TMG 05: Superiors' Pack

11.1K 276 30
                                    

Let me take this opportunity to clear something. Sa totoo lang, natatakot ako sa expectations ng ilan sainyo. Feeling ko kasi, nakikita niyo ang MHSG dito sa TMG pero kids, please 'wag. Ayokong may madisappoint ako. Yes, I'll admit na si Summer ang naging inspirasyon ko sa pagbuo ng character ni Vincent, pero hanggang doon lang. Nothing more. Nothing less. At thank you rin sa pagtanggap sa'ting troublemaker :) So here's the update. Medyo sabaw at slow dahil may sakit ang bata. Ito lang ang nakayanan. Sana maenjoy niyo pa rin~!

- - - x

TMG 05 ♠

 

“Azmaria, we can’t let Devy took over by her anger! Alam mo naman kung anong nangyayari everytime na nagkakaharap sila ni Gael 'di ba?” frustrated na sabi ni Alex sa kaharap niyang nakatingin lang sa pintuang nilabasan ni Devy. Sinusubukan niyang alisin ang hawak sakanya ng dalaga pero hindi niya magawa.

“Let her be. Its Gael’s vice, anyway. And he hurt the new kid that turns out to be Devy’s girl crush,” she said shrugging. Binitawan na niya ang dalaga at namulsa. Yumuko siya sa’kin pero agad ring binawi ang tingin at naupo sa tabi ko na parang walang nangyari. Tahimik pa rin naman ang buong silid at tanging ang usapan lang nilang dalawa ang naririnig.

“But Azmaria-”

“Sundan mo na kung talagang hindi ka mapakali,” malamig na putol niya sa sinasabi ni Alex. She likes cutting someone’s sentence, I may conclude. Narinig ko lang ang buntong hininga ng kausap niya pagkaraan ng ilang segundo bago ito lumabas ng silid. Azmaria ‘tsked’ and leaned her back after, crossing her arms over her chest. “Aren’t they impulsive?” Napalingon ako sa katabi ko na nakatuon lang ang tingin sa klase. “Anyway, I’m curious. Why did Gael hurt you?” tanong nito nang lingunin ako. Nagsalubong ang mga mata namin at hindi ko naiwasang pangunutan ng noo nang maalala na naman ang mababaw na dahilan ng Gael na ‘yon.

“For calling him stupid and deaf,” I answered shrugging my shoulders. Bigla na lamang tumawa ng malakas ang katabi ko na maging ang buong klase ay nagulat. Mas lalong lumala ang pangungunot ng noo ko sa ginagawa niyang pagtawa. Nakatitig rin silang lahat kay Azmaria na may pagtataka sa mukha pero tuluy-tuloy lang ito sa pagtawa na hindi iniintindi kung nakakakuha na siya ng atensyon.

“You’re so cool, you know that?” Amusement was evident in her voice matching her sparkling eyes. “For a new kid, you really are.” Dagdag pa nito bago muling ituon sa klase ang atensyon. Agad namang nagsiiwas ng tingin ang mga nakikinig sa’min dahil sa ginawa niya. “Gael has this 6ft. tall pride and being part of Dukes, it’s really a kick in his ass. He’s a type of jerk who never wanted to be talked back,” she said in between her laughs.

“Dukes?” I asked. If my memory serves me right, Devy mentioned Dukes as Ladd’s group.

“Hmm.” Tango nito. “Siguro naman nabanggit na sa’yo ng madaldal na si Devy ang tungkol sa Superiors at Dukes?” I nodded my head. Napailing naman si Azmaria habang may maliit na ngiti sa labi. Akala ko bored expression lang ang alam niya. “Inaasahan ko na ‘yan. Oh well speaking of, siguradong matutuwa ang Superiors na makilala ka. Actually, since the day Devy mentioned you, kids really wanted to see you.” She said glancing at me.

“And why would they be?” I asked, not sounding curious at all.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Where stories live. Discover now