KABANATA 16 - SENYALES

5.7K 178 3
                                    

Kabanata 16 - Senyales

Agad na tumungo si Haring Harrison sa palasyo ng Hikaros ngunit agad na sumalubong sa kanila ang mga kawal ng hikaros na may mga sandatang nakauma sa kanila.

"Hindi ako narito para manggulo. Nais ko lamang na makausap si Uriko." aniya.

"Bakit pa?"

Napatingala si Harrison sa taas at nakita nya sa balkunahe si Uriko. Napahinga ng malalim si Harrison at tinignan ng seryoso si Uriko.

"Dahil nais kong ipaalam sa inyo na wala kaming alam sa sinasabi mo.. Hindi namin alam ang trahedyang nangyayari sa iyong palasyo."

"Papasukin lamang sya." yun lamang ang tugon ni Uriko bago umalis sa balkunahe.

Tumingin si Harrison sa mga alagad nya at tumango sya upang sabihin na maiwan lamang ang mga ito. Naglakad na sya kaya inalis ng mga kawal ng Hikaros ang mga sandata nito sa kanya at naiwan naman ang mga alagad nya na binabantayan ng mga hikaros na kawal.

Pagdating sa bulwagan ay huminto si Harrison sa harap ng trono ni Uriko kung saan nakaupo ito katabi ang reyna nito na si Gaina.

"Gusto kong malaman kung paano nyo nasabi na kami ang may kagagawan ng pagpatay?" panimula nya.

Sumenyas si Uriko kay Cyrus kaya bitbit ang isang lalagyan kung saan nakalatag ang balahibong nakuha ay pinakita ni Cyrus iyon kay Harrison. Napakuno't noo si Harrison pero pagkaraan ay para syang natigilan ng maging pamilyar sa kanya ang balahibo.

"Ngayon mo sabihin na wala kayong kinalaman sa pagpatay sa aking mga kalahi."

Tumingin si Harrison kay Uriko, "Wala talaga akong alam.. At baka isa lamang gawa ng kaaway ang nangyari upang pag-awayin tayo."

Natawa si Uriko habang naiinis sa tinuran ni Harrison.

"O, sige, hindi ako magdedeklara ng laban ngunit ibigay mo sa akin ang may kagagawan ng pagpatay."

Hindi makasagot si Harrison dahil kahit anong gawin nyang pagtanggi ay alam nya na sa anak nyang si Antonios ang balahibo.

"Ama! Ina!"

Natigil ang seryosong usapan ng humihiyaw si Francine na mabilis na lumapit sa kanila kasunod si Randall.

"Bakit, Anak?" tanong na nagtataka na si Gaina.

"Nawawala si Abella.. Bigla nalang syang nawala." sabi ni Francine na hindi mapakali dahil buong magdamag ng wala ang anak.

"Baka ginagawa lamang nya ang misyon nya." sabi ni Uriko.

Umiling si Francine at Randall, "Buong magdamag ng hindi namin napapansin si Abella, Mahal na Hari." wika ni Randall.

Bigla ay nagkaroon ng pag-aalala kay Uriko at Gaina na nagkatinginan.

"Paumanhin, Mahal na hari." napatingin ang lahat kay Salli ang tagapaglingkod ni Uriko, "Narito ako para sabihin na may nais sabihin ang dalawang babaylan." sabi nito.

Biglang lumitaw ang babaylan na si Vera at ang babaylan ng dating Sitirian na si Fei na ngayon ay sumama sa mga Hikaros upang maglingkod. Dahil si Randall lamang ang tinuturing nitong hari.

Mula nang mawala na ang mga masasamang sitirian at si Warren, at nang gumuho ang palasyo ay napagpasyahan ang mga mabubuting sitirian na umanib sa mga Hikaros lalo't ang totoong hari nila ay nasa Hikaros.

"Anong kailangan nyo, Vera at Fei?" tanong ni Uriko.

Biglang lumutang ang dalawa at nagkaroon ng sandaling hangin at liwanag. Nakita nila ang libro ng propesiya kaya doon natuon ang atensyon ng lahat.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now