TMG 28: Indebt with Empress

5.9K 155 4
                                    

TMG 28 ♠ Indebt with Empress

 

Meisha Steele

Mabilis akong nagkubli sa matayog na puno matapos pumosisyon at mapalibutan ng mga kasama kong reapers ang nakita naming isa sa mga hideouts ng Rogues. Matayog ang lumang gusaling nasa harapan namin ngayon na sa tantya ko’y aabot sa limang palapag. Hindi ko masabi kung ilan ang sakop nila ngunit nakasisiguro akong malaki ang grupo ng organisasyon na ito. And I can guarantee the great power they have now after being under that bull Baskerville Mafia.

But I vow to kill them all. Pay is a bitch.

Ilang segundo ang pinalipas ko bago bigyan ng senyales ang mga kasama’t maingat na kumilos. Kita ko ang mabilis nilang pagpasok sa loob ng gusali at hindi na ako nagulat nang isa-isang bumagsak ang mga bantay sa labas, na may bala sa gitna ng noo. Shoot to kill. One bullet, one bastard.

Lumabas na ako sa pinagtataguan at nagsimulang paulanan ng bala ang mga nakakasalubong ko habang sinusubukan muling tawagin sina L at B sa earpiece ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Inilagay ko silang dalawa sa East at West pero simula pa kanina, parehong hindi ko na sila macontact. Hindi ko tuloy alam kung maayos ba ang galaw at sitwasyon ng grupo nila. We can’t underestimate Rogues. Mahirap na at baka masalisihan.

“Bastards,” bulong ko sa sarili nang mabigo sa pagtawag sa dalawa. Dumiretso na lamang ako sa loob ng gusali.

Malakas na hiyaw ang agad na sumalubong sa’kin. Napatingala ako nang maramdamang doon nanggagaling ang nakakairitang sigaw, at hindi naman ako nagkamali nang makita ang isang lalaking nahuhulog mula sa ikalimang palapag. Napaatras pa ako ng kaunti dahil sa lakas ng impact ng pagkakabagsak nito sa maruming semento sa mismong harapan ko. Rumagasa ang pulang likido sa sahig mula sa kanyang ulo, impit na ungol kasabay ng hirap sa paggalaw.

I positioned my right hand, holding my gun firmly as I point it to his left chest. He probably sensed what I was doing and he immediately snapped his head to me. Meeting his frightened wide eyes, he pathetically starts begging for his life. As a reaper, I find it suck and disgusting. You shouldn’t beg for your own life. You beg for your master’s to be saved and sacrificed yours instead. That’s how it worked. And so without a second thought, I pulled the trigger… thrice. Because he’s stupid, bullshit and fucktard. Saka nahihirapan na rin akong tingnan ang bawat pagngiwi niya sa sakit sa mga nabaling buto kaya tinulungan ko na siyang wakasan ang sakit at paghihirap na nararamdaman niya.

“M, 5th floor cleared.”

“Let’s go.”

Inilibot kong muli ang tingin sa buong paligid upang masigurong walang natirang buhay kahit isa matapos marinig ang balita ng kasama ko. Masyado silang mabilis kumilos, ni hindi manlang ako naubos ang bala ng baril ko.

***

“Why did you fucking leave Vincent alone?!”

Sinusubukan ko pa ring kontakin sina L at B nang mapahinto sa paglalakad nang makarinig ng galit na malakas na sigaw mula sa kakahuyan. Naalerto ang lahat dahil do’n. Sinenyasan ko ang mga kasama na ‘wag gagawa ng ingay na agad naman nilang sinunod. Maingat kong inihakbang ang mga paa palapit sa pinanggalingan ng boses.

“Did someone mention Empress’ name?” takang tanong ni Michaelis. Mabilis ko siyang pinagtaasan ng kilay dahil sa biglaang pagsulpot nito sa tabi ko. Gusto ko rin siyang suntukin sa bibig dahil sa pagsasalita niya.

‘Shut up’, I mouthed, still raising him a brow.

He immediately raised both of his hands, mouthing ‘I’m sorry’.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Where stories live. Discover now