Chapter 12

896 24 0
                                    

Gantihan

Chriscely's Pov:

Iyak lang ako ng iyak. Di ko alam ba't dinala ako ng mga paa ko ngayon sa rooftop ng isang building sa school na abandonado.

Hindi maalis sa isip ko ang pagsayaw, yakap, at mga ngiti nila sa isa't isa. Bakit? Bakit may ganun sila?

Noon, naalala ko pang ayaw na ayaw talaga ni Stanley kay Bianca kasi bukod sa bitch, naging stalker niya narin ito. Di lang yan, kung makaasta pa eh akala mo'y girlfriend eh hindi naman. Merong kung saan pupunta si Stanley ay palihim siyang nakasunod. Pinagtatawanan na nga siya ng mga nakakakita sa kanya kasi bitch siya pero nagmumukha siyang asong ulol na sumusunod sunod sa amo niya. Kaya ang tanong ko, paanong naging close silang dalawa?

Napatingin ako sa langit. Parang uulan na ewan. Kung uulan siya, ibig sabihin apektado din siya sa nararamdaman ko ngayon. Kung hindi, edi hindi!

Nakakainis kasi eh! Bakit ba kasi nakita ko pa yun kanina?! Yan tuloy, paiyak iyak ako ngayon. Leche! Bakit pa kasi pinakitaan pa ko ng magagandang motibo eh hindi naman pala totoo!

"Andyan ka lang pala.."

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Stanley. Agad kong pinunasan ang luhang kanina pa buhos ng buhos. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"B-Bakit ka nandito?" tanong ko.

Akala ko ba nakikipaglandian to kay Bianca?!

"I was looking for you."

Looking for you mo mukha mo! Peste ka! Nakakainis ka! Looking for you eh, halos maghalikan nga kayo ni Bianca don eh!

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Talaga lang ah.." bulong ko pero sapat na para marinig niya. Di siya nagsalita at nakakunot lang ang noo niya sakin kaya nagsalita na ako. "Di na tayo partners diba? Hanap na lang ako ng iba." tapos tumalikod ako sa kanya para lumabas na. Pero bigla niya kong hinila.

"What's your problem?"

Wow! English na! Nakipagyakapan at sayawan lang kay Bianca, iba na lenggwahe! Bigtime!

"It's you."

"What---?"

"Chris! Tara! Practice daw!"

Di ko na alam pero nakita ko nalang ang sarili kong pababa ng hagdan kasama si Steven.

"S-Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nang makababa na kami.

"Practice." nakangiti at maikli niyang sagot sakin. Nakahawak kamay parin kaming dalawa.

"H-Ha?" Para saan?

"Practice for the prom."

"Ha?"

"Yup! At ikaw ang magandang partner ko."

Parang namula naman ako sa sinabi niya.

"B-Bakit ako? Diba---" di ko na natuloy ang sinabi ko dahil hinila na niya ako papasok ng gym.

                        *•*•*•*

Pagdating namin sa loob halos magulat ako nang makitang nauna pa si Stanley sa amin at nakaupo na siya ngayon sa may hagdanan. Pero nang matamaan ko kung sino ang katabi niya ay agad ko namang iniwas ang tingin ko.

Leche! Ang impakta ang katabi niya!

"Oh! Ms. Dizon and Mr. Javier!" Bati sa amin ni Sir Trin. Andito siya? "Upo kayo dito." dagdag niya at kung minamalas ka nga naman. Kaharap ko pa ang dalawa!

"Okay Sir." tugon naman ni Steven at bigla niyang hinawakan ang balikat ko. "Upo kana." pinaghila niya pala ako ng upoan.

May narinig naman akong bulongan ng mga kaklase ko at tikhim ni Sir kaya napaangat ang tingin ko para tignan siya. Pero imbes na si Sir Trin ang makita ko ay si Stanley na mukhang galit ang mukhang nakatingin sa akin ang nakita ko.

Anong tinitingin-tingin mo ha?! Gusto ko yang isigaw sa kanya pero pinili ko nalang taasan siya ng kilay.

Pinagmasdan ko ang lahat except kay Lecheng Stanley at Impaktang Bianca. Nakapabilog kaming lahat. May tig-isang upuan. Nasa harap at gitna naming lahat si Sir Trin. At kaharap ko pa si 'nevermind'

"Are you okay?" biglang tanong ni Steven sa tabi ko. Napalingon naman ako sa kanya at binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Oo naman."

Ilang sandali pa ay nagsalita na si Sir Trin. Ipinaliwanag niya sa amin ang lahat. Kung anong entrance ang gagawin namin, ang mga susuotin namin, hanggang sa nakarating na sa partners ang topic.

"Ms.Dizon?"

Napaangat ang tingin ko kay Sir Trin na tinawag ako. The whole kasi ay nakayuko lang ako. Mabut't di niya napansin.

"Yes sir?" I responded.

"Kayo na ni Mr. Steven Javier ang magkapares."

Pinigilan ko talaga ang magulat. Wow! So ganun ganun nalang yun?! Hindi niya manlang tatanongin kung papayag ba ko. Dahil ba sa hindi ako nakarating agad kaya ganun?! Sasagot na sana ako nang may biglang magsalita.

"She's my partner."

I gasped. Lahat din ay nagulat sa biglang pagsalita ni Stanley. Napatingin ako sa kanya't di ko mabasa ang nasa isip niya.

"Mr. Javier, kanina nagsayaw na kayo ni Ms---"

"Dahil hindi pa siya nakapagpractice. Nagpaturo lang siya sakin."

"Ba't tinuroan mo.." bulong ko.

Pero shet lang! Mukhang narinig nila kasi napatingin silang lahat sakin. Si Bianca ang sama ng tingin sakin tapos si Stanley naman ay seryoso ang mga tingin.

"Ms. Dizon." tawag sa akin ni Sir Trin kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Bianca glared at me kaya inirapan ko siya.

"Is it okay to you na si Mr. Steven---"

"Mahal diba okay---"

"Yes sir. Its okay to me na si Steven ang kapartner ko." walang kagatol gatol kong sabi.

Napatingin ako kay Stanley. Sobrang kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sakin. Tapos si Bianca naman ay todo ngiti na akala mo eh, nanalo sa loto.

Edi saksak niya sa baga niya si Stanley! Kung di pa siya makontento, edi pasok niya sa bulsa niya! Peste siya!

"Mahal.." tawag sa akin ng lecheng Stanley pero di ko siya pinansin. Naramdaman ko naman ang tingin niyang galit na galit kay Steven.

"Okay! Let's start our practice tomorrow! Total, may mga partners na kayong lahat, you may now leave all."

Pagkasabi non ni Sir ay napatayo narin kaming lahat. Napatingin ako kina Stanley at Bianca. Kinakausap siya ng impakta pero sakin siya nakatingin. Inirapan ko naman siya.

Lalandi landi tapos lalapit lapit sakin. Ano ako past time?! Leche siya!

"Tara? Hatid na kita."

Hindi na ako umangal sa alok ni Steven. Lumabas naman kaming magkasama habang ang dalawa ay naiwan sa loob.

Hmp! Bahala silang maglampungan! Pero tama bang ipinagpalit ko siya kay Steven?

Leche! Parang naluluha ako.

Pero siya naman ang nauna ah? Pero diba sabi niya practice lang yung lahat sa kanila ni Bianca?

Ay leche! Ewan! Basta ayoko na! Nagseselos ako! Naiinis! Nagkatabi pa nga sila eh! Sana lumayo siya! Grrrrrr..

Mahal mahal. Mahalin niya mukha niya! Hmp!

---

-NnahJanexz

IntricateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora