Chapter 3

52.7K 1.5K 1.1K
                                    

Bridgette's POV

"Aray, masakit" saad ko at hinawakan ang kamay ni Manang Pasing na kasalukuyang ginagamot ang pasa ko sa braso.

"Ano ba kasing nangyari dito ha?" Naga-alalang tanong nito.

"Ahh, ano po nabasag ko yung vase 'don sa lamesita tapos nasubsob po ako sa bubog" pagpapalusot ko. Sorry Manang!

"ah, ganon ba?" tsaka niya ako tinignan. Alam kong alam niya dahil matagal na namin siyang kasama ni Hane dito sa bahay. Bagong mag-asawa pa lamang kami ni Hane 'non ay siya na ang katulong namin dito sa bahay namin.

Hindi lang ito ang unang beses na sinaktan ako ng asawa ko ng pisikal. Marami ng beses. Gagawin niya, hihingi ng tawad, uulitin ; vice versa. Wala lang akong magawa dahil ayaw akong paniwalaan ng sarili kong ama at mahal ko ang asawa ko.

Flashback

"Sino nanaman yang ka-text mo?" tanong ni Hane pagkapasok niya ng kwarto namin. Isang linggo na ang nagdaan simula noong Politician's Affair Party. Magsimula noon, mas lalo siyang nanghihinala saakin na may kabit ako.

"Si Jessica, hon yung high school best friend ko. May reunion daw kami this sunday" sagot ko naman.

"Jessica ba talaga ang pangalan o Jerico?"

"Hon, Jessica. So ano, pwede mo ba akong samahan?" naka-ngiti kong tanong.

"Hindi pwede. May out of town meeting ako this weekends. One week din 'yon"

"Ay sayang naman"

"Pero binabalaan kita Bridgette. Malaman laman ko lang na may nilalandi ka doon, mapapatay kita!" ganito siya saakin. Brutal magsalita. Pero hindi ko naman siya masisisi.

"Hane, alam mong hindi ko gagawin 'yon" mahinahon kong sagot.

"Siguraduhin mo" sagot nito habang inaayos ang tie niya. Sakto namang tumunog yung phone niya na nasa tabi ko. Napatingin ako doon at hindi sinasadyang mabasa yung message na naka-display ngayon sa iPhone nito.

"Who's Nancy?" I can't help but to ask.

"My secretary" sagot nito at mabilis na kinuha ang cellphone nito sa tabi ko.

"I thought your secretary's name is Shane?" takang tanong ko.

"I fired her. Bago na"

"Kailan pa?"

"A week ago"

"Why did you fired Shane? Ang bait nun," tanong ko ulit.

"BAKIT BA ANG DAMI MONG TANONG?!" Inis na sagot nito at tinulak ako. Hindi ko inaasahan 'yon kaya tuloy-tuloy ang bagsak ko sa may bed side table hanggang sa sahig at nauna ang likod ko. Kakapit sana ako sa may table kaso yung vase yung nakuha ko kaya ayun, nabasag sa tabi ko.

"Sa susunod kasi huwag kang makialam" sabi ng asawa ko at lumabas ng kwarto namin. Ni hindi man lang ako tinulungan.

End of Flashback

"Hija ayaw mo bang magpa-check up? Parang nangayayat ka" sabi ni Manang Pasing.

"I will po. Magpapa-appointment ako sa doctor ko bukas. Wag ka ng mag-alala Manang" naka-ngiti kong sabi sakanya habang damang dama ko yung kirot sa braso ko dahil sa mga pinanggalingan ng bubog.

"Parang anak nadin kita, Bridgette. Kaya hayaan mona akong mag-alala sayo" sabi nito habang nililigpit ang first aid kit.

"Haaay, salamat Manang" saka ko ito niyakap. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil ramdam ko ang pagmamahal niya saakin bilang ina.

-

Nandito ako ngayon sa office o headquarters kasama ang team ko para pag-usapan kung ano ang mga dapat gawin at pag-planuhan ang mga strategies na gagawin ko sa nalalapit na halalan.

"Unang una sa listahan ng mga gagawin ay ipagpatuloy ang nakagawian na gawain ng inyong pamilya tuwing halalan, Madam. Maga-out reach po tayo sa mga public schools at mga bahay ampunan. Mamimigay din po tayo sa mga aeta na naninirahan sa lalawigan natin. Sa mga barangay naman ay mamimigay tayo ng programa tungkol sa pagne-negosyo" wika ni Steff, lider ng Team Campaign.

Sumang-ayon naman ako doon at nagpatuloy ang agenda para sa halalan.

"Ay oo nga po pala Madam, nag-file na po pala ng certificate of candidacy si Mr. Watson for Governor"

Bigla akong natahimik ng narinig ko ang apelyidong Watson.

I cleared my throat, "Uhm, Mr. Lorenzo Watson?"

"Yes po, madam. Actually sa party po natin siya sumali and malaking factor po iyon saatin dahil alam naman po natin nagsimula sa angkan nila ang politiko rito sa lugar natin" Ngiti ni Steff. "Actually hahabol daw po siya sa meeting today"

"O-okay then. That's great!" saad ko

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon