Chapter 1

3.9K 93 23
                                    

/Medyo may pinalitan ako na mga pangalan kaya sa mga taong nakabasa na neto ay may pinalitan po ako./

"Hoy! Bumaba kana!" Sigaw sa akin ni Kuya Kyroh kaya binatukan siya ni Ate Tori.

Iritang ginantihan ko siya ng masamang tingin. Lunes na lunes at heto siya't sinisira ang araw ko. Bumaba ako sa kaniyang kotse at sinara ng malakas ang pintuan neto kaya naman narinig ko ang malakas na mura niya sa loob. Napangiwi ako.

Sinuot ko ang napakaganda kong ngiti habang tinahak ang daan papuntang classroom ngunit napalingon ako ng may tumawag sa aking pangalan.

"Lhiane..." She smirked. I rolled my eyes.

"Leoren" Sarkastiko kong tawag sa pangalan niya kaya naman nakita ko sa pagmumukha niya ang munting ngiti.

Sabay na kaming pumasok sa classroom. Umupo kami sa may pinakadulo dahil 'yon ang gusto naming spot. Tahimik kaming umupo at nagsisimula na siyang magkwento sa akin.

"Alam mo ba na nakita ko ang gagong ex mo?"

"Ano naman kung nakita mo? Syempre, nasa iisang school lang tayo. Utak mo, asan?" Bigla nalang ay tumawa ako. Napakadaldal netong babae at gusto pa ata na ibalita sa buong mundo na nakita niya ang taong minahal ko noon.

I don't know if I'm just immature for having this kind of attitude but no one asking me if I'm okay after Skiel broke up with me. I don't think that I'm too childish for acting like this. Forgeting our past.

Ilang minutong paghihintay sa professor namin habang ang katabi ko ay panay pa rin ang pagkwento niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na ang medyo mabait naming professor sa History.

Ilang oras na ang tinuro niya sa amin at dismissal na. Kaya tumayo kami ni Leoren at inayos yung mga papel na kumakalat sa armchair ko, I'm too busy taking down some notes for our upcoming exam. Nilagay ko ito sa bag at ganoon din si Leoren. Tinali ko 'yong mahaba kong buhok dahil mainit ang panahon ngayon.

Lumabas kami ni Leoren upang kumain sa cafeteria ngunit napatigil kaming dalawa nang makita namin ang pagmumuka ni Gab. Kinuha niya yung bag ko para siya na ang magbitbit at si Leoren namin ay tinutukso ako sa kanya.

"Tumigil ka, Leoren." Sita ko sa kaniya ngunit umiling siya at ipinagpatuloy niya pa rin. "Ayaw ko nga. Nangangamoy taken na ulit si Lhiane!"

"I sais shut up" Nanggigil kong bulong at sinisigurado na hindi iyon maririnig ni Gab.

Napailing lang ako sa kalokohan ni Leoren at pumunta na kami sa cafeteria. Gusto kong matawa dahil sa pagnguso ni Gab kay Leoren. Gab is handsome. Maamo ang mukha niya kaya hindi na ako magtataka kung bakit medyo naroon sa kalooban ko ang paghanga.

"Stop staring, Lhi" Sambit niya kaya umiwas ako ng tingin. Narinig ko pa ang tawa niya kaya hindi ko nalamang pinansin iyon. Nakakahiya at nahuli niya pa akong nakatingin sa kaniya.

Maraming tao sa cafeteria nung nakarating na kami. Mukhang hindi kami kakain dito dahil maraming tao.

"Saan tayo?" Nag-alala kong tanong dahil gutom na ako.

Nakita kong nakangisi lamang si Gab at hinila niya ako kaya hinila ko rin si Leoren na nasa likod ko lamang. Pagkatapos nun ay tumigil kami sa isang bakanteng lamesa na may apat na upuan. Nice. Bakit hindi ko ito napansin? Akala ko hindi na kami kakain. Si Gab ang nag-order para sa amin ni Leoren. Pumunta na nang counter si Gabriel para mag-order at tinignan ko si Leoren na tahimik lang akong tinitignan. Napataas ang isa kong kilay sa kanya. What's with her?

"You like Gab, right?"

Natigilan ako sa tanong ni Leoren. Gusto ko ba talaga si Gab? Tatlong buwan ko palang nakilala si Gab. Nakilala ko siya dahil kay Leoren. Ang kapatid ni Gab ay boyfriend ni Leoren. Pinakilala ni Leoren sa akin kaya ayun, magkakilala na kami ngayon.

Entity Of PromisesWhere stories live. Discover now