Ang Mahal Kong Kulang

143 3 0
                                    

                  Chapter 35

Napabalikwas ang binata,nagising sa sunod-sunod na katok.Pupunga-pungas itong tumayo.

"Sino ba yan?"

"Tok,tok,tok,tok,tok!!!

"Oo,nariyan na,kung makakatok halos magiba na ang pinto a,!"asar na sinuklay ng kamay ang makapal na buhok ng binata.

Pagbukas ng pinto ay nagulat ito.

"S--Sofiaa?!!"

Isang matinding sampal ang dumapo sa pisngi ng binata,hindi ito nakahuma.

"Hayuuup kaaa,ginawa mo akong tanga akala mo hindi ko alam ang tungkol sa Trishang 'yon?"

Pinagtatambol nito ang dibdib ng binata,akmang sasampaling muli si Henry ngunit maagap na nahawakan nito ang mga kamay ng babae.Umakyat sa ulo ang dugo ng lalaki,dala pa na bagong gising ito.

Nanlilisik ang mga mata nitong inilapit ang mukha sa dalaga.Nag-tutumiim ang titig nito sa dalaga.

'Wag,mo akong baligtarin Sofia,akooo ang ginawa mong tanga,!!"

Nandidilat din sa galit ang mga mata ni Sofia.

"Ako,ang ginamit mo,hindi mo na ako kayang paikutin.Magmula ng lumayo ka,namatay na ang pagibig ko sa'yo,at yun ay sinayang mooo!!"

Singhal ng binata sa dalaga.

Hindi nakahuma si Sofia,hindi matanggap ang akusasyong,ang katotohanang ipinukol ng lalaki.

Humagulgol ito,Humulagpos ang kamay ng dalaga sa binata.Nakadama ng awa sa sarili.

Naging mahinahon na rin si Henry,inihawak nito ang dalawang kamay sa balikat ng babae. At sa mababang tono ay humingi ito ng patawad.

"I--I'm,so sorry,Sofia...hindi ko ibig na...,

Tinabig ni Sofia ang mga kamay ng binata.Mabalasik ang tingin ng babae sa lalaki.At isa pa muling malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata.

"Kung inaakala mo na dito lang matatapos ang lahat,ha,nagkakamali ka,Henry.!"

Umatras ito papalabas ng pinto.

"Isinusumpa ko,gaganti ako at walang makikinabang sa'yo,tandaan mo!!"

Umiiyak na sabi ni Sofia.Tuloy-tuloy itong bumaba ng hagdan.Lakad takbo,umiiyak.Hindi pansin ang mga taong nabulabog dahi sa ginawa niyang eksena.

Ang binata hindi makakilos sa pagkakatayo,kilala niya si Sofia.Kilalang-kilala,sa ano mang laban ay hindi basta-basta ito nagpapatalo.

NAPALUNOK SI HENRY.

Naging normal ang mga araw,masaya ang magkasintahang Henry at Trisha.
Walang araw na di masaya ang dalawa.Inalalabas ni Henry ang dalaga,naroong lagi silang namamasyal.At habang nalalapit ang pasukan ay tumutulong pa rin ang dalaga sa dating karehan na ngayon ay ginawa na ring restoran,kasabay ng bago nilang pinagagawang restoran sa kalapit na siyudad.

Minsan pa nga ay katu-katulong nila si Henry kung meron din lang itong oras.

ISANG ARAW,Habang patungo si Henry sa restoran,ay isang kotse ang lihim na sumusunod sa kanya .Lulan ng kotse ay walang iba kundi si Sofia,ng makita ni Sofia kung saan tumigil ang kotse ng binata at saan bumaba ito ay lumisan na ang babae.

Ngitngit ito,pinaharurot ang sinasakyang kotse.May maitim na binabalak.

Ang Mahal Kong KULANGOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz