"Kennie baka naman." napairap ako kay Julia.

"Ano ba kasing ginagawa ninyo dito?" tanong ko sa kanila. Kung hindi pa nila ako sasagutin ay palalayasin ko na sila.

"Wala lang, binibisita ka lang. Isang linggo ka kasing hindi nagpakita." sabi ni Joella.

"Tinatamad akong lumabas." pero ang totoo nyan ay ayoko muna silang makita lalo na si Rigel. Nakita ko sila sa isang business party kasama si Zandy. Wala syang nabanggit samin na pupunta sya sa ganong klaseng party. I mean, okay lang na hindi nya sabihin samin dahil hindi naman nya obligasyon na sabihin 'yon pero bakit kasama nya si Zandy?  Worst, sobrang sweet nilang dalawa nung party na 'yon. Para silang couple.

Simula non ay lumayo na muna ako sa kanila dahil nasaktan ako. Ang babaw pero gusto ko talaga si Rigel kaya bawat desisyon nyang makasama si Zandy ay nasasaktan ako. Alam ko na mas lamang si Zandy sakin pero hindi pa rin ako sumusuko hangga't hindi pa sya sinasagot ni Rigel. Pero nung party, bigla akong pinaghinaan kaya naman lumayo muna ako.

"Kennie?" napatingin ako sa gilid ko. "Gusto mo sumama samin? pupunta kami sa bahay nila Joella." pag-aaya ni Rigel sakin.

"Kayo na lang." sagot ko.

"Himala!" napatingin ako kay Julia nakataas pa ang dalawang kamay nya.

"Wow, tinanggihan mo si Rigel na gusto mo?" nakangising sabi ni Joella.

Napahalumbaba ako sa kamay ng couch. "Yes. Tinatamad akong lumabas ng bahay."

"Seriously?" tinignan ko si Rigel. Nakataas ang isang kilay nya. Mukhang hindi naman sya na-offend na tinanggihan ko sya.

"Ayoko munang lumabas ng bahay." sabi ko at sumandal sa couch. "Nakakatamad."

"Puro tamad ang naririnig namin sayo." sabi ni Lee. Napangisi ako sa kanya.

"You guys can go without me. Next time na lang ako sasama sa inyo." sabi ko.

"Ang corny mo naman." sabi ni Julia tapos kumuha ng madaming cookies bago tumayo. Tumayo na din sila Joella.

"Sigurado ka ba?" tanong sakin ni Rigel. Tumango ako. Natutuwa ako na concern sya sakin. "Bahala ka." sabi nya at tumayo. Sumunod sya kanila Julia na lumabas ng bahay.

Tumingin ako sa taong naiwan.

"Sumusuko ka na ba?" tanong nya. Hindi ko alam kung concern sya o natutuwa.

"Hindi. Nagpapahinga lang." sabi ko. Napakunot ang noo nya. "Nakita ko kayo nung nakaraang party." mukhang nabigla sya sa sinabi ko. "Lumalayo muna ako dahil nakikita kong masaya si Rigel sayo. Nasasaktan lang ako kapag nakikita ko kayong magkasama."

"Kennie." may halong pag-aalalang sabi nya.

"Wala ka dapat kaawaan, Zandy. Parehas tayong naglalaban para kay Rigel. May matatalo at may matatalo talaga sa ating dalawa. Pinagbibigyan lang kita ngayon pero sa susunod ay hindi na kaya ngayon pa lang ay sulitin mo na ang mga oras na kasama sya." sabi ko sa kanya at tinignan sya ng seryoso.

Ngumiti sya sakin at tumayo. "Kahit na lumayo ka ngayon, hindi ko pa rin nasosolo ng maayos si Rigel dahil kay Sylvia." sabi nya. Pero madalas mo syang masolo.

"Yeah, whatever." sabi ko. Nagpaalam na sya sakin at lumabas ng bahay.

Tumayo ako at tumungo sa kwarto ko. Pabagsak na humiga ako sa higaan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Ngayon lang ito pero sa pagbalik ko, sisiguraduhin kong ako ang pipiliin ni Rigel.



Rigel's POV

Isang buwan na nakakalipas matapos ang Summer Cup. Muli na naman nanalo ang Shakers. Natalo kami sa kanila pati ang Meteorite na hindi naglaro ang kambal na Chavez. Tinambakan na ng Shakers ang Meteorite ng twenty eight pero hindi na umabot ng thirty score ang lamang. Napansin ko na mine-maintain ng Meteorite na twenty eight ang lamang. Ewan ko pero parang kaya naman nilang bawiin ang score pero hindi nila ginawa. 

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now