Chapter 7

36K 520 7
                                    

MAYBE ITS NOT TOO LATE









Isang linggo na akong nakakalabas ng Hospital pero sa halip na iuwi ako ni Papa sa Bahay diretso ako sa rest house namin sa Batanggas.

Para narin daw sa katahimikan ko at mabilis kong paggaling.

Pero ang totoo gusto lang niya akong iiwas sa media at publiko na walang ginawa kong di husgahan ako.

Ngayon ko lubos naisip na kaya pala iniiwas nila ako sa anu mang klaseng balita tungkol sa nangyaring aksidente dahil halos boung Pilipinas pala ay hinusgahan ako.

Walang laman ang boung Social Media Sites kung di ang Issue ng pagkamatay ng Sikat na Modelo at ang Kriminal na spoiled brat.

Sa unang pagkakataon nasasaktan ako sa opinyon ng ibang tao sa akin.

Dapat daw makulong ako dahil isa akong mamamatay tao.

Dapat daw ako nalang ang namatay sa halip na si Clarisse at ang batang nasa sinapupunan niya.

"Anak nakatingin ka na naman sa malayo"

Di ko namalayan ang paglapit ni Nay Martha sa akin.

Nasa Balkonahe ako at nakatanaw sa dagat.

Simula ng lumabas ako sa Hospital at dumating dito sa Batanggas wala akong ginawa kong di magmukmok at mag isip.

"Nay hanggang kailan ba ako dito magtatago?

Pinisil ni Nay Martha ang balikat ko.

"Anak hanggat hindi lumalamig ang issue ng nangyaring aksidente dito ka muna"

"Bakit di ko na lang harapin ang anu mang kasalanan meron ako..kung nararapat akong makulong dahil sa pagkamatay ng babaeng yun nakahanda ako Nay"

Di makapaniwalang tinitigan ako ni Yaya sa mga mata.

Inaarok niya kung totoo ang mga sinasabi ko.

Para bang isang napakalaking himala ang binitiwan kong salita.

"Anak disgrasya ang nangyari..sa palagay mo hahayaan ng Papa mong makulong ka? At isa pa si Mr.Lorenzo mismo ang nagpasyang isarado na ang kaso at isyu tungkol dun"

Yun ang malaking palaisipan sa akin..

It's so Wierd!

Kung himayhimayin talagang nagkasala ako dahil nagdrive ako ng lasing ng gabing iyun.

Pero sabi ni papa si Mr.Lorenzo mismo ang nagpasyang isarado na ang kaso.

Napalaking imposible para sa akin na hindi niya ako kinasuhan at siningil..

Sa pagkakaalam ko mahal na mahal niya ang Girlfriend niya at nakatakda na silang ikasal nung araw ng libing ng babae.

At hindi yun basta basta na lang hahayaang mauwi sa wala ang pagkamatay ng Fiance nito pati ang anak niya.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

Pag nalimutan na ng media at publiko ang issue ng pagkamatay ng Fiance ni Mr.Lorenzo.

Personal akong makikipagkita sa kanya at humingi ng sorry sa nangyari nang sa ganun gumaan gaan ang nararamdaman ko dito sa dibdib ko.

Sa totoo lang bukod sa pagiging Biliyonaryo at pagiging sikat na Car racer wala na akong masyadong alam sa Fiance ni Clarisse Santos.

Basta ang alam ko Malapit na kaibigan siya ni Hanz Mercado.

Di ko pa nakikilala ng personal ang lalaki pero parang nagkita na kami somewhere di ko lang matandaan.

REVENGE OF THE BROKEN BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon