Biglang nakaramdam ng lungkot si Haley para kay Gideon. She could imagine how painful it was for Gideon. Mas pinili ng kung sino mang babae na iyon ang career kaysa sa buhay kasama ang lalaki. That's a real stupid girl!

Well, her loss is my gain. "Isang taon na rin iyon, ano, Mama? Kung apektado pa rin si Gideon, ibig sabihin, love niya talaga 'yung girl?"

"Ang pagkakaalam ko ay limang taon ang relasyon nila," Papa niya ang sumagot. "Nakikita ko ang babae noong tumatakbo pa lang na councilor si Gideon noon. Todo suporta at mabait naman talaga. I can see how they really loved each other."

"Taga-Amora din ba 'yung girl?"

"Ang mga kamag-anak lang. Lumaki ang babae sa Manila."

Tumangu-tango lang siya at pagkuwa'y nagpaalam sa mga magulang.

"Saan ka naman pupunta, Haley?" tanong ng ama.

"Gonna play with a broken-hearted man," pilyang tugon niya at saka lumabas ng mansyon.

***

DAHIL KAPAPANALO pa lamang ay hindi pa opisyal na nakaupo ang mga nanalong kandidato sa mga puwesto nito. Kaya naman pagdating ni Haley sa munisipyo ng Amora ay hinanap niya agad kung saan ang opisina ni Gideon Napoleon na kasalukuyang councilor pa rin hanggang sa susunod na buwan, bago ito umupo bilang bagong bise-alkalde ng probinsiya.

Pagkarating ni Haley sa tapat ng opisina ni Gideon ay hinanda niya na ang pinakamatamis niyang ngiti at lumapit sa sekretarya nito.

"Hi, good morning!" masiglang bati niya sa isang matandang babae na sekretarya marahil.

"Magandang umaga rin po sa inyo," bati nito at ginantihan ang kanyang mga ngiti. "Ano pong maipaglilingkod namin?"

"Gusto ko sanang malaman kung nandyan po ba si Councilor Napoleon?" tanong niya agad rito.

Tumango ang ginang. "Nasa loob na po si konsehal. Meron po ba kayong scheduled meeting sa kanya?"

Nakagat niya ang ibabang labi at napailing-iling. "Kailangan ba iyon, Ma'am?" kunwa'y di niya alam na tanong. "Sabi kasi ni Papa ay puwede daw akong dumiretso agad rito kung gusto kong makausap si Gideon."

"Nako, Miss, kailangan po talaga ang schedule. Sino po ba ang ama ninyo?"

"Si Mayor Gonzaga po."

Nanlaki ang mga mata ng ginang at napatayo. "Kayo po pala ang anak ng bagong gobernador! Pasensya na po, Miss Gonzaga, hindi ko po al-"

"No, no, it's okay. Alam ko naman po na sumusunod lang po kayo sa proper procedures. So... puwede po ba akong magpa-schedule?"

"Ay, Miss Gonzaga, huwag na po kayong magpa-schedule. Puwede niyo na pong makausap si konsehal. Sandali po at ipapaalam ko na nandito kayo," natatarantang sabi nito at saka may pinindot sa telepono nito.

Lihim naman na napapangiti si Haley. Alam niyang agad siyang i-e-entertain sa munisipyo kapag nalaman na siya ang kaisa-isang anak ng kasalukuyang alkalde at magiging gobernador ng Amora sa susunod na buwan.

"Miss Gonzaga, puwede na po kayong tumuloy."

Nagpasalamat siya sa ginang at saka tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng opisina ni Gideon. Naabutan niya itong nakaupo ng kampante sa swivel chair nito sa likod ng isang mahogany desk. Magkasalubong ang dalawang makakapal na kilay nito habang nakatutok sa kanya ang maiitim nitong mga mata. Wala ring kahit anong ngiti na makikita sa senswal nitong mga labi.

"Good morning," magiliw na bati niya pa rin rito pagkasara niya ng pinto. Pasimpleng ni-lock niya rin iyon bago ito nilapitan.

"What do you want now, Haley?" diretsang tanong nito.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRWhere stories live. Discover now