Chapter 27

32.7K 555 16
                                    

MIKA'S POV:

Dahan-dahan kong ibinukas ang mga mata ko..pakiramdam ko ang haba ng tulog ko..

Puting kisame ang una kong nakita..

Nasaan ako?

Parang isang dejavu ang mga pangyayari..Feeling ko nangyari na ito sa akin before..

nagpalinga-linga ako..wala akong makitang tao..

Nasaan ako?

I check my self..

Bakit ako nasa Hospital bed na ito..

Dahan-dahan akong bumangon..

Pinakiramdaman ko ang sarili ko..wala namang masakit sa akin..

Ipinasya kong bumaba..Nasaan ang dalawang bodyguards ko?

Ipinasya kong maglakad papuntang pintuan..

Sinubukan kong buksan ang pinto..hindi naman pala nakalock

Nilakihan ko ang bukas at sumilip ako..

Nakita kong nakatayo sa labas sina Castro at Perez..

Nang makita nila ako mabilis silang lumapit sa akin..

"Maam Mika gising na kayo?"

Bumalik ako sa kama at sumunod naman silang dalawa..

"What happened? I mean bakit ako nandito sa Ospital?"

"Naku Maam hinimatay kayo sa Parking lot ng Glorietta..di niyo ba natatandaan?"

Umiling ako..ang natatandaan ko lang papalapit kaming tatlo sa sasakyan ng makaramdam ako ng sobrang hilo..tapos nagdilim na ang paningin ko..

"Ano daw ba ang sakit ko at bakit ako hinimatay?"

Di sumagot ang dalawa at nagkatingin lang sila..

"Maam mabuti pa tawagin na lamang namin ang Doctor..siya na ang bahalang magpaliwanag at magsabi sa inyo"

"Bakit malubha ba ang lagay ko?"

Tumawa si Castro at umiling..

"Naku hindi maam..ok na ok kayo"

Ngumiti ako sa kanya at sinundan ng tingin si Perez na papalabas ng pintuan

Para tawagin ang Doctor..

Gusto ko sanang itanong kong alam ba ni John ang nangyari pero hindi ko na itinuloy..

Kasi kung alam niya siguradong nandito iyon.

"Ah..Castro nasaan ang purse bag ko..nandun ang Cellphone ko eh.tatawagan ko lang si Nay Martha"

"Naku maam pasensya naiwan sa sasakyan,dahil sa pagkataranta namin kanina habang dinadala ka namin ni Perez..nakalimutan naming dalhin ang bag mo..gusto mo kunin ko sa sasakyan Maam?"

"No..huwag na"

Biglang bumukas ang pintuan..

Isang medyo may edad ng babaeng Doctor ang kasama ni Perez..

"Hello Mrs.Lorenzo..kumusta na pakiramdam mo"

Ngumiti ako sa kanya..

"Ok na ako Dok"

"Mabuti naman kung ganon"

"Ah..dok ano po sakit ko? Bakit ako nawalan ng malay?"

Tumawa ito at lumapit sa akin at pinisil ang mga kamay ko..

"Wala kang sakit Mrs.Lorenzo..Normal lang na mawalan ka ng malay dahil buntis ka"

"What?! I am pregnant?"

REVENGE OF THE BROKEN BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon