KABANATA 1 - KULONG

5.9K 212 2
                                    

Kabanata 1 ~ Kulong

Nakayuko si Abella na naglalakad sa koridor ng eskwelahan na papasukan nya. Unang araw nya at tinanggap nya ang pagpasok sa eskwelahan kung saan ay binalita ng isang tauhan ng munisipyo na isa sya sa napili na bibig nya scholarship. At dahil din sa pagpipilit ng kanyang ina ay wala syang nagawa. Sa totoo din naman ay gusto nya. Gusto nyang matuto at makita ang ginagawa ng ibang tao.

At dahil unang araw palang nya ay suot nya ang mahabang itim na blusa na halos matakpan ang braso nya. Tapos mahaba din ang paldang suot nya na kulay itim din. Binili sya ng sapatos na itim ng kanyang ina sa bayan kaya iyon ang suot-suot nya. Habang sukbit-sukbit naman nya ang bag na gawa ng kanyang ina na gawa pa sa telang nabili nito sa bayan.

Nagbubulong-bulungan ang mga estudyante at tinitignan sya.

"Eww! Bakit ganyan ang damit nya? Para syang mangkukulam." dinig nyang sabi ng isang babae. Naririnig nya ang bulungan kahit sa malapit man o malayo.

"Baka bagong pauso. Hahaha!" sagot ng isang boses ng lalake. Nagtawanan ang ibang nakarinig tila tuwang-tuwa sa sinabi ng lalakeng iyon.

Hindi nalang nya pinansin dahil wala din naman syang pakialam kung ano pa ang itawag sa kanya. Basta wag lang syang sasaktan dahil baka magsisi sila.

Nagtungo sya sa opisina ng principal na gaya ng sabi sa papel ay doon pumunta ang lahat ng nakapasa.

Pagpasok nya ay bahagya syang nag-angat ng tingin. At nakita nya ang siyam na nakapasa gaya nya na nakaupo na sa loob at napatingin sa kanya.

"Ikaw ba si Binibining Abella?" tanong ng matandang lalaking principal na medyo panot ang buhok at may suot na salamin sa mata.

"Ako nga." tugon nya.

"Kung gano'n ay maupo ka na." sabi nito. Tumingin sya sa bakanteng upuan na nakatabi nung babae.

"Dahil kompleto na kayo. Ibibigay ko na ang mga seksyon at numero ng silid aralan nyo. Lahat kayo ay nasa isang seksyon lang, dahil para madali sa inyo ang maging pamilyar sa isa't-isa." sabi nito.

"Sir, pwedeng magtanong?" ani ng babaeng katabi nya na halos ayaw madikit sa kanya tila nandidiri.

"Yes, Binibining Queenie?"

"Pwede po ba na wag nyo na syang isama sa amin?" turo sa kanya nito.

"At bakit naman?" nagtatakang tanong ng principal.

"Baka po kasi kulamin nya kami." sabi nito na kinahagikgik ng mga kasama nyang mga nakapasok.

"Gusto mong totohanin ko?" hamon nya rito na kinatahimik ng mga ito. Tumikim ang principal at nagpatuloy sa sinabi nito.

"Tungkol sa uniform nyo ay mamaya may magsusukat sa inyo. At bawal din ang mga estudyanteng nahuhuli sa klase dahil may kaparusahan oras na mahuli kayo." sabi nito at inabot isa-isa ang mga papel. "Nandyan ang mga subject nyo at pangalan ng mga guro nyo. Nakalagay din dyan kung sino ang lalapitan nyo oras na mangailangan o may nais kayong matutunan. Sige, magsipasok na kayo dahil malapit nang magsimula ang klase." pagpapatuloy nito.

Nagsitayuan na ang mga kasabay nya pero sya ay nagpaiwan dahil may nais pa syang itanong.

"Oh Binibining Abella, may kailangan ka pa?" tanong ng principal ng mapansin ang hindi nya pagtayo.

"Maaari ba na wag na akong mag uniform?" tanong nya rito.

"At bakit hindi ka maaaring mag uniform? Lahat ng estudyante ay kailangan magsuot ng uniform bilang isa ring patakaran ng eskwelahan iyon." sabi sa kanya nito.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now