Chapter 4

51.8K 1.5K 838
                                    

Chelsea Jane's POV

I was busy cooking breakfast when my Papa approached me, "Oh bakit ikaw ang nagluluto? Nasaan si Silvia?"

"Nasa dirty kitchen po, Papa (Spanish accent). I think she's preparing for the food that you'll bring to your meeting today." Sagot ko at nilapitan siya't hinalikan sa pisngi, "Good morning!"

"Eh bakit hindi nagluto ang mga kusinera ng almusal bago asikasuhin yon?"

"Papa, I insisted na ako ang magluto. I was used in cooking for myself back then when I was in New York remember?"

"Nako ikaw talaga" saka niya ako niyakap. Masyado akong namiss ni Papa. Ilang taon din akong nanirahan sa New York para ipagpatuloy ang pagaaral ko ng Masters doon. "Anyway, do you want to accompany me on my election meeting today with my team?"

"Hmmm" Syempre inisip ko muna kung wala ba akong agenda today. "Sure, Papa. I would love that"

"Okay sige. We will leave after breakfast so be ready"

Pagkatapos noon ay sabay-sabay kaming kumain ng mga magulang ko. Since March pa lang naman, ang kapatid kong mas nakababata saakin ay may pasok pa at ang Kuya ko naman ay may sarili ng pamilya sa Espanya. Even though our surname is Watson, I am still half Filipina since my father is half American and Filipino while my mom is Half Spanish and Half Filipina. I was born here in the Philippines but soon migrated in Spain and then came back here when I graduated in High School. Sa Pilipinas ko din natapos ang aking kolehiyo at ngayon naman ay natapos ko ang aking Masters sa New York.

Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papunta sa lugar kung saan gaganapin ang meeting ni Papa. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ito dahil matagal tagal narin noong huling nanirahan ako dito sa Pilipinas.

"Ano nang balak mo ngayong natapos mona ang Masters mo, Hija?" (Hija - daughter in Spanish)

"Im planning on taking the Psychologist Board Exam in New York, Papa. Pero hindi muna siguro ngayon"

"Tama yan. Suportado mo ako jan. Tutal campaign period naman, kung pwede sana e samahan mo muna kami dito sa Pilipinas bago ka bumalik sa New York?"

"Sure, Papa. 'Yon din po ang balak ko" pagkasabi ko noon ay saktong huminto naman ang sasakyan sa harap ng mataas na gate na napapaligiran ng gwardiya. Marami ding puno at halaman sa tabi-tabi. Mukhang hacienda ito base narin sa location.

Maya-maya pa ay binuksan na ng dalawa pang gwardiya sa loob ang malaking gate at tuloy-tuloy nang pumasok ang tatlong van na lulan kami, mga assistant ni papa at yung isa naman ay yung inihanda niyang pagkain para sa lahat.

Bumungad saamin ang maaliwalas na kapaligiran, mayroon ding maliit na ilog sa loob, may mga rest house at sa bandang dulo nito ay ang malaking function hall. Ito ay may maraming palamuti na puting kurtina at open rin ito at hindi air conditioned dahil nadin sa rason na sobrang presko ng lugar.

Pagkababa namin ay binati kami ng mga tao na dinatnan na namin sa loob. Yung iba familiar na kasi sila yung mga kausap ni Papa doon sa seminar few weeks ago.

As if on cue na bigla kong naalala si Bridgette noong gabing iyon ay eksaktong palapit ito saamin. Syempre eto ako, gulat na gulat dahil hindi ko naman expect na nandito pala siya.

The Politician's Affair (gxg)Where stories live. Discover now