TMG 08: Taunting Game

9.6K 213 8
                                    

TMG 08 ♠

 

I hissed; feeling uneasy the whole period. Pakiramdam ko kasi ay may nagmamasid sa’kin mula sa kung saan, pero tuwing lilingon naman ako sa paligid ay lahat sila nakatuon sa librong pinasasagutan sa’min ng professor. Akala ko nga kanina ay si Azmael na naman pero tulad ng dati ay natutulog lang naman ito sa upuan niya. Ewan ko ba’t hindi talaga ako mapakali. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Para bang may mangyayaring hindi maganda at hindi ko inaasahan. Parehong pakiramdam noong araw na ‘yon. Gusto kong pangilabutan sa mga naiisip ko. Hindi ko gusto ‘to.

“Is there any problem, Vincent?” Napalingon ako left side column kung saan nakapwesto si Devy. Salubong ang dalawang kilay nito habang nakatingin sa’kin. Hindi naman ako nagsalita at nagpatuloy sa pagmamasid sa loob ng silid. “Vincent?” pabulong na tawag muli nito nang hindi siya nakakuha ng sagot mula sa’kin. Hinarap ko siya sandali at matipid na tinanguan. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang mga kaklase ko bago yumuko sa librong hindi ko pa rin natatapos sagutan.

I shook my head. Napapraning lang yata ako dahil sa nangyari sa’kin nitong nakaraang araw. Idagdag pang kasama ko ngayon sa iisang silid ang leader ng Superiors na si Azmael. Ito kasi ang unang beses na makikita ko siya buong araw dito sa Pandora dahil magkaklase kami. Ito rin ang unang beses na makakasama ko siya sa iisang silid matapos niya akong bantaan. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa’king ‘I am his to kill’. Tama ba naman na angkinin ang buhay ko dahil lang sa iniligtas niya ako? Talaga bang may sayad ang lalaking ‘yon? Oh, I nearly forgot. He’s a personified devil.

Napatunghay ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Three disgustingly handsome men were standing at the doorway. Talagang mahirap hindi isama sa description ang mga almost perfect na mukha nila. Nagsimula ang bulungan sa klase na karamihan naman ay mga babae. Sila lang pala ang makakabasag sa konsentrasyon ng mga estudyanteng ito. Dalawa sa mga bagong dating ay namumukhaan ko agad ngunit hindi ang isa. Si Ladd Gremory, Gael Dreyar at isang hindi ko kilala ang nakatayo sa pintuan kaharap ng professor namin. Nag-uusap-usap sila sa harapan. Well, basically, si Ladd lang naman talaga ng kausap dahil walang imik lang na nakatayo ang dalawa sa likuran niya.

I was consumed by the thought of this group inside the room that I didn’t notice that the students stopped with their buzz. Doon ko lang din naramdaman ang tensyon sa loob ng silid. Students were unusual quiet and they’re freaking stiff lalo na nang mapatingin sa gawi ng Superiors—which is adjacent lang ng column ko, ang mga mata ng tatlong bagong dating. Oo nga pala’t isa rin ang grupo ni Ladd na kinatatakutan sa loob ng Pandora—ang Dukes. Talaga bang may gap sila? First time ko makita na nagharap ang dalawang grupo, though, mukhang walang pakialam si Azmael sa mga nangyayari dahil nakayuko pa rin ito. Ano pa nga ba ang dapat asahan sa devil na 'to? Tss.

I mentally rolled my eyes at the realization. Muli kong pinagmasdan ang tatlo sa harapan habang pinaglalaruan ang ballpen sa kaliwa kong kamay. I saw how Gael nailed his eyes to Devy’s and they were practically staring at each other with these tense-cold orbs. What’s with these two? Patago ko silang pinagmasdan mula sa gilid ng mga mata ko dahil sa kuryusidad. Hanggang sa mapansin kong bigla na lang tinapik ni Marco si Devy sa balikat nito mula sa likuran at kinausap. Nakapwesto kasi sa likuran niya sina Azmael, Marcus at Marco at itong huli ang katapat niya. Binalik ko ang mga mata kay Gael. I sworn I’d saw how his face darken with his jaw clenching. And I could even guess that he’s strangling these two inside his crappy mind. Poor, GD.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Where stories live. Discover now