KABANATA 4 - BAWANG

4.7K 190 3
                                    

Kabanata 4 - Bawang


Sa mansyon ng Villamor ang lugar kung saan ipagdadaos ang kaarawan ni Antonios.. Marami na ang mga bisitang dumalo mula sa politiko; amiga ng kanyang ina; mga katrabaho; at ilang mga kamag-anak. Pang dalawangpu't dalawang kaarawan na ni Antonios kaya isang malaking pagsasalo ang mangyayari.

Nasa kwarto sya habang nakaharap sa salamin. Kanina pa nya tinitignan ang sarili at hindi nya alam kung ayos na ba ang ayos nya.. Nagpahid din sya ng wax sa buhok para maging presentable ang kanyang ayos. At halos maubos nya ang pabango nya dahil hindi nya rin alam kung maayos na ba ang kanyang amoy. Suot nya ang puting tuxedo na pinagawa pa ng kanyang mommy sa ibang bansa. Ayaw nya sana dahil tiyak na mahal ang gatos pero wala na syang nagawa ng maipadala na ito agad.

"Hijo, handa ka na ba?" sabi ng kanyang mommy na hindi nya napansin na narito na pala sa loob ng kanyang kwarto. "Hmm.. Napakagwapo talaga ng anak ko. At tila lahat ng laman ng pabango mo ay inubos mo. Tila may pinopormahan ang binata ko, ha?" mapanuksong sabi nito sa kanya.

Ngumiti sya at naupo sa kama. "Wala naman, Mom." tanggi nya pero ewan nya pero si Abella agad ang kanyang naiisip.

Naupo ang kanyang mommy sa tabi nya at hinawakan sya sa braso.

"Sa akin pa ba ay maglilihim ka? Sige, sabihin muna. Isa ba sa mga dilag ng aking amiga? O isa sa mga katrabaho mo?" nakangiti nitong pag-uusisa. Napakamot sya ng batok at hindi nya alam pero bigla syang nahiya na sabihin sa kanyang mommy ang ganung bagay. Hindi naman kasi nila napag-uusapan ang gano'n, dahil wala sa isip nya ang may matipuhang dalaga sa kanilang lugar.

"Wala po sa mga iyon, Mom. Basta ipapakilala ko nalang sya sa inyo." sabi nya rito at tumayo sya. "Oo nga pala. Susunduin ko sya kasama ng kanyang ina." paalam nya rito.

"Bueno kung ganon ay umalis ka na. Dahil malapit ng magsimula ang pagdiriwang mo. Pangit naman na wala ang birthday celebrant sa kaarawan nya." nakangiti nitong pagpayag at inayos ang kwelyo ng tuxedo nya.

"Hey, Pre!" napalingon sila sa pinto at nakita nya ang kaibigan nyang si Ren. "Hi, Tita." bati nito sa mommy nya na ngumiti at nakipagbeso.

"Lumalaking makisig ka, Hijo. Tiyak ko na habulin ka rin ng kababaihan sa bayan natin." papuri ng kanyang ina rito na tila kinatuwa ni Ren. Napailing sya at napatingin sa suot nyang pamisig na relo. Masyado ng maraming nauubos na oras. Kailangan na nyang sunduin sila Abella.

"Salamat sa papuri, Tita. Alam nyo naman na kailangan paring maging gwapo dahil baka lalo lang akong malamangan ni Antonios." pabirong sabi nito.

"Ren, tama na yan." awat nya kay Ren at humarap sa mommy nya. "Mommy, aalis na po kami. Pakisabi kay Dad na may susunduin lang po ako saglit." bilin nya at humalik sa pisngi nito at inaya na si Ren para umalis.

-

Sakay na sila ng Jaguar nya patungo sa bahay nila Abella.

"Pre, sino ba ang susunduin natin? at kailangan na ikaw pa ang susundo." tanong sa kanya ni Ren.

"Si Abella at si Aling Francine." maikli nyang tugon habang nakatingin sa daan.

"Naks! May kilala ka palang iba na hindi mo pinapakilala sa akin. Naglilihim ka na, Pre. Ano, kayo na ba nung Abella at isang Antonios talaga ang sumundo?" pag-uusisa nito.

"Hmm.. Oo." maikli nyang tugon habang pinaglalaruan ang kanyang labi na kanina pa bakas ang ngiti.

"Talaga? Pero bakit hindi ka sigurado?"

"Tsk. Wag ka na ngang magtanong. Basta kami na." banas nyang sabi dahil kahit sya ay hindi naman sigurado. Sya lang naman ang may sabi. At alam nya na walang kamuwang-muwang doon si Abella.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now