo at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Mahaba na ang buhok ko. Naglagay ako kaunting blush-on at lipstick. Habang tinitignan ko ang repleksyon ko ay napadapo ang tingin ko sa kwentas.

Hinawakan ko ito. Bakit kailangan mo pang bumalik Skiel? Lalo lamang gumugulo ang isip ko.

Bumaba na ako at nakita ko si Tita Cariel na nakangiti sa akin. Lumapit ako sa kanya at nakikipagbeso.

Nagpaalam na kami ni Skiel at umalis na. Habang nasa mahabang byahe kami ay dinalaw ako ng antok kaya hinilig ko ang ulo ko sa bintana.

"Sleepy, Lhiane. Matulog ka muna" Nakangiting sabi ni Skiel kaya hindi ko siya pinansin.

Pinikit ko nalamang ang mga mata ko.

Ilang oras na ang nakalipas ay nakarating na kami. Hindi pa ako nakapunta dito. Sana maging masaya ang bakasyon ko dito. Pinarada ni Skiel ang sasakyan niya.

Nang nakaparada na siya ng maayos ay nagmamadali akong bumaba at kinuha ang mga gamit ko. Tinulungan ako ni Skiel na bitbitin ang mga iyon kaya naiinis ako. Kaya ko naman ah?

Pumasok kami sa isang hall na kung saan magparegister muna. Sinulat ni Skiel ang pangalan niya pati na din ang akin.

"Ikaw ba ang anak ni Mr. Liero?" Namamanghang tanong ng empleyado sa akin at tanging tango lamang ang binigay ko sa kanya.

Hindi kami sa hotel matutulog kundi sa cottage. Binigyan kami ng susi at pumunta na sa cottage namin.

Malalig ngayon. Ang dagat, kulay asul kaya gandang tignan. May nakaakit sa tabi ng dagat ay ang 'VILCHEZ RESORT'
Ang ganda talaga at may pa sound effect pa huh?

Pumasok na kami sa cottage at agad akong namangha. Parang kwarto ng hotel na ito. Ang galing talaga magpatakbo ni Papa ng resort niya pero bigla akong napaisip. Ilang buwan na si Papa na nasa bahay namin at sinong nangangalaga ng resort niya?

Humiga na ako sa kama.

"Hey. Sleepy? Psh" sambit ni Skiel.

Sa sobrang antok ko ay hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako.

Napamulat ako dahil sa malakas na alon ng tubig. Lumabas ako at nagulat ako dahil maraming tao at gabi na. Nasa hall silang lahat. Hinanap ng mga mata ko si Skiel pero hindi ko siya makita. Nasaan pumunta 'yon?

Bumaba ako sa cottage at pumunta sa hall. Maraming kumakain at iba sa kanila ay umiinom ng alak. Iinom ng alak tapos ano?

Dahan-dahan lang ako sa paglalakad dahil nakaramdam ako ng kaba. Bakit ganito na naman? Hindi ko na talaga alam.

Umupo ako sa bakanteng upuan at ginala ulit ang aking mga mata. Ang ganda, ang simple lang pero nakakaagaw ng atensyon.

"Ano? Bakit nga?"

Bigla akong napahinto. Alam na alam ko ang boses na iyon. Hindi ako nagkakamali. Dahan dahan akong napalingon at nakita ko si Skray na umiiyak habang si Skiel ay nandidiri siyang tinignan.

Bigla nalang tumayo si Skiel at hinila si Skray kung saan. Susundan ko ba sila? Natatakot ako. Pero sa sobrang lito ko ay sinundan ko sila. Nakita ko sila na pupunta silang dagat kaya mabilis akong pumunta sa kanila pero patago lamang. Nakatayo lang ako sa malaking puno. Umupo ako ng nakatalikod para hindi nila alam na may tao.

"Sinusundan mo ba kami, Skray?" ¡aiinis na tanong ni Skiel.

"Oo. May gusto lamang akong sabihin sayo" Nauutal na sabi ni Skray. Gusto ko sanang tignan ang mukha nila pero ayoko. Natatakot ako na baka makita nila ako.

"Ano? Bilisan mo. At huwag mo na kaming guguluhin ni Lhiane." sambit ni Skiel.

"Pero dapa..." Naputol ang sasabihin ni Skray nang sigawan siya ni Skiel.

"Ano na ang sasabihin mo?!" Sigaw na tanong sa kanya ni Skiel.

"Please calm do--"

"Shit naman Skray oh. Babalik nalang ako kay Lhiane sa cottage" Naiinis na sabi ni Skiel.

"I'm..."

"Ano?!" sigaw sa kanya ni Skiel.

Paano tatapusin ni Skray ang sasabihin niya kung sigaw lang ng sigaw si Skiel sa kanya? Minsan hindi ko sila naiintindihan.

"I'm pregnant at ikaw ang ama!" Sigaw ni Skray.

Nagulat ako at bigla nalang nanlaki ang mga mata ko. Napatakip ako sa bibig ko dahil muntik na akong sumigaw. Paano? Buntis si Skray at si Skiel ang ama?

"Liar!" sigaw ni Skiel.

"Totoo, Skiel. Sa sobrang lasing nating dalawa ay nakagawa tayo ng hindi kaaya-ayang bagay" Napaiyak nalamang ako sa nalaman ko.

Okay na sana eh pero buntis si Skray. Paano na ako?

"That's not true!" Sigaw ni Skiel sa kanya. "Sa tuwing lasing tayo ay palagi tayong nagse..."

"Shut up!"

"Bakit? Totoo naman?" Sa tanong ni Skray ay biglang tumahimik si Skiel.

Naramdaman ko nalang na tumulo na pala ang luha ko sa mga mata ko. Kaya sa sobrang kaba ko ay lumabas ako at nagpakita sa kanila. Nagulat si Skiel sa pagsulpot ko.

Binigyan ko na ng pagkakataon ang taong 'to tapos ito lang pala ang gagawin niya!

Lumapit ako sa kanilang dalawa habang umiiyak. Nakaupo si Skiel habang si Skray naman ay nakatayo.

"Skiel. Totoo ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, Lhi. Kaya pwede ba? Layuan mo na si Skiel para sa anak namin?" naiinis na tanong ni Skray sa akin kaya nakita kong matalim siyang tinignan ni Skiel. Tumayo si Skiel at lumapit sa akin pero napaatras ako at tinignan si Skiel na para bang nandidiri ako sa kanya.

"Stop. Bago palang tayo dito sa resort tapos sisirain mo na ang araw ko" Malalig kong sabi at tinalikuran na silang dalawa.

"Lhiane..."

"Skiel, baka may sikreto ka pa riyan na may tinatago? Sabihin mo na dahil ubos na ubos na ako!" Nakatalikod ko pa rin na tugon habang narinig ko ang pag-iyak ni Skray.

"Wala... na" Napabuga ako ng hangin dahil parang kayhirap banggitin ni Skiel ang dalawang salita na 'yon.

"Nabuntis mo ba talaga si Skray?"

"Hindi ko alam kung ako ang ama niyan" Depensa ni Skiel ngunit napasigaw si Skray. "Ikaw nga, Skiel! Ikaw lang naman ang lalaking giniba ang kweb..."

"Shut up!" Skiel shouted.

At mas lalong bumuhos lahat ng mga luha ko. Narinig ko pa na tinatawag ako ni Skiel pero tumakbo lang ako pabalik sa cottage namin. Mabuti naman na hindi ko pa inayos yung mga gamit ko kaya ready to go nalang ako.

Napaupo muna ako sa kama at nilagay ang dalawang kamay sa mukha ko. Paano na? Nakabuntis si Skiel.

Labis akong nasaktan. Sana pala sinunod ko nalang ang payo ni Leoren sa akin. Tama ang mga kaibigan ko at si Antonette. Bakit pa kita tinanggap, Skiel?

Kung nalaman ko lang sana na may nabuntis ka hindi kita tatanggapin pero huli na ang lahat.

Entity Of PromisesWhere stories live. Discover now