Chapter 10

38.5K 1.2K 495
                                    

Bridgette's POV

Hindi ko mabilang kung ilang oras na ako nakaupo at nakatunganga sa hallway ng hospital kung saan itinakbo si Chelsea.

Napatingin ako sa tuyong dugo niya na nakabalot sa mga kamay ko at pati nadin sa damit ko. Ilang oras na ang nakakaraan matapos namin siyang maitakbo rito at ilang oras narin akong hindi mapakali.

Gusto kong manakit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Pero wala akong enerhiya para gawin ang lahat ng 'yon.

Gusto kong pumatay. Gusto kong patayin yung mga gumawa sakanya nito.

Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap kung bakit ito nangyari—kung bakit sakanya pa.

Bakit hindi ako? Bakit hindi nalang ako yung kinuha tutal ako naman yung kumakandidato sa maruming mundo ng pulitika.

Bakit si Chelsea? Wala naman siyang ginagawa? Kakauwi lang niya sa Pilipinas. At panigurado akong wala itong kaalitan.

Inalala ko kung wala ba akong nabunggo sa pangangandidato ko. As far as I can remember, wala naman.

"Ma'am, ayaw niyo ho bang magpahinga na?" tanong ni Jane na kanina pa nakaupo sa tabi ko at hindi ako iniwanan mag-isa.

"No. I don't want. You can go home if you want" No. I will not leave Chelsea.

Nanahimik lang ito at hindi na sumagot pero maya maya pa ay tumayo. Napatingin naman ako sakanya at nagulat ng makita si Nanay Pasing. Agad agad itong lumapit saakin at niyakap ako.

"Bridgette.." pag-alo nito saakin at hinimas ang likuran ko habang ako'y yakap niya.

Hindi ko mapigilan na hindi mapahagulgol. Bakit napakasaklap naman ata talaga ng buhay ko?

"May dinala akong mga damit para sayo.. magpalit ka muna anak.." hayag nito at pinunasan ang mga luha ko.

Kahit papaano naman ay walang tao dito sa kung saan kami nakaupo. Pinili kong hindi mag-stay doon sa harap ng surgery room dahil ayokong maka-istorbo sa pamilya ni Chelsea. Ito ay isang pribadong ospital at pagmamay-ari ko. Originally, sa family ni Mama pero dahil ako lang ang anak at ang apo ng mga Yuzon, saakin na ito nakapangalan. That's why I am confident na we are free from press and from malicious people.

Maga-apila pa sana ako kaso wala akong panama kay Nanay Pasing. Tinulungan nila ako ni Jane papunta sa opisina ko rito sa ospital. Kumpleto iyom sa gamit ay mayroon ding banyo kung saan pwede akong maligo.

Nang natapos na akong maligo ay tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

Kailangan kong magayos. Hindi pwedeng humarap ako kay Chelsea na ganito ang itsura—baka iwan niya ako kapag nagkataon.

Nagsuot lang ako ng slacks at white t-shirt na pang itaas. Nang masigurado kong okay na ako at composed na ulit, lumabas ako ng opisina at dumiretso sa second floor kung saan ang surgery room.

"Ate" saad ni Mari. Nandito nadin pala siya. Siya ang unang nakapansin saakin.

Ngumiti lang ako ng tipid dito at hinawakan ko siya sa balikat nang daanan ko siya at naglakad diretso sa maga-asawang Watson.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon