Chapter 15

1.1K 46 0
                                    

Hindi pa rin mawawala sa isip ko yung nangangalang Antonette. Sino ba talaga siya? Kanina pa ako nakaupo dito sa upuan at ilang oras na ako nakaupo dito. Nasa bahay ako.

Huminga ako ng malalim tsaka tumayo para lumabas. Pero pagkalabas ko ay nakita kong nakatayo si Skiel sa harap ng pintuan namin. Seryoso lang ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at pinasok siya sa loob.

"Let's have a date, Lhi" Pagkasabi niya nun ay agad namang nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya?

Ano ba ang iniisip ni Skiel at yan ang pinagsasabi niya? Ngumiti siya sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Ayokong mahulog ako sa kanya dahil sa ngiti niya.

Pinipilit niya ako kaya pumayag nalamang ako sa gusto niya. Pinaupo ko muna siya sa sofa namin at ako naman ay umakyat sa itaas para magbihis ng damit. Yung binigay ni Papa ang aking susuotin. Simpleng white dress lang ito. Maganda naman siya. Inayos ko yung buhok ko at naglagay ako ng kaunting lipstick at blush-on.

Lalabas na sana ako sa pintuan ng kwarto ko pero napahinto ako. T-talaga bang mag d-date kaming dalawa ni Skiel? At ito ako ngayon? Pumayag sa kagustuhan niya? I can't believe why am I doing.

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at nakita kong kausap na niya ngayon si Papa.

"Ingatan mo ang prinsesa ko, Ski ha? Huwag masyadong magpagabi." sabi ni Papa at ngumiti naman si Skiel.

Lumapit na ako sa kanya at tinignan niya ako.

"Ang ganda mo" puri niya sa akin.

Sus. Nambola pa ang manloloko! Ops.

Inaalayan niya akong lumabas at sumakay na kami sa kotse niya. Binagalan niya lang ang pagmamaneho niya. Hindi ko siya tinignan dahil nasa daan ang aking tingin. Pero minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin kaya binalewala ko nalang iyon.

Ngayon lang ulit naganap yung salitang 'date' sa amin.

"Saan tayo?"

"Depende sayo" sagot ko.

Ilang minuto na ang nakalipas ay pinarada na niya yung sasakyan niya. Nasa isang harap kami ng isang malaking Mall. Anong gagawin namin dito? Magsho-shopping?

Nauna si Skiel na bumaba at binuksan niya ako ng pintuan. Aba't nagulat ako sa ginawa niya. Napakagentle man niya naman tulad ni Gab. Speaking of Gab, kamusta na siya?

Nahihiya na akong magpadala ng mensahe sa kanya.

"Let's go inside?"

Tumango lang ako sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob. Habang naglalakad ay naramdaman ko na hinawakan niya yung siko ko habang unti-unti niyang binababa sa kamay ko. Wala akong nararamdaman na kilig. Walang wala talaga!

Nakakita kami ng isang store kaya pumasok kami. Puros accessories lang ang nandito. Nagulat ako dahil hinila ako ni Skiel at pinakita ang isang kwentas na kulay silver at yung design niya ay puso!

"I will buy this. Susuotin mo yan" pagkasabi niya ay binigay niya sa cashier.

Grabe. Hindi pa nga ako sumagot, binili na niya. Napakabossy niya talaga. Ilang sandali pa ang paghihintay namin ay tapos na at paglabas namin ay agad niya itong binigay sa akin. Hmp! Wala man lang ka thrill- thrill. Di joke lang.

"Here" sabi niya at pumunta siya sa likuran ko para siya yung magsusuot nito sa akin. Nagkibit-balikat nalamang ako at hinayaan siya.

Naramdaman ko ang hininga niya kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Entity Of PromisesWhere stories live. Discover now