Ang Mahal Kong Kulang

31 2 0
                                    

                      Chapter 15
At ipinukol sa malayo ang paningin,at nagbitiw ng mga salitang,
      "Wala yon Mang Henry,some people always judge the book by its cover,kailan man di nila tinitingnan kung ano ang nasa loob nito!"sarkastikong sabi ng dalaga.Na ikinapula at ikinahiya ng husto ni Henry,anhin na lang ay lumubog ito sa kinatatayuan,tanggap ang akusasyong iyon.
         "I"m,sorry!"

Para mawala ang tensyon ay umiba ng usapan si Henry.
            P-pero ngayon babawi ako hindi puwedeng hindi ko kayo ihatid kung saan man kayo dito,okey?"

            Bumalik ang sigla nito,gaya ng sa bus kanina nadoble pa yata.Tumingin ito kay Trisha,na ngayoy di kumikibo,pagkuwa'y ibnaling ang tingin kay Dana.
 
              "Ok,ba Dana?"
"Kayo po ang bahala Mang Henry."
  Kinusot ni Henry ang buhok ng dalagita.Pero bago ko kayo ihatid,s'yempre kakain muna tayo.

              Kunwa'y hinimas ng binata ang tiyan,"Ginutom ako sa pagtakbo,a!"
               "Ate,payag ka ng ihatid tayo ni Mang Henry,ha?"

                Malamig ang pakikitungo ng dalaga kanina pa sa kantin.Akalain ba niyang ang pangyayari pang naganap ang magpapaalab lalo sa paghanga niya sa dalaga?
                 Lins'yak,kundi pa nangyari ang lahat kanina,hindi n'ya matutuklasan ang mga katangian ng babaeng ito,na kung hindi pa naipa-blotter ang isnatser kanina ay di pa 'nya malalamang Trisha pala ang pangalan.
                

               Ang pisikal na anyo ay hindi ipinanglulumo bagkus ay may lakas ng loob pa itong lumaban sa buhay?
              
               "What a brave girl......!!!" sabi ng binata.Hindi niya masisisi kung matabang man pakitungo sa kanya nasa kanya ang mali.Hanga siya sa tapang nito,dahil sa ipinakita nitong lakas ng loob para sagupain ang panganib gayung bagong salta sa Maynila at isipin pang wala itong braso at kamay.
          Nangingiti pa ito habang isinusubo ang kutsara,napapailing sa pangyayari.Na napansin ni Dana,naitakip ang kamay sa bibig,impit ang tawa sa binata nakatingin.
    
           "Mang Henry,wala namang laman yang isibusubo n'yong kutsara,a!"
             "HA?!!",gulat ito,wala ngang laman ang kutsara,namula ang binata. Dinampot ang isang basong tubig para mapagtakpan ang pagkahiya,napansin ng dalaga 'yon,ngunit patay malisya lang iniwasang mapatingin sa binata.Ang pagkain nito ay di masyadong nagagalaw.

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now