KABANATA 14 - PAGPATAY

4.3K 145 6
                                    

Kabanata 14 - Pagpatay

Mula nang maging tagapag-gabay si Abella ay naging ilag na ang ilang palasyo gaya nalang ng mga Lobo. Ang planong pakikipagkampihan ay naudlot dahil ninais ni Haring Harrison na putulin ang kanilang ugnayan sa mga Hikaros o ano mang bampira.

Ganun din ang desisyon ni Haring Uriko lalo't kailangan nilang mapangalagaan si Abella.

"Ina, Ama, bakit tila nagbago ang mga tao sa paligid ko? Bakit tila pinangingilagan nila ako?" iyon ang tanong na nakapukaw kela Francine at Randall habang nakatanaw sa labas ng palasyo.

Lumingon si Francine sa anak na mahirap man sa loob nya ay wala silang magawa para maalis ang binigay na kapangyarihan rito bilang tagapag-gabay.

"Anak, simula ngayon ay may misyon ka na dapat gawin at may bagay ka na dapat iwasan." sabi ni Francine at lumapit sa anak bago nya haplusin ang buhok nito.

"Ano pong ibig nyong sabihin, Ina?"

Hinarap nya sa kanya si Abella ng mabuti at hinawakan nya ito sa mukha.

"Bilang isang tagapag-gabay ay kailangan mong sundin ang ginagawa ng tagapag-gabay. Kailangan mong puksain ang lahat ng masasamang nilalang rito at dalhin sa kadiliman upang hindi na makapaghasik ng kadiliman rito. At habang nasa iyo ang kapangyarihan na iyon ay kailangan mong umiwas sa mga binatang kalalakihan."

Mas lalong naguluhan si Abella sa sinabi ng kanyang Ina. Ngumiti lamang ito at niyakap sya.

Napayakap rin sya sa Ina nya at napatingin sya sa ama nya na wala paring makita. Bigla syang napapikit at napabitaw si Francine ng may mapansin na kakaiba kay Abella. Lalo itong nagliwanag at napatakip sya ng mata ng bigla itong maglabas ng liwanag sa bibig at napatigil sya ng humuni ito ng isang kanta.

Unti-unti nyang inalis ang pagkakatakip nya sa mga mata at napamaang sya na napatingin sa mag-ama nya. Nang mawala na ang liwanag ay tumingin sya kay Randall.

"Nakakakita na ako!" masayang sabi ni Randall at hindi makapaniwalang napatingin sa anak.

"T-Totoo?" bulalas ni Francine at tumango si Randall at niyakap sya. Napayakap din sya rito at hindi mapigilan na mapaluha sa saya dahil hindi nya akalain na ang anak pa nila ang magpapabalik ng paningin ni Randall.

"Anak!" hiyaw ni Randall ng makitang nahimatay si Abella. Agad na nagkalas ng yakap ang dalawa at agad na dinaluhan si Abella.

Habang nasa mahimbing na pagkakatulog si Abella ay hindi nya alam kung nasaan sya. Isang dimensyon na wala syang makita kundi ang inaapakan nya lang na kulay puti habang asul ang lahat ng kulay sa paligid.

"Abella.."

Agad syang napalingon sa paligid ng makarinig ng malamlam na tinig.

"Sino ka?"

"Abella, makokontrol mo lang ang iyong lakas kung buong puso mong tatanggapin ang binigay ko sa'yong kapangyarihan. Gamitin mo ito sa kabutihan hanggang mapuksa mo ang lahat ng maitim na nilalang na nasa inyong mundo."

"Hindi ko hiniling ito.. Ayoko nito lalo't lahat ng nasa paligid ko ay iniiwasan ako."

Nalulungkot sya at hindi man nya sabihin ay alam nya na hindi sya masaya.

"Ito ang kapalaran mo. Kailangan mo itong gawin para sa kapayapaan ng mundo ng mga nilalang na kagaya nyo. Malalaman mo rin ang epekto ng ibinigay ko kapag nagising ka na.. At tsaka mo pag-isipan muli kung tatanggapin mo ba.."

"Pero paano kung hindi ko tanggapin? Anong mangyayari?"

"Lahat ng ibinigay sa'yo ng propesiya ay mawawala.. At magiging isang ordinaryong bampira ka na lamang."

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now