Chapter 10

1K 25 1
                                    

The Revelation

Chriscely's POV:

Akala ko okay na ang lahat. Akala ko sasaya ako ng kahit ngayong araw manlang. Pero hindi eh. Sadya talaga sigurong may galit sakin ang tadhana.

Nanginginig ang mga kamay ko ngayon habang hawak hawak ang sobreng nakuha ko sa mansyon at ang panibagong sobreng pinadala ngayong gabi sa apartment ko. Kakatapos lang ng lakad namin ni Stanley pero ito agad bumulaga sa akin.

Pagkadating ko kanina sa bahay ay nakasabit na ito sa pintuan. Dikit na dikit pa ito kaya ginamitan ko ito ng singsing na may maliit na kutsilyong lagi kong suot. Nang makuha ko ito ay dahan dahan ko itong binuksan. Nanlaki ng husto ang mga mata ko. Hindi itto ang inaasahan kong kapalit ng kapag hindi ko ginawa ang unang inuutos nila na laman ng sobre sa akin.

Napatingin ako sa unang sobre. Paano ko pa gagawin ang bagay na yan? Dahil naging makatotohanan na.

(Flashback)

"May panibago tayong gagawin." pagpupukaw ni Dad sa atensyon naming lahat.

Napabaling rin kami sa kanya. I even saw my step mom smirking at me.

What's her problem?!

Isa isang inaabot sa amin ni Manang Claudia ang sulat na nakalagay sa itim na sobre na may skull na puti sa gilid.

Hindi ko alam kung bubuksan ko ito. Sanay na ako sa ganito. Pero parang ngayon lang, iba talaga ang pakiramdam ko dito. Alam Kong lahat sila ay nabasa na ang laman o kaya nakita kung anong imahe ang nasa loob.

"Why don't you open it?" nakataas ang kilay at nakangising sabi sa akin ng aking madrasta.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya lang napatingin ako kay Jessica na tumango lang sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang buksan ang sobreng hawak hawak ko.

Na sobrang pinagsisihan ko ng husto. Agad ko itong nabitawan. Nanginginig ang mga kamay ko. Naluluha ako. Hindi ko kaya.

Binasa ko ang laman.

Make Stanley fall inlove with you. Then kill him.

BAKIT SI STANLEY?!

(End of flashback)

Hindi ko na alam ang gagawin ko! Para akong mababaliw!

Nahulog na nga siya sakin eh! Nahulog na siya! Kahit wala pa kong ginagawa..

Tumulo ang luha galing sa mga mata ko.

Ramdam ko na eh. Ramdam ko ng mahal ko na ang tao. Kanina, habang kinakantahan niya ko, wala akong ibang nakikita kung hindi siya lang. Kapag kasama ko siya masaya na ko. Sa mga simpleng banat lang niya, kinikilig na ko't parang maiihi na ko sa kilig. Nagagawa niyang pabilisin ang tibok ng puso ko. Nagagawa niyang paliparin ang mga paru-parong nasa tiyan ko. Nagawa niya kong pangitiin kahit sa simpleng bagay lang.

Kaya paano ko siya papatayin?

Binasa ko ulit ang laman ng panibagong sobre. Naninikip ang dibdib ko. Sobrang sakit na parang sasabog ito.

If you cannot do it. I'll kill him anytime in front of you. 29 days to go my dearest daughter.

Muli akong napahagulhol. Ayoko nang maulit ang nangyari. Napuno nako ng pagsisisi noon.

(Another Flashback)

"Please dad! Maawa ka! Wag mo siyang sasaktan!" nakaluhod kong sambit. Hindi ko na magawang tumayo dahil sa may tama ng bala ang dalawang binti ko.

"Maawa?! Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo Chriscely ha?! Ito ang kapalit ng pagsuway mo sakin!" itinutok niya ang baril sa lalaking mahal ko.

"N-no.. Dad. Please. Wag mo siyang patayin! Wala siyang kasalanan!" pakiusap ko sa kanya. Pero tila hindi niya ko narinig. Sa halip ay kinasa na niya ang baril.

"Meron! Meron siyang kasalanan! Alam mo ba kung ano?! Yun ay ang paglalayo niya sayo sa organisasyon!"

Napapikit ako. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga panahong ito. Nasa bingit ng kamatayan ang mahal ko. Wala akong magawa.

Napamulat ako't nagtama ang mga mata naming dalawa. Malungkot ang mga mata niya pero ngumiti siya sa akin.

"Love.." I called him. Yan ang tawagan namin sa isa't isa. Unti-unting dinudurog ang puso kong makita siyang humihirap. Nabaril rin siya sa binti tulad ko. Pareho kaming hindi makatayong dalawa.

"D-Dad! Hindi ako lumayo sa organisasyon! G-Ginawa ko parin naman ang lahat ng inuutos niyo sakin! Kahit isa wala akong hindi ginawa---"

"SINUNGALING! Alam mo't alam ko kung anong hindi mo ginawa! Wala kang utang na loob!"

Tuluyan nang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Wala akong kasalanan sa nangyari.

"I-It's not my fault.." halos pabulong ko nalang sabi dahil parang hinang hina na talaga ako.

"It is. And this is payback time my dearest daughter."

Napatingin ako sa kanya. Nakangisi si Dad habang itinututok sa lalaking mahal ko ang baril na hawak niya. Napatingin ako kayo Clevor na ngayon ay nakatingin sa akin.

"I love you love." He mouthed bago siya barilin ni Dad sa dibdib.

"CLEVOR!" I shouted loudly, crying in pain. "N-NO! CLEVOR NO!"

"And now my daughter, you need to rest temporarily."

Then everything went black.

(End of Flashback)

I'm sorry Clevor. Hindi kita nailigtas. I'm so sorry love. Nagawa mong iligtas ang buhay ko para sakin. Nagawa mong magsakripisyo. I'm sorry at nadamay ka pa sa buhay na meron ako.

Ngayon, isa lang talaga ang nasa isip ko. Ipaglalaban ko kung anong meron ako. Hindi ko hahayaan na malagay ang buhay ni Stanley sa kapahamakan nang dahil sakin.

Not this time na alam kong mahal ko na siya. Napakainosente niya para madamay sa gulong meron ako. Pero hindi din maalis sa akin na sobrang natatakot ako't kinakabagan. Alam kong ano mang oras ay kaya nilang ipapatay si Stanley.

Lalayuan ko ba siya? Makakaya ko bang hindi siya makasama? Ang mga ngiti niyang nakatatak na sa isip ko. Ang boses niyang kinakantahan ako. Makakaya ko bang hindi marinig yun sa isang araw?

Kaya ayokong napapalapit sa taong kagayang kagaya ni Clevor eh.

-----

A/N: I am really sorry for a short update guys!

-NnahJanexz

IntricateWhere stories live. Discover now