SHUYIN 13: Pain for Breakfast

Start from the beginning
                                    

Huminga ako nang napakalalim sabay tingin sa sahig na gawa sa marmol.

"Siya mismo ang nagsabi sa'king hindi na niya ako mahal at hindi na siya babalik sa'kin..." Puno ng pait kong pahayag at naikuyom ko na lang ang mga kamao ko para pigilan ang pagbalik ng bawat salitang sinasabi niya kahapon...

"Susuko ka na ba?" He retorted.

"H-Hindi ko na alam..."

"I heard that you've been given a week to reconcile with him. May limang araw ka pa, Ryen. Malay mo, sa pang-limang araw magbago ang isip niya!"

Natahimik na lang ako at malalim na napaisip.

5 days...

Yun pa ang natitira...

Pero...

Ano pa ba ang pwede kong gawin para magbago ang isip niya't bumalik na siya sa'kin..?



"Oh, mukhang maswerte ka ngayon." Natutuwa niyang litanya na umagaw naman sa atensiyon ko.

"Ha? Bakit?"

"Kakain ka diba?"

"Oo, bakit?"

"Looks like you're not eating alone." He grinned and pointed at the dining hall...

Agad naman akong sinaniban ng nakakamatay na kaba nang makita ko si Azul na mag-isang kumakain habang nakatalikod sa amin.

"Sige na. Gawin mo na ang pwede mo pang gawin. Dito na'ko magtatago at maghihintay." Ngumiti pa ulit si Blade na siya namang nagpagaan nang konti sa pakiramdam ko.

"S-Sige."

Tahimik akong humakbang nang humakbang papalapit kay Azul na sobrang tahimik lang habang kumakain pa rin. Kung pwede nga lang ay magtiptoe na lang ako dahil nininerbiyos talaga ako sa maaaring mangyari kapag napansin niya ako!

Ilang beses pa akong huminga nang malalim habang iniisip ang pwede kong gawin para ibsan ang galit niya sa'kin.

Matapos ang ilan pang hakbang ay tuluyan na akong umupo sa silyang katabi niya. Agad naman siyang napahinto sa pagsubo at napalingon sa akin.

Para wag nang madagdagan pa ang kabang nadarama ko ay hindi ko na tinignan pa ang reaksiyon niya. Ipinako ko na lang sa mesa ang mga mata ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Kakarating ko pa nga lang eh parang nababanas na agad siya sa'kin...

"K-Kakain..." Naba-blangko na naman ako, shit naman...

"Dito talaga sa tabi ko? Pwede namang dun sa dulo. Sa malayo sa'kin." Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin.

Hindi...

Wag mong pansinin yung sinasabi niya, Ryen Eve. Isipin mo na lang na nagtatampo siya sa'yo dahil may nagawa kang kasalanan sa kanya. Isipin mo na lang na...mahal ka pa rin niya...

"Gusto kitang k-katabi, eh..." Hindi ko talaga mapigilan ang pag-uutal ko.

"Eh sa ayaw kitang katabi, may magagawa ka?"

Grabe na talaga magtaray 'tong baby namja ko.

Wag ka nang magtampo, namja. Mahal naman kita eh...

Pinapaniwala ko na lang ang sarili ko para wag na akong masaktan masyado. Ang sakit na kasi talaga niyang magsalita... Sobrang nakakapanibago...

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now