Chaper 35

585 19 5
                                    

Pagbabago

Chriscely's Pov:

1 month later...

Isang buwan na ang lumipas. At ako'y gumaling na. Naigagalaw ko na ang katawan ko. Pero leche! Kahit na naigagalaw ko na ang katawan ko, may malaking kulang parin sa buhay ko.

Si Stanley...

Sa loob ng isang buwan, wala akong balita sa kanya. Kahit na si Jessica, wala. Siguro, kung alam lang ni Pepay ang sitwasyon ko ngayon, may makukuha akong balita sa kanya mula kay Stanley. Pero kasi, hindi pwedeng malaman ni Pepay ang kalagayan ko ngayon lalong lalo na ang lahat ng nangyari sa akin.

Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Stanley. Mukhang tinotoo niya talaga ang pakiusap ko sa kanyang kalimutan na ako. At parang pinupunit nito ng sobra ang puso ko. Sobrang sakit! Ang sakit sakit kasi, ni hindi niya manlang nalaman kung anong rason ko. Na kung anong pwedeng maging dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan. Kung bakit ako bumitaw sa kung anong meron kami. Pero siguro, mabuti nalang na ganun ang nangyari para sa kaligtasan niya.

Ang gusto ko lang ngayon ay ang makita siya. Makita kung anong mga ginagawa niya. Kung okay lang ba siya? Anong nangyari sa kanya sa loob ng isang buwan.

Pagkalabas na pagkalabas ko dito, hahanapin ko siya. Susundan ko siya para malaman kung anong ginagawa niya sa mga panahong wala na ako sa tabi niya.

"Makakalabas kana Chris." si Jessica na mukhang masaya.

Napangiti ako. Sa wakas!

Sa loob ng isang buwan, nakahiga lang ako kama. 'Yung taong gumawa sakin nito ay hindi bumisita. Na ipinagpapasalamat ko kasi kahit na bumisita siya'y hindi ko alam kung matatanggap ko ba siya. Simula ngayon, hinding hindi ko na siya tatawaging Daddy. Ituturing ko siyang patay na dito sa puso ko. Hindi ako gaganti sa kanya. Hindi ako tutulad sa kanya. Dahil sa umpisa palang, hindi ako masamang tao, sadyang marupok lang ako ng mga oras na iyon. Sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni Mommy na alam ko naman na hindi ako ang may gawa. Itinatak iyon ni Lazarus sa isip ko. Na ang totoo'y hindi ko kasalanan. Buong buhay ko'y dinala ko ang guilt na dapat hindi ko maramdaman. Pero sariling ama ko pa ang nagparamdam nito sakin.

Sa ngayon, ang gusto ko lang ay ayusin ang buhay ko. Nananalangin na sana'y hindi na ako hanapin pa ni Lazarus. Siguro, sapat na ang dugong nakuha niya sa akin para pandagdag sa perang kinababaliwan nila ng asawa niya. Kapag naiisip ko naman ang mga salitang binibitawan niya tuwing kukuhanan niya ako ng dugo ay sobrang nasasaktan ako.

"Your blood, my money."

Nakatatak na ito sa isip ko na sarili kong ama ang may halang na kaluluwa. Siguro hindi na magbabago pa ang amang nagmahal sa akin simula bata pa ako. Ang pagmamahal na hindi ko sigurado kung totoo.

"Salamat Jess. Salamat dahil hindi mo ako iniwan sa loob ng isang buwan." ngumiti ako sa kaibigan ko.

Nakalabas na kami ng hospital at nandirito sa isang parke. Bumili siya ng ice cream para sa aming dalawa. Minsan, gusto kong tumigil nalang ang oras. Na magtagal ang araw para maranasan ko rin ang mabuhay ng normal. Na walang may nagbabanta sa buhay mo, malayang nagagawa ang mga gusto, walang ibang iniisip kundi ang maging isang normal na taong nabubuhay sa mundo. Pero siguro, hindi lahat ng tao nabubuhay ng normal, tulad ko. May mga taong naghihirap. Buong buhay na naghihirap, nagtatrabaho ng sobra-sobra para kumita ng pera, hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Malaking tanong sa kanila kung bakit ganyan ang naging buhay nila samantalang may mga tao namang ipinanganak na mayaman. Na walang hirap na pinagdaraanan para lang makakain ng mga masasarap na pagkain. Hindi kailangan magtrabaho ng mga trabahong mahirap. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at kumikita ng sobrang maraming pera. Pero siguro ganito talaga ang buhay.

IntricateWhere stories live. Discover now