KABANATA 7 - KAKAIBANG MUNDO

4.6K 188 2
                                    

Kabanata 7 - Kakaibang Mundo



Malayo-layo na rin ang nilakbay nila Abella. Sabi ni Cyrus sa kanila ay susubukan daw nilang pasukin ang lagusan na kung saan ay namamahay ang mga Ogle. Ang mga higante na namamahay sa pinakadulo ng lupain ng mga bampira na hindi na sakop ng ano mang kahariang naglalakihan gaya ng kaharian ng Hikaros. Dahil ibinigay na ito sa mga Ogle bilang ganting pala ng dating pinuno ng bampira nung hindi pa nagkakaroon ng alitan ang bawat partido.

"Kailangan nyong maghanda. Dahil ang mga ogle ay galit sa mga nangangahas na pumasok sa kanilang lupain. Hindi na sila tumatanaw ng utang na loob sa mga bampira mula ng lapastanganin ng mga Sitirian ang kanilang angkan." sabi ni Cyrus.

"Talaga palang napakasama ni Warren. Nang dahil sa kanya ay pati ang ibang bampira ay nadamay ng dahil sa kasamaan nya." ani ni Francine.

Hinawi nila ang isang makapal na dahon at sumalubong sa kanila ang naglalakihang mga bahay na gawa sa kahoy. Halos naglalakihan ang mga bagay na kanilang nakikita. Mga kabute na halos mas malaki pa sa kanila. Habang may mga lawa rin na kumukulo. Napamangha si Francine at Abella sa kanilang nakita.

"Yuko!" sabi sa kanila ni Cyrus kaya napayuko sila. Halos mapalunok sa kaba ang mag-ina dahil kamuntikan na silang maapakan ng higanteng dumaan.. Nang makalagpas ito ay nakita nila na may bitbit itong kahoy na biyak at nilapag sa isang gilid.

"Maaari naman pala tayong makaraan ng hindi nila napapansin, Cyrus." sabi ni Abella.

"Nagkakamali ka kung akala mo ay madali lang tayong makakaraan. Dahil oras na mahagip lang tayo ng kanilang pang-amoy ay tiyak na huli na agad tayo." sabi ni Cyrus.

"Kung gano'n ay paano tayo makakaraan ng hindi nila naaamoy o napansin?" tanong ni Abella rito.

"Wala ng paraan. Kailangan lang nating magmadali na tumakbo patungo sa kabilang kagubatan kung saan ay hindi na sila makakalagpas." sabi nito. "Handa na ba kayo?" tanong pa nito.

Napahawak si Francine at Abella sa kanilang kamay bago huminga ng malalim.

"Handa na kami." sabay nilang sabi.

"Mabuti. Mauuna ako at dapat mabilis kayong sumunod." bilin ni Cyrus.

Tumango-tango ang dalawa at mas humigpit ang kapit ng kanilang kamay.

Maya-maya ay mabilis na tumakbo si Cyrus kaya nagkatinginan sila at mabilis na sumunod sila.

"Mga lapastangan!!!" nanggagalaiting sigaw ng higante ng makita sila nung isa. Nagpapadyak ito kaya nanginig ang lupa na kinadapa ni Abella.

"Anak." nag-aalalang ani ni Francine at agad na tinulungan na tumayo ang anak. Agad namang tumayo si Abella at muli silang tumakbo.

Hinahabol na sila ng higante na ilang takbo nila ay isang hakbang lang nito.

Napalingon si Abella sa likod at nagulat sya na naglabasan na ang mga higante sa kanilang mga bahay. Hindi sya makapaniwala na may ganitong nilalang. Tila nga napakahiwaga ng mundong kanilang pinuntahan. Ang mundo kung saan sya nararapat.

Lumingon syang muli sa dinaraanan nila at nakita niya si Cyrus na inaabangan na sila sa dulo ng kagubatan.

"Ina, bakit hindi tayo maglaho upang makarating agad doon?" wika nya sa kanyang ina.

Huminto sila at nagharap. Pumikit sila at dumilat. Ngunit nagtaka sila na hindi sila naglaho.

"Takbo na mahal na prinsesa at Abella! Walang bisa ang inyong kapangyarihan dahil nasa loob tayo ng kanilang lupain!" sigaw sa kanila ni Cyrus kaya agad silang tumakbo.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now