Chapter 20

765 20 3
                                    

Pagtatalo

Chriscely's POV:

"Chris, bilhan lang kitang pagkain." sabi ni Steven at tumalikod na palabas ng clinic.

Dinala niya ako rito kanina matapos ng nangyaring gulo nina Stanley at Tsupon. Wala akong balita kay Stanley. Pero nag-aalala talaga ako kasi maraming dugo kanina ang mukha niya.

Ang leche niya! Hindi ako pinakinggan! Naiinis ako sa kanya! Hindi ko talaga siya papansinin ng tatlong araw! Humanda siya sakin!

"Anong nangyari sayo?"

"Ay leche!" gulat na gulat akong napatingin kay Jessica na ngayon ay nasa gilid ko na pala at seryosong nakatingin sa akin. "Jessica naman eh! Bakit ka ba bigla biglang sumusulpot?" ngumuso ako.

"Bakit inatake ka nanaman? Diba wala na yan?"

"Ewan ko. Nakakain naman ako sa bahay bago pumasok."

"Nagkagulo daw dahil sayo."

"Ha?" takang tanong ko sa kanya.

"Nagselos daw si Stanley. Nasa kabilang clinic siya." sabi niya..

So, nasa boys clinic pala siya. Ang university kasi namin ay dalawa ang clinic. Boys at girls. Parang cr lang.

"K-Kamusta na siya?" gusto kong wag ipahalata na concern ako kay Stanley kasu leche! Nautal pa ko.

Sumeryoso ng husto ang mukha ni Jessica kaya napalunok ako.

"Nahimatay siya kaya kailangan siyang ilipat sa hospital."

"ANO?!"

"Biro lang."

Napahawak ako ng sobra sa dibdib ko kasi grabe ang pagkabog nito. Tinignan ko ulit si Jessica na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Grabe jowk mo Jess! Nakakatawa!" sarcastic kong sabi at huli na ang lahat dahil naging malamig na ang emosyon ni Jessica. Oh no!

"Mahal mo siya." walang paligoy ligoy na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Nagpakawala ako ng pekeng tawa.

"N-Nagkakamali ka Jess! A-Ano ka ba!" nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Oh God! Nabuking niya na ako!

"Hindi moko maloloko Chris." pagbabanta niya sa akin kaya nagsimula na akong kabahan at naluluha narin ako.

"J-Jess.. Pwede bang iwan mo muna ako?" pakiusap ko sa kanya habang hindi siya tinitignan.

"Sige. Magpahinga ka na't umuwi pagkatpos." pagkasabi niya nun ay walang ano-ano'y umalis na siya.

Tahimik akong humikbi dahil sa nalaman na niya ito. Paano kung ismubong niya ko sa organisasyon? Kaya ba kong traydorin ng kaibigan ko? Paano na si Stanley?

Agad kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. Baka may biglang pumasok at magtaka lang kung bakit ako umiiyak.

Maya maya lang ay may bumukas ng pinto at laking gulat ko nang makita si Pepay at bigla nalang humagulhol sa iyak.

"Huwaaaa! Girl! Anong nangyari sayo? Akala ko tigok kana girl! Yan ang balibalita dito sa school! Nakakainis ka talaga girl! Bakit ka naman nagpapabaya sa sarili mo ha?! Alam mo bang alalang alala ako sayo?! Mabuti nalang at nandyan si Papa Stanley para dalhin ka dito sa clinic!"

Hindi ko maiwasang matawa sa mukha ni Pepay pero mas umusbong ang pagkainis ko kay Stanley.

"Hindi siya ang nagdala sa akin dito." nakangiwing sambit ko.

IntricateWhere stories live. Discover now