Ang Mahal Kong Kulang

47 3 0
                                    

                       Chapter 29

Hindi naglaon,tinutugpa ng kotse ang papasok sa isang bayan na ang istilo ng mga bahay at maging mga istablisememto ay noong panahon pa ng mga kastila.Napakaganda ng paligid,malinis naglipana pa rin dito ang mga kalesa na sa panahon ngayon  ay bibihira mo ng makikitang ginagamit .Dala na rin ng makabagong panahon at teknolohiya.

Maraming tao sa lansangan,kabi-kabila ang mga nakasabit na banderitas na ibat-ibang kulay.Bawat kanto ay may magarbong mga arko.At mga bandang paro't-parito,na nakakawiling panoorin,at umiindayog ang mga majorettes.
Bisperas na ng fiesta at ng kasal ng pinsan ni Bong.

"Ang saya pala dito Bong."sambit ni Sofia,nalimutan ang tahimik na hidwaan nila ni Henry.

"Oo,natitiyak kong mageenjoy ka dito."wika ni Bong.

Ilang likuan pa at pumasok ang kotse sa isang maluwang na bakuran,ang istilo ng bahay luma rin,halata namang alaga ito ng mga nakatira.Yun bang katulad ng bahay ng ating Pambansang Bayani.

Hindi naman nagpakita ng kawalang sigla si Henry sa mga dinatnan,ngunit mapapansin ang pagwawalang bahala nito sa dalaga,na patay malisya naman ang babae.Pagbaba pa lang sa kotse ay nakadikit na ito kay Henry,at nakakawit ang braso sa bisig ng binata.Kaya walang nakahalata na may di pagkakaunawaan ang dalawa.

Ipinaokupa kay Sofia ang isang kwarto na pambisita,si Henry at Bong ay duon na lang nakisalo sa kwarto ni Teo na ikakasal bukas,malalaki naman ang bawat kwarto.

Dahil wala namang damit at biglaan,pinahiram na lang ni Carmen,kapatid na dalaga ni Teo si Sofia para naman makasama rin ito sa kasal.Sa partido ng babae ang talagang "reception."Masaya ang kasal,matapos ang mga pagbati at salo-salo,nauna ng magpaalam sila Bong para makabalik sa bahay.

Sama-sama sila sa isang van,si Carding ang drayber si Carmen,si Rica  si Bong at ang dalawa si Henry at Sofia.

Habang tumatakbo ay napadaan sila sa isang karnabal."Kuya Carding pasyal tayo sa karnabal."wika ni Rica.

"Rica,kagagaling lang natin sa kasal ni kuya Teo at kaya nga tayo uuwi agad dahil inaantay tayo,marami rin tayong mga bisita,kaya nga tayo pinauna nila nanay para umistima sa mga bisita."sabi ni Carding.

"Oo nga,naman."sabi ni Carmen.

Anyong nagmamaktol si Rica,napansin iyon ni Sofia na nasa likuran.

"Hayaan mo,Rica mamaya pag wala ng bisita mamamasyal tayo sa karnabal."

"Talaga ate Sofia?!!"....ayan...promise ate,ha?"

"Ano ka ba,Rica di ka na nahiya?"si Carmen.

"Hayaan mo na Carmen,pagbigyan na natin minsan lang naman ,e."ani Sofia.

Habang nagmamaneho,naalala ni Henry si Dana sa katauhan ni Rica halos pareho ng edad at bibo.

A,si Trisha,ang pinakamamahal niyang si Trisha.Nakaramdam ng kahungkagan ang binata.Sabihin pang kay saya ng paligid.

Nakisalamuha si Henry sa mga kaibigan at kakilala ni Bong duon.Gayun din naman si SofiaNaiinis si Henry kay Sofia dahil ito ang paikot-ikot sa mga mesa na may nagiinuman.Hindi yon nagustuhan ng binata,maging si Bong ay napuna rin yon.

Maya-maya ay nagpaalam ito kay Bong,ang intensyon ay ilayo si Sofia sa karamihan.

"Oo, sige ako na ang bahala dito,at baka dito pa magkalat yan."bulong ni Bong kay Henry.

"S--susunod lang akooh,kung ihahatid mo ako s-sa itaas,hik..."sabi ng malagihay na dalaga.

"Okay,tena."akay ng kalaki sa dalaga.
Pagpasok nila sa kwarto ay agad isinara at ini-lock ang pinto sinibasib ng halik si Henry,hindi nakaiwas ang binata.

"S--Sofia,m--magpahinga ka na...."

"Tayong dalawa lang dito,Hennnry,...at hindi ako papayag na binabalewala mo lang akoooo...."
"I love you,ngayon ko lang napagtantong mahal na mahal kitaaaa..."

Muling hinalikan ang binata,animo mapupugto ang hininga nito,nangapa at naglikot ang mga kamay,kung saan ang init ng halik ay tila apoy na tumutupok sa binata,siya man ay nadadarang na rin,kaya walang dahilan para hindi magningas ang ngayo'y nagaapoy nilang katawan.Silang dalawa sa ritwal ng pagnanasa.

"Sofia,Sofiaaa..."

Nakatulog si Sofia,ngunit hindi si Henry.Nakaupo sa gilid ng kama anyong nagiisip,pagkuwa'y dinampot isa-isa ang mga saplot.Nagbihis,lumabas ng kwarto at tumuloy sa hardin kung saan mangilan-ngilan na lang ang mga bisita,nakainuman pa rin ni Bong.
Noon ay mag-aalas otso pa lang ng gabi.

Napansin ni Bong ang papalapit na si Henry,"O,Henry,tamang-tama nagpapaalam na itong mga bisita natin.

Nagkasarilinan ang magkaibigan,bagamat maraming nainom ay nasa katinuan parin ang pagiisip ni Bong.

"Alam mo tingin ko hindi ka na makakawala kay Sofia,pare...,siya na mahal na mahal mo noon,ba inabuso naman niyaaannn...."Ikinumpay pa ang kamay itinuro ang pangalawang palapag ng bahay kung saan naroon si Sofia.Iniling-iling pa ang ulo nito.

"Ang kawawa kong kaibigan,Tsk,tsk,tsk!"

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now