"Grumpy in the morning?" nakalabing wika niya habang lumalapit rito. Imbes na huminto siya sa harap ng lamesa nito ay nagpatuloy siya hanggang sa kinauupuan nito. Ipinatong niya ang dalang bag sa ibabaw ng lamesa nito at doon rin siya mismong umupo.

Napailing ito sa ginawa niya. "Anong sadya mo rito?"

Ikiniling niya ang ulo. "I just want to apologize for last night. Naisip kong baka napikon ka sa mga naughty acts ko."

"You can't seduce me, Haley."

"I know, I know. I must admit, iyon talaga ang plano ko..." mahina niyang sabi na naririnig naman nito. "Pero, alam ko naman na iba ka sa lahat ng lalaki na gustong makuha ang atensyon ko at handang magpalaro sa mga kamay ko."

Namamanghang tinignan siya nito. "At talagang inaamin mo at mukhang pinagmamalaki mo pa ang ginagawa mo!"

She pouted her lips. "Hindi sa ganoon. But my point is, I'm really sorry. Nalaman ko na kung anong nangyari sa'yo last year..."

Hindi ito sumagot bagkus ay hinintay ang mga susunod niyang sasabihin. Wala rin siyang mabasang kahit anong reaksyon sa mukha nito.

"And you're right. I shouldn't play with a broken-hearted man like you." So, let's just play another game. "Will you forgive me?"

"If you'll sit properly on a chair, I will."

Ginawa nga niya na umupo ng maayos sa upuan sa harap ng desk nito. "So?"

"You're forgiven."

She sweetly smiled. "Thank you, Gideon. Ahm...can I ask a favor?"

"Ano naman iyon?"

"Let's have lunch. My treat!" excited na aya niya rito. "Pagbigyan mo sana ako. Uuwi na kasi agad ako ng Manila tonight." Bahagya niyang niyuko ang ulo at umarteng nahihiya. "Alam mo naman kasi na gusto talaga kita. Katulad ng sinabi ko kagabi. That's true and gusto ko lang sana talaga na makasama ka sa lunch."

Wala siyang narinig na kahit ano kay Gideon kaya nag-angat siya ng tingin rito. She silently gasped when she saw him quickly smile! Tila siya nabato sa kinauupuan.

"It's my first time to get invited by a woman for lunch. How can I say no?"

"You cannot say 'no'. The woman is also the new governor's daughter and she can really be persistent until you can't resist her."

"Mukhang hindi ka sanay na tinatanggihan."

"Dahil hindi ako pumapayag na tanggihan ako. Sa tingin ko nga, I should have a reward for never giving up sa mga bagay na gustung-gusto kong makuha."

"Makulit ka lang talaga na bata." Umangat pa ang gilid ng labi nito at naramdaman na naman ni Haley ang kakaibang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Bigla siyang dinalaw ng takot para sa sarili dahil sa bagong laro na inuumpisahan niya.

***

"BAKIT KA pala napasok sa politika?"

Mula sa pagkain at nag-angat sa kanya ng tingin si Gideon. "Ang lolo ko sa father's side ay isang frustrated politician. Highschool ako nang mamatay siya. Naghihingalo na siya noon at sa'kin niya hiniling na sana subukan ko daw na pumasok sa politika at makatulong sa maraming tao. I took up Political Science in my college. Nag-masteral din ako. Then, here I am. Dito sa Amora pinanganak at inilibing ang lolo ko, kaya dito 'ko pinilingang manungkulan."

"So, parang napilitan ka lang because of your grandfather's wish on his deathbed?"

Umiling ito. "I love serving the people. Sa tingin ko ay nakita na iyon ng lolo ko sa'kin noon pa kaya sa lahat ng apo niya ay ako ang hinilingan niya ng ganoon."

Napangiti si Haley. Sa buong oras na kasama niya si Gideon ay napatunayan niyang hindi naman pala talaga ito masungit o suplado. Maganda ang pag-uusap nila. At kahit hindi ngumingiti, sa pakikipag-usap pa lang ni Gideon ay alam na niyang matalino ang lalaki.

"How about you? You finished what course?" tanong naman nito sa kanya.

"Fine Arts. I specialized most in studio arts."

"Painting, huh?"

Tumango siya. "Bata pa lang ako mahilig na 'kong magpinta. I like to mix or blend colors. I love drawing horizons, landscapes, breathtaking views, and so much more..." tuluy-tuloy ni Haley sa pagkukuwento.

Dati kapag may ka-date siya ay hindi niya nakukuwento ang tungkol sa mga sinasabi niya ngayon. Halata naman kasing hindi interesado sa ganoong bagay ang mga nakaka-date niya. But with Gideon, matamang nakikinig ito sa kanya at parang interesado talaga itong malaman ang mga sasabihin niya pa. Hindi talaga kaila kung bakit gusto ito ng mga tao sa Amora.

"Nagpa-plano sila Papa na sponsor-an ang una kong exhibit. Pero sa tingin ko ay matagal pa iyon," aniya pa. "Nahihirapan kasi akong maghanap ng modelo para sa gagawin kong pinakahuling painting na magiging sentro ng exhibit ko."

"Ano bang gusto mong ipinta?"

"Nude painting sana. But, like what I've said, wala nga akong mahanap na perfect model." Pilyang sinuri niya ito kunwari. "Gusto mo, ikaw na lang?"

Bigla itong naubo na ikinatawa niya.

"I'll pass," anito at saka uminom ng tubig.

Napangiti lang siya at tinitigan ito. "Gideon..."

"Yes?"

Nilaro-laro niya ang tinidor. "Ahm... puwede ka ba next next week?"

Ikiniling nito ang ulo. "Bakit?" he curiously asked.

"Gusto sana kitang makasama sa party ng kaibigan ko sa Manila... Wala kasi akong magiging escort..." Totoong may party ang isa sa mga socialite friend niya sa susunod na dalawang linggo. Hindi siya sanay na walang nakakasamang date sa mga party na pinupuntahan. Puwede naman siyang makahanap pa ng ibang lalaki na makakasama... pero gusto niya si Gideon lang at hindi niya rin alam kung bakit. Basta mula ng magsimula silang magtanghalian, she wanted to be with him forever.

"Bakit ako pa?"

Tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata. "Please, Gideon? After that, hindi na talaga kita kukulitin."

"Marami akong trabaho," tanggi pa rin nito.

"Please?" nagsusumamo ang tinig pati ang mga mata ni Haley. Kailangan niyang mapapayag ito. Kasama iyon sa mga laro niya. She really wanted Gideon that bad.

Matagal bago ito nakasagot. Ngunit maya-maya pa'y sumusukong tumango ito. Parang pumalakpak ang puso niya- if there's such a thing, sa pagpayag nito.

"Great! Let's keep in touch!" Inabot niya ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa ngunit marahang binawi nito iyon.

Napailing-iling na lang siya at saka nangalumbaba. "You know, Gideon, I think I really want to have you."

Seryosong tinignan lang siya nito. "I don't date little brats."

She pouted her lips. "Oh, Gideon," she sighed. But a playful smile curved in her lips at nagsalubong naman ang mga kilay nito.

You'll forget about being broken hearted, pagkatapos ng larong 'to.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRWhere stories live. Discover now