Chapter 41

29.9K 535 38
                                    

MIKA'S POV:

Masakit ang mata ko habang pilit ko itong ibinubuka..

Madaling araw na akong nakatulog..as usual..idinadaan ko na lang sa pag iyak ang lahat..

Walang minutong di ko naiisip ang mga anak ko..

Ang mga nanyari sa sa akin at ang mga ginawa ni John sa akin..

Tiningnan ko ang maliit na alarm clock na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ng katreng yari sa kawayan kung saan ako natulog..pasado alas-otso na pala.

Hinawi ko ang munting kurtina ng maliit na bintana ng bahay..

Mataas na pala ang araw..

Di ko naririnig si Nay Martha..siguro nakaalis na siya papunta sa El Nido..

Pumunta ako sa munting kusina ng bahay..may pagkaing nakakapag sa maliit na mesa ..

Siguro niluto ni Nay Martha sa akin bago siya umalis..

Wala akong ganang kumain kaya tinakpan ko na lang uli ang egg omellete na gawa ni Nay Martha..bumalik ako sa loob..magbibihis na lang ako..

Susubukan kong maglibot sa Isla..

Para kahit papaano malibang naman ako..

Pakiramdam ko kasi pag nasa tabing dagat ako..gumagaan ang dibdib ko.

matatagalan pa bago dumating si Nay Martha..

Mabilis akong lumabas sa bahay at nagsimulang mag lakad..

May nangilan-ilang residente akong nakakasalubong..

Yung iba nakatingin lang sa akin..

Pilit akong ngumingiti sa kanila..

Sa baybaying dagat na lang ako dadaan..palibot ang islang ito..

Sabi ni Nay Martha dito daw sa isla na ito may maliit na kuweba..

Ang ganda ng lugar na ito..

Kung hindi lang ako sa ganitong estado baka ma-enjoy ko ang ganda nito..

Nang mapagod ako..ipinasya kong maupo sa isang malaking bato. .

Hanggang kailan ba ako sa lugar na ito?

Di ako maaaring manatili dito ng matagal..

Walang mangyayari sa akin dito...

Ipinikit ko ang mga mata ko..

Kumusta na kaya sina John Andrie at Marie Claire?

Sino kaya ang nag aalaga sa kanila?

I took a very deep breathe..

Pakiramdam ko parang sasabog na naman ang dibdib ko..

DAMN!

Hanggang kailan ko ba dadalhin ang sakit na ito sa dibdib ko?

Mabilis akong tumayo..ipagpapatuloy ko na lang ang paglalakad..this time binilisan ko..

Nagulat pa ako ng may tumawag sa akin..

"Ale..saan po kayo pupunta?"

Napalingon ako.. isang binatilyong may dala-dalang nakataling sanga ng kahoy ang tumawag sa akin..

"Huh?"

Wala akong naisagot dahil di ko naman alam kung saan ako pupunta..

"Kung balak niyong pumunta sa kabilang bahagi ng isla..huwag na huwag kayong lulusong sa tubig..malalim ang bahagi dyan ale"

REVENGE OF THE BROKEN BILLIONAIRE حيث تعيش القصص. اكتشف الآن