Chapter 16

844 25 1
                                    


Cleren Javier

Chriscely's POV:

"Pepay! Saan nanaman tayo pupunta?!" hindi niya kasi ako sinasagot. Nasa taxi na kami ngayon.

"Stay put kalang dyan girl." sagot niya sakin.

Wala nakong nagawa kundi ang tumahimik nalang. Anong laban ko sa bungangerang baklang kaibigan ko?

"Manong dyan lang po." para ni Pepay at napakunot ako ng noo sa nakita.

Sa mall.

"At anong gagawin natin dyan?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Dakip tayong isda girl.." pilosopong sagot niya nanaman sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Niloloko mo ba ko Pepay?"

"Hindi girl ah! Sige na baba na!" pagtataboy niya sakin.

Kunot noo ko siyang tinignan.

"At bakit ako lang? Diba sabi mo sumama ko sayo?!" irita kong tanong.

"Basta girl! Trust me! Bukas nalang tayo magkita sa apartment mo. Kwentuhan mo ko." then he wink. "Manong taralets!"

Anak ng---!

"Hoy Pepa---!"

"MAHAL!"

WHAT THE---?! Boses ni Stanley yun ah?!

Napalingon ako at nakita ko ang lalaking mahal ko na ngiting ngiti sa akin at gwapong gwapo sa pulo niyang kulay dark blue na stripes. His hair is a slight messy at nakarubber shoes.

Ang gwapo niya! Leche!

"Oh? Tulala ka nanaman niyan." pang-aasar niya sakin nang makalapit siya at bigla akong niyakap. Tapos bigla siyang nagsisigaw. "MAHAL KO TONG MAGANDANG BABAENG KAYAKAP KO!"

What the---?!

"Oh my gosh! Ang sweet nila!"

"Swerte ni Girl!"

"Hala! Mahal na mahal talaga nila isa't isa!"

"Bagay na bagay!"

"Ang ganda ng girl!"

"Ang pogi ng boy!"

Yan ang ilan sa mga bulong bulongan at tilian.

"STANLEY!" sigaw ko dahil sa kahihiyan.

"Shhh.. Hayaan mo na." sabi niya habang nakayakap parin.

Wooooh! Ang bango niya! Leche talaga!

Nagpapasalamat naman talaga ako sa bakletang Pepay na to at pinasuot ako ng dark blue din na dress at dark blue din na sandals. Bunos pa ang makeup, rebond at pabango.

"Stanley, madami nang nakatingin satin." tinignan ko ang mga tao na napapatingin sa ginagawang pagyakap ni Stanley sakin. Lumayo naman siya kaya napahinga ako ng maluwag.

"Ikaw mahal ah, nahihiya kana ngayon pag may tumitingin satin." ngumisi siya sakin kaya inirapan ko siya.

"E-Ewan ko sayo!"

Shetes! Nauutal ako! Ang gwapo kasi!

Nauna akong maglakad papasok sa kanya pero maya maya lang ay may humawak na sa kamay ko. Pagtingin ko ay mukha ni Stanley ang nakita kong seryosong nakatingin sakin. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko talaga kayang tignan ang mga titig niya pag seryoso na siya.

"Saan mo gustong pumunta mahal?" tanong niya sa akin.

Napaisip naman ako. Saan kaya magandang pumunta?

IntricateDove le storie prendono vita. Scoprilo ora