KABANATA 9 - MULING PAGKIKITA

4.9K 186 1
                                    

Kabanata 9 - Muling pagkikita

Nanggagalaiti sa galit si Warren ng malaman nya kung nasaan si Randall at ang mas lalong nagpagalit sa kanya ay yung nalaman nya pa na kapiling na nito ang anak ni Uriko.

"Mahal na hari, anong maipaglilingkod namin?" pukaw sa kanya ng mga alagad nyang sunod-sunuran sa kanya.

"Gusto kong mag-espiya kayo sa kaharian ng Hikaros. Gusto kong malaman kung ano ang plano nila laban sa atin." sabi nya habang napapakuyom ng kamay.

"Masusunod, mahal na hari." sabi ng mga ito at yumukod bago umalis.

"Hindi ako makakapayag na makuha pa sa akin ang inaasam kong trono. Kung nung una ay napabagsak kita Randall, ngayon ay sisiguraduhin ko na tuluyan ka ng mamatay." wika nya at sinimsim ang sariwang dugo na ginawang inumin upang mas mawala ang galit na lumulukob sa kanya.

Sa kaharian naman ng Hikaros ay masayang nagdidiwang ang lahat dahil muling nagsama-sama ang pamilya ni Uriko. Masaya sya at kapiling na nya ang anak at ang apo nya. At masaya sya dahil kapiling na ni Randall ang mag-ina nito.

"Lolo, maaari nyo ba akong turuan na makipaglaban? Gusto ko na maipagtanggol sila Ina sa posibleng pagtangka muli sa buhay namin." pakiusap ni Abella sa kanyang lolo na si Uriko.

Napahaplos si Uriko sa buhok ng kanyang apo, "Oo naman, apo ko. Ituturo ko sayo ang lahat ng kaalaman ko. Para na rin maipagtanggol mo ang iyong sarili kung sakali na wala kami sayong tabi." nakangiti nyang pagpapayag sa hiling nito.

"Salamat, lolo." natutuwang sabi ni Abella at yumakap sa kanyang lolo.

"Walang anuman, apo. Halika at gusto ko na isayaw ang aking apo." pang-aaya ni Uriko kay Abella upang makisalo rin sa lahat ng sumasayaw sa pagdiriwang na ginawa nya.

Magkapareha ring sumasayaw si Randall at Francine. Kahit na hindi makakita si Randall ay kaya naman nyang makasayaw gamit ang pagsunod nya sa paghakbang ni Francine. Magkayakap sila habang mabagal na sumasayaw. Sobra silang nangulila sa isa't-isa kaya hindi sila masisisi kung bakit hindi sila mapaghiwalay.

"Mahal ko, salamat at bumalik kayo rito. Hindi ko alam ang gagawin kung paano kayo pababalikin sa akin, lalo pa't nawalan na ako ng paningin."

Tumunghay si Francine mula sa pagkakasubsob ng mukha nya sa balikat ni Randall upang tumingin rito.

"Nagpapasalamat ako at napakabuti ng kapalaran dahil muli nya tayong pinagtagpo. Kayo ng anak natin na mula pagkabata palang ni Abella ay nangulila na sa iyo. Patawad mahal, dahil sobra pala ang paghihirap na dinanas mo tapos ako ay nag-iisip pa ng panghihinala sayo na baka hindi mo na kami nais na hanapin pa ng anak mo." wika ni Francine at hinaplos ang mukha ni Randall.

Tumigil sila sa pagsasayaw para mas magkaharap sila sa isa't-isa.

"Ayos lamang iyon, mahal. Hindi kita masisisi kung nawalan ka ng tiwala sa akin dahil ako naman ang nangako ngunit hindi ko naman na tinupad." sabi ni Randall.

"Tama na nga. Wag na tayong magsisihan pa, dahil pareho lang tayong sinubok ng tadhana. Ang mahalaga ngayon ay magkakasama na tayo lalo't kasama rin natin ang ating anak." nakangiting sabi ni Francine na kinatango at ngiti rin ni Randall.

Napatingin si Francine kay Abella at lalo syang napangiti dahil ngayon nya lang nakita ang kakulitan at tuwang-tuwa nyang anak. Kinukulit nito ang lolo at lola nito na nakaupo sa trono. Ang sarap sa pakiramdaman na makita na masaya na muli ang kanyang pamilya. Sana ay hindi na muli silang magkahiwalay, dahil tiyak na hindi nya kakayanin pa kung mawala muli sa kanya ang isa man sa pamilya nya.

-

Lumipas ang panahon ay natahimik pasamantala ang bawat palasyo ng mga bampira maging ang palasyo ng mga lobo.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now