Chapter 40 Part One

31.6K 490 8
                                    

MIKA'S POV:

Tinatanaw ko ang unti-unting paglubog ng araw sa kanluran..Mula ng dumating ako dito sa maliit na Isla na ito sa Palawan kasama si Nanay Martha..nawalan na ako ng imik..Dito ko parating ibinubuhos ang panahon ko sa tabing dagat..atleast dito gumagaan ang bigat ng pakiramdam..Dalawang linggo na mula ng takasan ko ang tila bangungot na nangyari sa buhay ko..

Akala ko pag lumayo ako mapapanatag na ang kalooban ko pero nagkamali ako..halos araw araw akong umiiyak dahil sa pag aalala sa dalawang anak ko na iniwan ko sa Hospital pagkatapos kong isilang.Life is full of Surprise isn't it?

Ni sa panaginip di ko inakalang hahantong sa ganito ang buhay ko..Simula ng mangyari ang aksidenteng yun isang taon at kalahati na ang nakakaraan..Sunod sunod na ang mga sorpresang nangyari sa buhay ko..Di naman ako ganun kasama para parusahan ako ng Diyos ng ganito..Diko namamalayan nag uunahan na namang mag landas ang mga luha ko sa Pisngi ko.."Anak nandito ka na naman sa tabing dagat"Di ko namalayan ang paglapit ni Nay martha..Unti unti akong lumingon sa kanya sabay punas sa mga luha ko sa pisngi.."Anak umiiyak ka na naman? Tama na yan kung gusto mong balikan ang mga anak mo..gawin mo anak, kesa ganyang araw araw kang umiiyak"Umiling lang ako at tiningnan si yaya.."hindi po ako babalik doon nay..alam nyo kung bakit diba?"alam ko pero ako ang nahihirapan pag nakikita kitang nagkakaganyan"hinawakan ni Yaya ang dalawang mga kamay ko."Anak tama ba talaga ang naging desisyon mong iwanan ang mga anak mo at si Sir Michael?Di ako makatingin ng diretso kay Nay Martha..Di ko rin alam kong tama o mali ang ginawa ko..Pero maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga sinabi ni Sofia sa akin sa hospital ng araw na iyon."Minsan inisiisip ko anak sana tinanong mo muna si Sir Michael at inalam mo kung totoo nga ang sinabi ng Sofia na yun sayo..baka naman gawa gawa lang niya iyon para ikaw na mismo ang lumayo"Di ako nakaimik sa sinabi ni Nay Martha..Posibleng tama siya na gawa gawa lang ni Sofia ang lahat para ako na mismo ang magkusang iwanan si John..at ang mga anak namin. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga sinabi niya at binabalik balikan ko ang lahat ng mga nangyari mula sa nangyaring aksidente na dapat sana ay pinakulong niya ako pero sa halip ipinasarado niya ang kaso..hanggang sa biglang pagbagsak ng mga negosyo namin na naging sanhi ng kamatayan ni Papa..napag isip isip ko may katotohanan ang lahat ng sinabi niya sa akin sa Hospital..isa pang basehan ang Kontrata..kung hindi sinabi ni John sa kanya ang lahat lahat bakit na sa kanya ang kontratang ang alam ko tanging kami lang at ang abugado ni John ang nakakaalam doon..

Bumuntong hininga na lang ako ng malalim.."Halika na anak umuwi na tayo papadilim na"Hawak ni Nay Martha ang mga kamay ko habang tinutunton namin ang daan pauwi sa maliit na bahay na tinitirhan naming dalawa.Sa malayong kamag anak niya ang bahay na tinitirhan namin..nasa amerika na ang may ari dahil kinuha ng anak na nakapag asawa ng kano..Dahil nga ayaw ko ng matunton pa ako ni John kaya pinakiusapan ko si Nay Martha na dito na lang kami pansamantala.Gusto kong lumayo sa mga taong nakakakilala sa akin..at higit sa lahat gusto ko ng lumimot sa lahat ng nangyari sa buhay ko nitong nakalipas na isang taon at kalahati..Kung paajno ko gagawin ang paglimot?Yun ang di ko alam?Di ko alam kong paano?Kailan?Nung papalayo ang taxi na sinasakyan namin ni Nay Martha sa Ospital pakiramdam ko unti-unti rin akong namamatay..Halos madurog ang puso ko habang papalayo sa mga anak kong di ko na makikita pang muli..Tanging si Yaya lang ang nagbigay sa akin ng lakas para kayanin ang lahat..Siguro naman makalipas ang ilang buwan kong paglayo baka di na ako ipahanap ni John..Baka nga tuwang tuwa pa yun dahil tuluyan na akong nawala sa landas nila kasama si Sofia..Alam kong wala siyang hangad sa akin kundi gantihan ako at pahirapan..Siguro tama na yung pasakit na ipinataw niya sa akin..At naibigay ko na rin ang anak na gusto niyang kapalit ng anak niyang nasawi sa sinapupunan ng pinakamamahal niyang Fiancee..Tao rin ako nasasaktan at may hangganan din ang lahat..Iisipin ko na lang sigurong isang masakit na kababata ng buhay ko ang nangyri.

.Life must go on..Leaving things behind..Is the choice..i had to make...Dahil pag di ko ginawa yun baka wala ng matira sa akin..

Sa ngayon kailangan ko munang mag isip ng mabuti..

Kailangan magkaroon ako ng sapat na lakas para labanan si John..

Ang tanong..

Saan ako magsisimula?

Kung Financial status ang pag uusapan wala akong sapat na kakayahan para lumaban..alam kong walang imposibleng bagay para kay John..

Anong gagawin ko sa Maliit na islang ito?

halos lahat ng tao dito pangingisda ang ikinabubuhay?

Isang oras at kalahati pa ang itinatakbo ng bangka para makarating sa pinakasentro ng bayan ng El Nido..

"Anak gusto mong sumama sa akon bukas sa bayan?"

Nilingon ako ni Nay Martha habang papasok kami sa pintuan ng maliit na bahay na kasalukuyan naming tinutuluyan..

"Nay..dito na lang ako..kayo na lang po"

"Anong gagawin mo dito magmukmok at umiyak boung araw habang nakatingin sa dagat?"

"Nay..hayaan na lang niyo muna ako pakiusap"

Nakita kong bumuntong hininga siya habang tinitingnan ako na may kasamang awa..

"Sige..maaga akong aalis bukas..bibili ako ng bagong simcard nating dalawa kahit na mahirap sumagap ng signal dito kahit papaano meron tayo kahit isa lang.."

Tumango lang ako at dumiretso sa maliit na bintana..

Maliit lang ang isla na ito at mabibilang lang ang mga kabahayan..

Balak ko sanang maglakad lakad kanina pero hapon na..pero bukas aalis ako ng maaga..

Gugulgulin ko na lang ang oras ko sa paglalakad sa tabing dagat bukas at makapag isip na rin ako ng mga hakbang na gagawin ko..

Isa pa gusto ko munang libangin ang isipan ko..dahil pag si ko ginawa yun baka mabaliw ako sa kakaisip sa mga anak ko..

Kumusta na kaya sila?

Napuno na naman ng takot at pag alala ang puso ko para sa kanila?

Sana kung totoo ang sinabi ni Sofia na pinakiusapan siya ni John na tumayong ina nila..

Mahalin sana sila ng at alagaan ni Sofia..

Marahas akong napabuga ng hangin..naninikip na naman ang dibdib ko..

At kusa na namang tumutulo ang mga luha ko..sa tuwing naalala ko ang araw na iinwan ko silang Dalawa..gusto kong sumigaw ng malakas..

Pakiramdam ko nung sumakay kami ng taxi ni Nanay Martha papunta sa Airport..para akong nakalutang sa kawalan..

Parang namanhid ang boung pakiramdam ko sa sobrang sakit..

Habang nililingon ko sa likod ng taxi ang hospital..lumalabo ng lumalabo ang paningin ko ng dahil sa luha..

I swear to god..gustong gusto kong ipahinto sa driver ang sasakyan at bumaba pabalik sa kanila..

Pero pikit mata akong nagpatuloy..

May tamang panahon para balikan ko sila at singilin ang kanilang ama sa ginawa niya sa akin..

Kaya ko ba talagang maningil?

Magagawa ko bang singilin si John?

Kinakapa ko sa dibdib ko kung may galit akong nararamdanan sa kanya sa lahat ng ginawa niya sa akin?

Hindi ko alam ang sagot..

wan ko sila sa hospital..ang araw na huli ko silang nayakap habang tulog na tulog silang

REVENGE OF THE BROKEN BILLIONAIRE Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz