KABANATA 13 - ANG TAGA-GABAY

4.6K 160 6
                                    

Kabanata 13 - Ang Taga-gabay


Naghihintay na si Yugo sa pagkikitaan nila ni Abella ng biglang sumulpot si Antonios. Agad na uminit ang ulo ni Yugo dahil sa lahat ng tao ay ang bastardong kapatid nya ang ayaw na ayaw nyang nakikita.

"Anong ginagawa mo rito?" sikmal nya.

Ngumisi si Antonios dahil balewala lang sa kanya ang ganung pakikitungo ni Yugo. Wala ring makakapigil ng saya nya dahil naangkin nya ang labi ng dalaga at na-markahan nya ito bilang kanya.

"Sasama ako sa inyo upang bantayan ang prinsesa."

Agad na sinakal ni Yugo si Antonios at hindi nagpatinag doon si Antonios at sinakal nya rin ito.

"Kahit kailan talaga ay masyado kang papansin. Hindi ikaw ang hiningan ng tulong ng prinsesa kaya wala kang karapatang sumama!"

Nagtagis ang bagang ni Antonios at dumiin rin ang pagkakasakal nya sa leeg ng kapatid.

"Hindi ikaw ang magsasabi nya'n! Wala ka ring karapatan na diktihan kung sino lang ang maaaring makasama ng prinsesa! At kasalanan ko ba kung mas pansinin ng prinsesa ang isang katulad ko kesa sa'yo?"

Mas lalo namang nagalit si Yugo at nakipagbuno kay Antonios. Nagbitaw sila at pareho silang naging anyong lobo. Nag angilan sila bago sinugod ang isa't-isa.

Lumitaw naman agad si Abella at kita nya ang halos magpatayan na magkapatid.

"Magsitigil kayo." aniya.

Napatigil ang dalawa at napatingin sa dalaga. Bigla ay bumalik sa wangis tao ang dalawa na parehong may galos sa mukha.

"Anong ginagawa nyo at nagkakasakitan kayo?" tanong nya habang masamang nagtitinginan parin ang dalawa.

"Abella, bakit narito ang isang ito? Hindi ba't tayo lang ang pupunta ng sierra?" tanong ni Yugo. Napahinga ng malalim si Abella dahil batid nya ang alitan sa pagitan ng dalawa. Napatingin sya kay Antonios ngunit agad syang tumalikod sa dalawa ng maalala ang nangyaring ginawa sa kanya ng binata.

"Isama na natin sya, tutal ay narito na rin naman sya."

Ngumiti si Antonios na lalong kinasura ni Yugo. Napatingin si Antonios kay Abella ng maglakad na ito. Hindi nya mapigilan na mapangiti dahil alam nya na malaki na ang apekto nito sa kanya. Hindi sya titigil upang mas pukawin nya ang puso nito at matugunan rin ang puso nya.

Nasa unahan si Yugo habang nakasunod si Abella at sa huli ay Antonios upang protektahan ng dalawang binata ang dalaga. Dumaan sila sa madilim na kagubatan ngunit dahil sa liwanag ng buwan ay makikita parin ang daan.

Matagal rin ang nilakad nila nang makarating sila sa paanan ng bundok.

"Narito na tayo sa paanan ng bundok, Abella. Kailangan nating akyatin ang tutok ng bundok upang makarating sa puno ng sierra." sabi ni Yugo kay Abella.

Napatango si Abella at tinignan ang bundok na nasa kanilang harapan. Puting bundok na tila nababalutan ng yelo. Hindi rin makita ang tutok dahil sa ulap na nakapalibot.

Nagsimula na silang umakyat upang hindi masayang ang oras. Nang umapak ang mga paa ni Abella ay bigla itong lumubog dahil sa kapal ng nyebe. Umihip ang hangin at sya'y nilamig.

"Heto.."

Napatingin sya kay Antonios na bigyan sya ng putol na kahoy upang gawing tungkod ng magkaroon sya ng suporta sa kanyang pag-akyat.

"Salamat."

Kinuha nya ang kahoy na alok nito na kinangiti ni Antonios. Nakita naman iyon ni Yugo na tumindi ang selos at galit sa kapatid. Kung wala lamang si Abella ay baka talagang napatay na nya ito sa pangingialam nito sa pakikipaglapit nya sa dalaga.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon