"But you are mentally incompetent-"

"Let's cut this drama, Ma" nawawalang pasensya kong putol sa sinasabi nito.

"Drama?" She scoffed.

"Things will get messy. I dare you"

"Let's not talk about messy-ness here, Bridgette. Because we both know, na sa ating dalawa o pati sa buong pamilya na 'to, ikaw ang mahilig sa gulo"

"Stop projecting things at me, Ma" sagot ko rito. "Ilabas mo ang anak ko. Sa korte tayo maglabasan ng baho"

Yes. She's still my Mom pero sobra na. Hindi nalang ako ang nadadamay dito kung hindi marami na.

"Wala kang mailalabas na baho saakin. Alam mo 'yan"

"Beatrice" wika ko na ikinatahimik niya atsaka sinenyasan ang mga maid.

"We're not yet done" wika nito habang hawak ng isang maid si Jane na nakangiti.

"Mommy!!" at tumakbo ang bata palapit saamin na agad ko namang kinarga.

"Are you okay?" Nagaalala kong tanong rito at in-inspection ang mukha at katawan nito.

"I'm okay" all smiles naman na sagot nito at niyakap ako.

Hindi kona kinausap pa si Mama at hinayaan nalang ang mga awtoridad na kausapin siya. Nauna na kaming umalis ni Chelsea kasama si Jane.

Buong maghapon ay magkakasama lang kami sa bahay at ayaw na ayaw ko itong nawawala sa paningin ko.

"Hey, aren't you sleepy?" yakap ni Chelsea saakin habang ako ay nakatayo sa doorframe ng kwarto ni Jane.

"In a bit.." sagot ko naman rito at hinawakan ang kamay niya na nakayakap saakin.

"I'm glad she's fine" wika nito

"Me too. And if ever she is not, God knows what I will do.."

"May I ask kung bakit ang laki ng galit mo sa Mom mo?" dahan-dahang bitaw nito sa kaniyang tanong.

I sighed and faced her. "Let's go to the library" wika ko rito at inanyayahan siya sa isang silid dito sa second floor.

Umupo kami doon sa sofa na nakaharap sa bintana kung saan makikita mo ang view ng garden ng mansion. Although gabi na e mapapansin mo parin ang iba't ibang kulay ng bulaklak dahil sa mga poste na nakakabit sa paligid nito.

Niyakap ko naman ang girlfriend ko habang nakayakap din ito saakin habang nakataas ang paa sa sofa.

"At some point, you are aware of my relationship with Levie years ago.. right?" tanong ko rito.

Naramdaman ko naman itong tumango, "yes"

"We actually never had a relationship. She's just a good friend of mine and also, she's 3 years older than me so basically, she's my senior during my college years. Yes we flirted but it never went beyond that. Kumbaga si Levie ang tumulong saakin para mas makilala ang sarili ko. Na, I am gay" malumanay kong kwento rito. "But then, one day, nagulat nalang ako na sinundo ako ng body guards ni Papa sa school. Dinala nila ako sa office niya at doon binigyan ng oras para kwestiyonin kung totoo daw ba ang bali-balita na may karelasyon akong babae. Si Papa, kontrolado pa niya yung temper niya noon. Pero nagulat ako noong may nanghampas saakin gamit ang mga black and white na litrato namin ni Levie sa bar, sa kotse niya, at pati nadin sa school. Napatingin ako noon sa kung sino ang nanghagis, akala ko si Papa pero turns out, si Mama pala"

Lalo namang humigpit ang yakap nito saakin.

"Hindi nila ako hinayaan mag-explain. Simula bata ako, ganoon naman sila.. hindi nila ako binibigyan ng pagkakataon na sabihin ang opinyon ko. Lahat, dapat sila ang masusunod" bumuntong-hininga ako. "Katulad ng mga pagde-desisyon nila sa buhay ni Ate Beatrice"

Tinignan naman ako nito.

"I have an older sister" pagtutuloy ko sa kwento. "She is 5 years older than me. Saaming dalawang mag-kapatid, mas favorite 'yon ni Mama. Mas maganda, mas matalino at mas maraming na-achieve sa buhay. Highschool ako noon tapos siya ay nasa college na; wala akong alam sa nangyayari pero isang araw nagulat nalang ako na wala na daw siya. Ang sabi naaksidente siya at nasunog ang katawan dahil sumabog ang kotse na sinasakyan nito. Sobrang sakit ng nararamdaman ko noon dahil close kami ni Ate Beatrice. Siya yung taga pagtanggol ko tuwing pinagiinitan ako ni Mama" hindi ko mapigilang hindi maging malungkot.

"I'm sorry to hear that.." nalungkot ding sagot ni Chelsea na dahilan upang mas lalo ko itong yakapin.

Kinabukasan ay nagpatuloy padin ang trabaho ko pero sa bahay ko nalang ito ginawa dahil hanggang ngayon ay ayaw kong mawalay sa aking anak.

Mayroon naring update sa imbestigasyon tungkol sa mga death threat na natatanggap ko. Nagulat ako noong nalaman ko na si Nancy Juarez ay ang assistant ni Hane noon na patay na ngayon dahil nagkasakit daw ito 2 years ago.

With that, another dead end nanaman.

-

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon