TMG 17: Offbeat

8.2K 187 2
                                    

TMG 17 ♠

 

I was scolding myself inside my head innumerous times for glancing at his seat unintentionally. And I kept reciting curses whenever I found myself spacing out, wondering what happened to him. And I am unconsciously thinking of possible reasons for his absence, like if he got shot or what. My mind kept wandering to that night. It’s been three days since that incident. It’s been three days since that night. And today is his third day for not showing up in school. It’s not like I care, but I was just too curious why he’s not around. And I want to ask him too, to what he meant for saying that, that night was my nightfall. That’s all.

“A penny for your thought.” Nagitla ako nang may pumitik sa mismong harapan ko. Agad namang bumungad sa’kin ang maganda at malawak na ngiti nito. Iniharap niya sa’kin ang armchair at naupo katapat ko. “For the whole two periods, you kept spacing out. It’s not like you, Vincent. Is there any problem? Mind telling me? You know that I’m willing and would gladly listen to you.”

Napatitig ako sakanya habang siya nama’y tila nag-aabang sa sasabihin ko. Nagkrus pa ang slim at mapuputi nitong binti saka nangalumbaba. Sandali akong lumingon sa paligid bago umiling. Dito na ako dumiretso sa classroom kanina dahil nalate ako at ngayon ko lang napansin na wala sina Alex at Azmaria pati na rin si Marcus. Si Marco naman ay nakita kong kalalabas lang ng silid.

“Bakit kayo lang ni Marco ang pumasok? Nasa’n ang ibang Superiors?” I asked nonchalantly. Muli kong ibinalik sakanya ang tingin bago yumuko sa binder ko at isinilid ito sa backpack.

“Sabi ni Alex sa’kin ay may aasikasuhin silang family matters at dahil magpipinsan sila ng kambal, absent rin ang mga ito. Si Marcus naman, hindi ko alam kung bakit. Wala namang nabanggit sa’kin si Marco dahil tuwing tatanungin ko siya, kibit-balikat lang ang isasagot niya sa’kin. Ewan ko ba diyan sa isang ‘yan. Naturingang pinsan pero walang kaalam-alam,” naiiling na sagot ni Devy. Tumango na lang ako at saka tumayo bitbit ang bag. Sumunod na rin naman siya sa’kin nang magsimula akong maglakad palabas.

Yumuko ako sa suot kong wristwatch at napagtantong maaga pa kami ng sampung minuto nang idismiss kami ng Differential Equation professor namin. Ang aga-aga sumakit na ang ulo ko sa dami ng magkahalong numbers at letters na isinulat niya sa board. Hindi ko talaga magets kung bakit pati letra at numero pinaghahalo nila, hindi naman magagamit ‘yan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Mabuti sana kung nakakabawas ng tanga ang mga simbolo na ‘yon. Tch.

Hahakbang na sana ako papasok ng cafeteria nang may mahagip ang mga mata ko kaya agad akong napahinto. Tinitigan ko siya ng mabuti at sa hindi malamang dahilan ay mabilis akong binalot ng kuryusidad nang makitang nagpapalinga-linga ito sa paligid matapos tingnan ang screen ng cellphone niya. Tila ba’y sinusuri niya ang paligid kung ligtas o kung ano. Mayamaya pa’y nagsimula na itong maglakad palayo matapos pumindot sa aparato.

Mabilis akong napalingon sa kasama ko na nasa unahan ko na pala habang naghahanap ng mauupuan namin. Nagkataong marami kaming kasabay sa oras ng lunch break ngayon kaya naman karamihan sa mga lamesa ay hindi na bakante. Sakto namang humarap ito sa’kin at akmang hahawakan na ako sa braso nang pigilan ko ito. Bakas ang pagtatakang rumehistro sa mukha niya kaya naman ay nagsalita na ako,

“Mauna ka na, Devy. Dadaan lang ako sa locker ko.” Sabay lingon ko sa dinaanan ng taong ‘yon.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ