Gusto ko siyang murahin! Sa loob ng tatlong taon ay umaasa ako na babalikan niya ako at patuloy niya akong mahalin pero nagkakamali ako. Bumalik nga siya pero hindi na ako 'yong mahal niya. Ano 'to? Sumpa ng pag-ibig.

"Girlfriend mo?" Nanlulumong tanong ko at ngumiti naman sa akin ang babae.

"Hello. I'm Lazie." Nakangiting sabi ng babae sa akin at nilahad ang kamay niya sa akin.

Ngumiti ako ng malungkot at agad ko itong tinanggap.

"I'm... Lhiane" Napasinghap pa ako sa hangin habang nagpakilala at nakita kong nagulat siya at tinignan si Gab.

"Siya pala ang sinasabi mo noon sa akin na kaibigan mo? Well , she's pretty" Puri sa akin ni Lazie kaya natawa nalamang ako.

Ang akward kung ganito.

"Bye. Aalis na ako. Bigyan mo siya ng invitation, Gab" nakangiting sabi ni Lazie sa akin kaya nagtataka akong tignan siya. Nagkasalubong bigla ang dalawa kong kilay.

"Malapit na ang kasal namin. Kaya aalis muna ako ha? Hahanap pa kami ng mamahaling gown ni Mommy. Dito kalang,Gab?" Saad ni Lazie at tumango naman si Gab.

Ilang segundo lang ay umalis na siya at doon bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinigilan. Tinignan ko si Gab na tulala lang sa akin. Sinampal ko siya ng malakas.

"Alam mo? Umaasa ako na ako yung mamahalin mo!" Sigaw ko sa kanya sabay suntok sa matitigas niyang dibdib. Siguro masuado ata akong isip bata para mag-inarte nang ganito. Hinayaan niya lang akong gawin iyon. Ang sakit. Akala ko sasaya na ako dahil nandito na ulit si Gab!

"Sana hindi ka nalang nagpangako sa akin na babalikan mo pa ako!" Sigaw ko sa kanya at sinampal ulit siya.

May galit ba sakin ang mundo? Bakit ganito? Una si Skiel at may anak na at ngayon si Gab naman ay malapit nang ikakasal. Ano pa? Ano pa ang hindi ko alam?

Bigla nalang bumuhos ang mga luha ni Gab.

"I'm sorry, Lhiane. Mahal naman kita noon eh." Basag na boses niyang sabi.

"Noon? Pero ngayon? Hindi na?" Mali bang sumbatan ko siya parte sa pagmamahal niya? Hindi naman siguro?

Mahal niya ako pero nakahanap siya ng iba? Taenang pagmamahal 'yan. Nakakaloka na.

"Kung mahal mo ako bakit ganito ngayon? Bakit malapit ka nang ikakasal? Alam mo bang hinintay kita?"

"Hindi ko na napigilan na mahuhulog ako kay Lazie. Pinigilan ko ito, Lhi pero pasensya na dahil natamaan na talaga ako kay Lazie." Paliwanag niya at parang binagsakan ako.

Masakit, oo. Masakit palang magmahal 'no?

"If you really love me hindi ka mahuhulog sa iba" Umiiyak na sabi ko.

Bigla nalang bumuhos ang ulan kaya tinignan ko si Gab na nakatingin sa akin. Nag-alaala. Napaatras ako sa kanya.

"May Skiel ka naman, Lhi."

Isa siyang gago. Walang kwenta ang paghihintay ko sa kaniya.

"Gab! May anak na sila ni Skray!"

"Paanong?"

"Malamang dahil ilang taon na ang nakalipas at ngayon kalang umuwi."

"I'm sorry" Paghumingi niya ng paumanhin.

"Gab..." Ganoon pa rin ako, umiiyak sa harap niya.

"I'm sorry kung hindi ko tinupad ang mga pangako ko sayo. Patawarin mo ako"

"Tama na! Tama na pwede ba? Pareho lang kayo ni Skiel." Pagkasabi ko nun ay pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa aking pisngi at tumingala pa.

Suminghap ako at tinanggap ang katotohanan na 'yon. Natatakot ako. Wala akong nagawa kundi nagsalita na.

"Sige. Bigyan mo ako ng invitation dahil pupunta ako sa kasal niyo. Para masaksihan ko ang lalaking mahal ko na ikakasal na sa iba." Nakangiting sabi ko at iniwan ko siyang umiiyak na rin ngayon. Naiiyak siya dahil may tao siyang nasaktan.

Bakit kailangan nilang mangako kung hindi nila kayang tuparin iyon. Mahirap ba talaga akong mahalin? O kamahal-mahal nga ako pero madali naman akong iwan? Bakit ganito? Hindi ko ito deserve. Pero wala akong pakialam dahil nasasaktan ako ngayon.

Akala ko okay na ako ngayon at hihintayin ko na si Gab sa pagbalik niya pero nagkakamali ako. Sana pala hindi nalang ako umasa sa kanya.

At isa pa, ano daw? Childhood bestfriend niya si Lazie. Sana maging masaya sila habang ako ay durog na durog na.

Entity Of PromisesWhere stories live. Discover now