Chapter 14

33.1K 460 6
                                    

MIKA



Dalawang araw na ang nakakalipas ng ilibing si Papa..

Dalawang araw na rin akong nagmumukmok sa kwarto ko..

Ngayon ko ramdam na ramdam ang pag iisa.

Ang hirap pala ng walang masasabing kadugo o kapamilya man lang..

Mabuti nlang nandyan parin sina yaya at kuya manuel..at sa totoo lang

Di ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa amin sa bahay na ito.?

Kinausap na ako ni Atty. Corpuz pagkatapos nung araw na ilibing si Papa..

Tinanong niya ako kung ano ang plano ko pagkatapos ng libing..

Wala akong naisagot..basta ang alam ko gagawin ko ang lahat para maibalik sa akin ang bahay na ito na pinaghirapang ipundar nina Mama at Papa..

Kinausap ko na sina Yaya at Kuya Manuel..at ipinaalam sa kanila ang plano ko..suportado naman nila ang lahat ng desisyon ko..

Ibebenta ko ang dalawang sasakyan na natitira sa amin may saving pa naman ako sa bangko..

Siguro naman kahit di umabot,konti lang sa presyo ng bahay namin.

Pag nablik na sa pangalan ko at pag aari ko ang mga papeles ng bahay saka na ako maghahanap ng trabaho..

Sunod-sunod na katok ang nagpabangon sa akin mula sa pagkakadapa sa kama ko..agad ko itong binuksan..

"Anak nandyan si Atty.Corpuz at may kasama siya..bumaba ka at gusto ka nilang makausap"

Nila? Ibig sabihin di siya nag iisa..malakas ang kutob kong ang kasama ni attorney Corpuz ay ang bagong nagmamay ari ng bahay namin..

"Sige po susunod ako..magbibihis lang ako"

Nagmamadi akong nagbihis..it's now or never!

Kailangan ko ng harapin ang ano mang problemang naiwan sa aking mga balikat ng aking ama.

Pakiramdam ko tumandang bigla ang pag iisip ko sa loob lamang ng maikling panahon..

Daming nagbago sa akin.

Sabi nga ni Yaya..Im totally different from Mikaela She used to know..

Tama ang kasabihang..

You never know how strong you are..until being strong is the only choice you have..

Kailangan kong maging malakas lalo na ngayong ulila na akong lubusan..

Parehong nag iisang anak sina Mama at Papa kaya wala akong masasabing malapit na kamag anak ko..

Sa totoo lang wala akong idea kung saan matatagpuan ang mga malalayo naming kamag..

Nang mapansin ako ni Atty.Corpuz at ang lalaking kasama niya..mabilis silang tumayo..

"Good Morning Mikaela"

"Good Morning din Attorney"

"Mikaela iha..this is Mr.Arellano..siya ang taong pinagbayaran ng papa mo ng bahay niyong ito"

awkward akong ngumiti sa lalaking kanina pa ako tinitingnan mula ulo hanggang paa..bigla tuloy akong naasiwa..

"It's great to meet you Miss Trinidad"

Iniabot niya sa akin ang kamay niya..tinanggap ko naman ito bilang tanda ng pagiging isang mabuting tao kahit na pinipisil niya kamay ko..parang tumayo ang buhok ko sa batok..mabilis kong binawi ang kamay ko at ngumiti ng peke..

REVENGE OF THE BROKEN BILLIONAIRE Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt