WAKAS

8.9K 289 31
                                    

Wakas

Paglabas nila Antonios sa bahay ay nagulat sila ng bumungad si Cyrus kasama ang ilang kalahi nitong kawal. Yumuko ito bilang paggalang kay Abella na buhat-buhat ni Atreo dahil nanghihina ito.

"Pinapabalik na kayo ng mahal na hari, Mahal na prinsesa." sabi nito.

"Babalik na talaga kami." tugon ni Antonios at naglakad para lagpasan ang mga ito lalo na si Cyrus na hanggang ngayon ay pinagseselosan nya ito.

Bumalik sila sa mundo nila sa pamamagitan ng lagusan. Binaba ni Antonios si Abella ng makaapak na sila sa mundo nila. Hinawakan sya ni Abella at ganun din sila Cyrus na humawak sa balikat ni Abella kaya agad na naglaho sila.

Ilang sandali lang ay nasa palasyo na sila ng hikaros. Sa bulwagan kung nasaan sila Uriko, Gaina, Francine, at Randall ay doon lumitaw sila Abella.

Nagulat naman si Francine at Randall ng makita nila Abella. Agad na umalalay si Antonios kay Abella ng manghina ito.

"Anak ko!" agad na lumapit si Francine kay Abella at agad ring niyakap ito.

Napansin nila na tila nanghihina si Abella kaya nag-aalala si Francine na tinignan ang maputlang mukha ni Abella.

"Anong nangyari sa anak ko?" galit na tanong ni Francine at tumingin kay Antonios. Hindi nya mapigilan na magalit sa binata dahil nilayo nito ang anak nya at ito rin ang dahilan kaya may namatay sa kanilang kalahi.

"Hindi ko rin alam, mahal na empress, pero kanina pa sumasakit ang kanyang palad." sabi ni Antonios.

Nagkatinginan si Francine at Randall, ganun din si Uriko at Gaina. Hinawakan ni Francine ang kamay ni Abella at tinignan ang palad nito. Napasinghap sya ng makita ang pag liwanag at nakaukit sa palad ng kanyang anak.

"Nagdadalang tao ang Prinsesa." sabi ni Vera na hindi nila alam na nandoon na rin sa bulwagan maging si Fei.

Napasinghap ang lahat lalo na si Antonios na tila natuod. Agad na sinakal ni Randall si Antonios.

"Anong ginawa mo sa anak ko?" mariing tanong nito.

"Ama, wag nyo pong saktan si Antonios." pigil ng nanghihinang si Abella.

Binitawan ni Randall ang leeg ni Antonios kaya napahinga ng malalim ang binata dahil halos maubusan rin sya ng hininga sa pagkakasakal ni Randall.

"Sabihin mo, Anak, meron bang namagitan sa inyo nitong si Antonios?" tanong ni Francine.

Tumango si Abella na nahihiya dahil maging sya ay hindi akalain na agad syang magdadalang tao kung ilang araw palang naman ang nakakalipas ng may nangyari sa kanila ng binata.

Napabuntong-hininga si Francine dahil wala na rin syang magagawa. Ganun din sya ng merong mangyari sa kanila noon ni Randall.

"Pananagutan ko si Abella, Mahal na Empress at Empre." seryoso at determinadong sabi ni Antonios.

"Dapat lang.. Dahil hindi kami papayag na lumaki ang magiging apo namin ng walang ama." sabi ni Randall.

Tumingin si Abella kay Antonios at ngumiti ito sa kanya. Tumango sya at ngumiti rin sa binata.

Hindi na pinatagal pa ang pag-iisang dibdib ni Abella at Antonios. Sa harap ng mga saksing Hikaros, Sitirian, at ng mga lobo ay nasaksihan nila ang hindi aakalaing pag-iibigan ng isang bampira at lobo.

Hinalikan ni Antonios si Abella matapos mabasbasan ni Haring Uriko at Haring Harrison ang kanilang pag-iisang dibdib. Napangiti ang dalawa na mayroong saya at pagmamahal sa isa't-isa.

Dahil hindi rin naman karaniwang tao ang kagaya nila kaya mabilis rin na lumaki ang tiyan ni Abella kung saan dala-dala nya ang magiging anak nila ni Antonios.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora