Chapter 21

775 22 4
                                    


Cool Off

Chriscely's POV:

"Pepay! Sige na. Samahan mo na kong uminom please.."

Pinapunta ko ngayon dito si Pepay sa apartment. Linggo ngayon at gabi na. Simula ng nangyari noong biyernes, hindi na kami nagkakausap pa ni Stanley.

"Ay girl! Anong pumasok na masamang espiritu dyan sa kokote mo't nagyayaya kang uminom ha?" nakataas kilay na sabi sakin ni Pepay na parang aabot na sa anit niya.

"P-Pepay.." nagsimula na akong umiyak.

"Hala siya uy! Girl! Ano ba! Bakit ka umiyak bigla?! Hala! Anong nangyayari sayo girl? Lasing kana ba?"

Hinampas ko siya sa braso dahil nasa gilid ko na siya.

"P-Pepay.. N-Nag-away kami ni Stan---"

"ANO?! BAKIT KAYO NAG-AWAY?! OHMEGESH GIRL! ALAM MO BANG PAG KAYO NAG-AWAY, AKO ANG UNA-UNANG MASASAKTAN?! HIHIWALAY ANG PUSO KO'T MADUDUROG NG PINONG-PINO DAHIL SA NUMBER ONE CHRISTAN FANS AKO HAH?!"

Napatakip ako sa tenga ko dahil parang hihiwalay talaga ang eardrums ko sa loob.

"P-Pepay naman eh! Sige na, samahan mo na ko!" nagtatantrums nako dito. Pero nagulat nalang ako nang bigla nalang itong nag-iiyak.

"Huwaaaaa! Ako ang samahan mo girl! Sa bar na lang tayo!"

"Ano?!" kunot na kunot ang noo ko ngayong nakatingin sa kanya.

"Bakit sa bar?!"

Napangiwi siya sa akin at maarteng pinunasan ang mga luha niya.

"Girl! Broken hearted din ako! Hindi lang ikaw ang nadudurog ang puso! Nasasaktan din ako ngayon! Kung dito tayo iinom, hindi tayo makakalimot!"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"At bakit naman?"

"Kasi nga girl, walang boys dito! Walang pogi! Dagdag mo pang ang luma ng apartment mo---Aray naman girl!" hinimas himas niya ang batok niya dahil binatukan ko nga.

"Ang sama mo talaga! O siya! Mag bar na tayo!" umirap ako. Bigla naman niya kong niyakap.

"Yurn! Let's go girl! Ay teka!" bigla niya kong tinignan. "Palitan mo daster mo girl! Bumalik ka nanaman sa dati." nakangiwing sambit niya't tinulak ako papasok ng kwarto ko.

Ang lecheng yun!

Naghanap naman ako ng damit para sa lakad naming dalawa. Actually, first time ko lang makapagbar ngayon. Di ko na kasi talaga makayanan ang nararamdaman kong sakit eh. Sobrang problemado ako. Yung cellphone ko kasi, lowbat. Nalimutan kong e charge kahapon kaya ngayon ko lang ulit to magagamit. Ni hindi ko pa nga naoopen eh.

May text kaya sakin si Stanley?

Leche! Yung lalaking yun! Pang dalawang araw na to at handa na kong patawarin siya bukas.

-----

"Ayan! Akalain mo nga namang lumevel up kana pag dating sa taste ng mga damit girl!" puri sa akin ni Pepay matapos kong lumabas ng kwarto.

Nakasuot ako ngayon ng jeans at crop top. Ayoko namang magshorts no! Baka mabastos pako dun sa loob at di ako makapagpigil na bugbugin.

"Dami mong satsat! Tara na nga!" hinila ko siya pero hinila naman niya ko pabalik.

Anak ng--! Pag ako humila, ayaw magpahila?! Pero pag ako hinila, nahihila! Leche!

"Lagyan kitang kolorete girl!" nakangising saad niya sakin.

IntricateWhere stories live. Discover now