Chapter 42

652 20 0
                                    

Steven Javier

Stanley's Pov:

Fvck you Stanley! You idiot!

Galit ka sa kaniya! Galit ka dahil hindi ka na niya mahal. Dahil sinaktan ka na niya. Pero bakit mo pa siya iniligtas?! Bakit mo pa siya tinulongan mula sa mga eskandalo sa kaniya?! Sa mga masasamang salitang binibitawan ni Bianca sa kaniya!

Malakas kong sinuntok ang pader ng kwarto ko. I'm so fvcked up! Galit na galit ako sa sarili ko.

After 1 month, magpapakita siya sa aming lahat. After 1 month, magpapakita siya na parang wala lang nangyari!!!

At nagpalit pa talaga siya ng identity!

Hindi pa ba siya tapos sa pananakit sa akin?!

At nagdala pa talaga siya ng bago niya!

Nakalimot acting din siya!

Ano ba talaga ang gusto niya?!

BA'T PA SIYA BUMALIK?!

Kanina, nang makita ko siya sa guidance office ay parang gusto ko nalang lumubog sa upuan. Gusto ko siyang makita pero hindi ko matagalan kapag naalala ko ang mga pananakit niya sa akin. She's worst!

But... I admit it. Lalo siyang gumanda! Fvck! Parang hindi na siya ang dating Chriscely na nakilala ko. Ibang-iba na siya.

And that guy! That guy na kasama niya kanina. Na kung makahawak sa kamay niya ay parang kaniya na ang babaeng minsan ng naging akin!

Inaamin kong nag-iinit ang ulo ko. Katulad parin nung kami pa. Ayokong may lumalapit sa kaniyang lalaki. May minsan nang napaaway ako nang dahil sa selos. Ang natatandaan ko ay 'yung tsupon. Pikon na pikon ako nung mga oras na 'yun. Pero nagsisi din at hindi ko napagtuonan si Chriscely na inaatake na pala ng ulcer niya at si Steven pa talaga ang naghatid sa kaniya sa clinic. Nagselos din ako nun pero siyempre kinontrol ko dahil nga nagalit din sakin nun si Chris.

And why I am remembering our past?!

It's not worth my time!

Weh?

Fvcked this brain! Shut up!

Galit ako sa kaniya. Galit.

Kaya ipinapangako kong, hindi ko na siya tutulongan. Kahit ano pa ang mangyari.

Kung ano man ang palabas mo Chriscely, wala akong na akong pakialam.

Talaga lang huh?

"Pak shet na utak 'to oh!" sigaw ko't pabagsak na nahiga sa kama.

Chriscely's Pov as Audrey:

Tumakas ako ng beach house. Maaga akong nagising para makaalis ng bahay na hindi nalalaman ni Mommy. I woke up early kasi ayon kay Clevor noong unang beses naming magbangka para maitawid ako sa siyudad ay isang oras bago pa makarating sa mismong patutunguhan ko.

Una, ay sobrang natatakot ako kasi tinitignan ko palang ang alon ng dagat ay halos masuka na ako. Hindi ko alam pero siguro dahil naninibago ako. O kaya naman hindi ito ang buhay na nakaugalian ko noon.

Pinagpag ko ang aking pantalon nang makarating sa kadugtong na isla kung saan mas malapit ito sa siyudad. Ang unang islang matatapakan mo kapag nanggaling ka sa siyudad bago ang isla na kinatatayuan ng aming beach house.

Maraming tao ang napapatingin sa akin. Confident akong naglakad na hindi manlang naiilang sa uri ng mga tingin na ipinupukol nila sa akin.

I have this weird feeling. Bakit pag mga estudyante sa school ay naiilang ako. Every words that they are throwing against me makes me feel something inside my head. Parang ang weird.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IntricateWhere stories live. Discover now