KABANATA 6 - PRINSIPE NG MGA LOBO

4.9K 190 4
                                    

Kabanata 6 - Prinsipe ng mga lobo



Bilog na bilog ang buwan kaya umaalulong ang mga lahi ng lobo. Nasa mataas na bangin ang mga ito, habang ang hari ng mga ito na si Harrison ay nakatayo habang tanaw ang kabilang mundo, at iyon ay ang mundo ng tao.

"Mahal na hari." bati ng bagong dating na sila Miro.

"Anong balita sa aking anak?" pagtatanong ni Harrison kay Miro habang nakatalikod at nakaharap sa bangin.

"Nagsisimula ng magpakita ang senyales ng kanyang marka bilang prinsipe ng mga lobo." ulat ni Miro sa kanya.

Nagkatinginan sila Miro at mga kalahi nito dahil hindi umimik ang kanilang hari.

"Mahal na hari, tila dahil rin iyon sa isang tao kaya unti-unti ng lumalabas ang kanyang marka." sabi pa ni Miro rito.

"Ako na ang bahala oras na mangyari ang pagtuklas nya sa kanyang katauhan. Bayaan nyo na sya mismo ang magtungo sa mundo natin gamit ang dalagang kanyang tinatangi." wika ni Harrison. Naguguluhan man ay hindi na muli pang nagsalita sila Miro. Dahil alam nila na alam ng kanilang hari ang nangyayari sa anak nito.

-

Samantala..

Ninais ni Abella na pumasok muna habang wala pang paraan kung paano sila makakabalik sa mundo kung nasaan ang kanyang ama.

Palaisipan rin sa kanya kung bakit bigla nalang umalis si Antonios nung isang araw. At hanggang ngayon ay hindi na muli ito nagpunta sa kanila.

Pagpasok nya palang sa paaralan ay may isang babae na biglang sumulpot sa kanyang harapan.

"Hi! Ako nga pala si Marie, ikaw yung girlfriend ni Antonios, di ba?" sabi nito. Tumango sya rito na kinangiti nito. Nabigla sya ng kumapit ito sa braso nya. "Bago lang kasi ako rito at gusto ko sana na maging kaibigan mo. Ikaw lang kasi ang kumausap sa akin." sabi pa nito. Natataka sya dahil hindi nya kinausap ito pero tumango nalang syang muli.

"Sige, mauna na ako." maikli nyang sabi.

"Wait!" tawag pa nito kaya napahinto sya sa paglalakad at humarap rito. "Good luck." sabi nito na hindi nya maunawaan. Tumalikod na ito kaya hindi nalang nya pinansin at humarap muli sya upang magsimulang maglakad. Pero sa kanyang pagharap ay nakita nya si Antonios na may kausap na isang guro.

Lumakad sya palapit rito at nang huminto sya sa harap ng mga ito ay natigil ang mga ito sa pag-uusap at napatingin sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap." sabi nya rito. Wala itong reaksyon kundi tanging pagseseryoso lang.

"Kita mong nag-uusap pa kami ni Mam Anne. At hindi ka gumagalang sa gurong nasa harap mo." sabi nito na kinabigla nya. Dahil hindi sya nito kinakausap ng ganun.

"Ayos lang, Antonios. Tila hindi naman nya rin naman ako kilala." sabi nung Anne sa binata.

"Hindi. Dapat sa gaya nya na estudyante ay ginagalang ang guro sa paaralang ito." pagpipilit ni Antonios habang nakikipagtagisan sa kanya ng tingin. Hindi nya alam ang problema nito. Tumingin sya sa guro na pilit nitong galangin nya.

"Pasensya sa kawalan ko ng respeto sa inyo. Sana ay mapatawad nyo ako." magalang nyang wika.

"Naku, ano ka ba! Ayos lang talaga. Wag munang pansinin itong Antonios dahil kanina pa wala ito sa mood." nakangiting sabi ng babae.

Hindi na sya nagsalita at umalis na sya sa harap ng mga ito dahil tila wala rin naman syang balak na kausapin ni Antonios. Kinuha nya ang isang panyo sa bulsa ng palda nya. Nagpatulong pa naman sya sa kanyang ina na burdahan ito ngunit tila hindi naman na ito magugustuhan ni Antonios.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now