SIMULA

18.2K 296 6
                                    

SIMULA

Hinahaplos-haplos ni Abella ang alaga nilang tupa ng kanyang Ina. Nakakulong ito sa kanilang bakod upang hindi makawala.

"Busog na ang iyong tiyan, Kaibigan. Pasensya na at hindi kita napakain kanina." sabi nya sa tupang nakahiga. Nanginig ang kamay nya na humahaplos sa tupa. Pinigilan nya ang sarili ngunit naglabasan ang kuko nya. Humaba iyon na tila isang nakakatusok na patalim.

"Abella!" tawag ng kanyang Ina.. Pumikit sya at muling dumilat ng maramdaman nya na wala na ang pakiramdam na iyon sa kanyang katawan. "Halika na at kailangan mo nang uminom ng bitamina." sabi ng kanyang ina.

Tumayo sya at lumingon kung nasaan ang kanyang Ina. Napahinga sya ng malalim at tahimik na sumunod sa sinabi ng kanyang ina na si Francine. "Sinabi ko sayo na wag na wag mong kakalimutan na inumin ang gamot mo, Anak. Paano kung may biglang pumunta rito at makita ka. Ayoko na mapahamak ka." paalalanan sa kanya nito.

"Ngunit ina, pagod na akong uminom. Limang oras lamang ang talab." imik nya.

Napahinga naman ng malalim si Francine dahil naaawa sya sa kanyang anak. Kung maaari lamang silang bumalik sa lugar kung saan talaga sila nararapat. Ngunit mapapahamak lamang ang anak nya kung sakali na babalik sila.

"Patawad, Anak. Ito lamang ang paraan upang mamuhay ka bilang tao. Pero wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat upang makatuklas ng gamot na pang matagalan." pahingi nya ng pasensya rito habang hawak ang mga kamay nito. Hindi ito umimik na naintindihan nya. Hindi na ito muling magsasalita pag alam nito na walang kasiguraduhan ang mga pinapangako rito.

'Tao po! Aling Francine!" tawag mula sa labas ng kanilang bahay.

"Dumito ka lang, Anak. At lalabasin ko lang ang sadya ng tao na iyon." bilin nya sa anak.

Tumayo sya at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Sinilip nya kung sinong nilalang iyon.

"Labasin nyo na sila, Ina. Mabuting tao ang nasa labas." sabi ni Abella sa kanya. Napangiti sya dahil talagang kakaiba ang mga katangian ng kanyang Anak. Lumabas sya at lumapit sa bakod habang hinaharap ang taong dis oras ng gabi ay napadpad pa sa kanila.

"Ano ang inyong kailangan?" tanong nya sa dalawang dalagita na nakakakilala sa kanya.

"Pasensya na po sa pag-aabala, Aling Francine. Ginabi lang po kami sa pag-iikot sa bayan para sa isang anunsyon. Nagpapamigay po kasi kami ng mga entrance paper para po sa mga iibig na makapasok ng paaralan kahit na hindi nakatungtong ng elementarya." sabi ng mga ito sa kanya.

"Ganun ba. Maari ba akong makahingi ng kahit isa." sabi nya sa mga ito.

"Po? Pero maaari po bang itanong kung sino po ang gagamit?" tanong ng isa.

"Anak ko.." sagot nya.

"Ah ganun po ba. Sige po. Heto po ang papel." sabi nito at inabot ang papel. Kinuha nya agad iyon at tinignan. "Sige po, mauna na po kami. Pumunta nalang po kayo sa sanguniang bayan para sa programang gaganapin po bukas." paalam na sabi ng mga ito.

"Sige. Salamat rito." pasasalamat nya sa mga ito. Nagsialisan na ang mga ito kaya tinupi nya iyon at nang masiguro na wala nang kahit anong tao sa paligid ay pumasok na sya.

Pagpasok nya ay nakita nya si Abella na natutulog na naman sa lubid. Kakaiba din ang gusto ng anak nya, imbes na mahiga sa tabi nya ay mas gusto pa nito sa lubid mahiga.

Pinatay na nya ang gasera at tinungo na ang higaan nya. Bukas na lamang nya sasabihin sa anak ang balita. Alam nya na gusto din nito ang ginagawa ng mga tao na mag-aral. Nahuhuli nya ito na binabasa ang librong binili nya sa bayan. Kaya tingin nya ay nais din nitong magawa ang nakikita nito sa mga kabataan na dumadaan sa kanilang harapang bahay.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now