Chapter 5

35.2K 532 5
                                    

THE AFTERMATH






Puti ang nakikita ko ng dahan dahan kong idilat ang aking mga mata.

Parang ang hirap idilat ang mga mata ko dahil ang bibigat ng mga talukab nito.

Nasaan ako?

Pilit kong iginagalaw ang ulo ko pero makirot.

Anong nangyari?

"Anak salamat sa diyos at gising kana"

Nag aalalang mukha ni yaya ang bumungad sa akin.

"N..nay what happ...enn?

Niyakap ako ni Nay Martha ng mahigpit habang umiiyak siya.

"Anak naaksidente ka kagabi at laking pasasalamat namin ng Papa mo dahil maliit na sugat lang ang tinamo mo sa ulo"

Iginala ko ang paningin ko nasa bandang kaliwa ng hospital bed ko si Mang Manuel at ang dalawang katulong namin sa bahay.

"Kagabi pa dito sa Hospital ang Papa mo anak binantayan ka niya boung magdamag lumabas lang siya para ayusin ng kaso ng kinasasangkutan mong aksidente kasama ng babaeng namatay sa banggaan ng sasakyan nyong dalawa"

"May nam..mmatay?

Halos di lumalabas sa bibig ko ang mga salitang nais kong iparating at itanong.

Biglang nanlamig ang katawan ko.

Lalo na ng tumawag sa pansin ko ang Flash Report sa Flat TV nasa harapan ko

PATAY SA ISANG AKSIDENTE ANG ISANG SIKAT NA INTERNATIONAL MODEL NA SI CLARRISE SANTOS!

Na nakatakdang ikasal sa susunod na linggo sa Bilionaryong si MICHAEL JOHN LORENZO! Sangkot sa aksidenteng banggaan ang ANAK ng businessman na si Rodolfo Trinidad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Na nakatakdang ikasal sa susunod na linggo sa Bilionaryong si MICHAEL JOHN LORENZO! Sangkot sa aksidenteng banggaan ang ANAK ng businessman na si Rodolfo Trinidad.

Sa kabutihang palad nakaligtas si MIKAELA TRINIDAD at kasalukuyang nagpapagaling sa Makati Medical Center.

Nakaawang ang mga bibig ko sa nakikita kong balita sa TV.

Ipinapakita rin ang Paglabas ng isang stretcher na may lulang tinakpan ng puti at isinasakay sa Ambulansya.

Napakaraming Media ang nakapalibot sa ambulansya habang isinasakay ang bangkay.

Sumunod na ipinakita sa TV ang paglabas ng isang lalaking pamilyar sa akin ang mukha.

Di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita at kailan.

Ayon sa reporter na nag cocover ng News report.

Yun si Michael John Lorenzo ang Fiance ng namatay.

Mabilis ang sakay nito sa isang SUV kasama ang limang lalaking naka uniforme ng Pang Body Guard.

Pilit siyang tinatanong ng Media pero ni isang salita ay wala itong pinakawalan.

Nakasuot ito ng Salaming itim at mabilis na sumakay sa sasakyan.

"Ayon sa mga paunang invistigation ng Makati Police District at sa autopsy narin ng Makati Medical Center positibong lango sa Alak ang Anak ng businessman na si Rodolfo Trinidad ng mangyari ang banggahan at pinag aaralan pa ng mga pulis ang CCTV footage na kuha mismo sa pinangyarihan ng banggahan"

"At ayon sa latest report na ipinalabas ng Makati Medical Center isang buwang buntis si Clarisse Santos."

Di ko namalayang hilam na pala ng luha ang mga mata ko.hanggang sa mapahagulgol na ako

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ng mga sandalig yun.

Regret.

Guilty.

Agad akong dinaluhan nina Yaya at Mang Manuel.

Pinatay ni Yaya ang TV at mahigpit akong niyakap para aluin.

"N..nay Ive killed the..mm"

"Shhhhh.. Hindi mo kasalanan ang nangyari anak..aksidente ang nangyari walang may gusto nun."

Nasa ganun kaming Estado ng pumasok si Papa kasama ang babae niyang si Brenda.

Nasa likod nila ang doctor at dalawag Nurse.

"Anong nangyari Martha?

Mabilis na lumapit si Papa sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Takot na takot ako iha. .akala ko mawawala kana sa akin"

"Papa ive kill. . .ed them"

Sabi ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko.

I feel so empty and Miserable..

Boung buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.

"Shhh its ok iha it's an accident" himas himas ni papa ang ulo ko..

"Bakit siya nagkaganito Martha?" lumingon si Papa kay Yaya.

"Pasensya na Sir pero nakita niya kasi ang balita sa TV tungkol sa aksidente at doon sa babaeng modelo na namatay"

"Dont turn on the TV again! Pagalit na sabi ni Papa sa mga taong nakapaligid sa akin.

Diko namalayang papalapit na pala ang nurse at may isinaksak sa dextrose na nakakabit sa akin.

Hanggang maramdaman kong unti unting bumibigat ang talukab ng aking mga mata at tuluyan ng nag dilim ang paningin ko.



MICHAEL JOHN


Hanggang ngayon di parin ako makapaniwalang lulan ng ambulasyang sinusundan namin si Clarisse.

Naikuyom ko ang mga palad ko.

Kaninang gabi habang tinatanggal nila sa morgue ng Hospital ang Puting nakatakip sa bangkay ni Clarisse.

Parang gusto ko naring mamatay.

Halos di ko siya makilala dahil sa dami ng pasa sa kanyang katawan.

At pinaka masakit sa lahat namatay siya kasama ng magiging anak namin.
Di ko alam na buntis na pala siya
Yun siguro ang sorpresang sinasabi nya sa akin na magkakaanak na kami pero

Nang dahil sa iresponsableng spoiled brat na si Mikaela Trinidad nawala ang lahat lahat sa akin.

Suklam at galit ang nararamdaman ko sa babae.

Nahimasmasan lang ako ng magring ang Cellphone ko sa bulsa ko

Si Hanz ang tumatawag.

"Hello"

"Hello John nasaan ka? im really really sorry buddy ngayon ko lang nakita ang balita tungkol sa nangyari kay Clarisse kagabi"

Di ko magawang magsalita.

Pinapakinggan ko lang si Hanz sa kabilang linya.

"Please tell me nasaan ka ngayon? Nakita ko sa news bago lang na inilabas na sa hospital ang bangkay niya ,Saan mo siya dadalhin?

"Sa Saint Venedict Memorial Chapel"

Halos pabulong lang ang pagkasabi ko.

"Ok ill be right there John" at nawala na ito sa linya.

Di ko alam kong ano ang naging reaksyon niya ng nalaman niyang ang babaeng matagal na niyang pinapantasya ang dahilan ng pagkamatay ni Clarisse at ng anak ko.

Ibang klaseng maglaro ang tadhana sa amin..

Unpredictable at Masakit!

REVENGE OF THE BROKEN BILLIONAIRE Where stories live. Discover now