Ang Mahal Kong Kulang

25 2 0
                                    

                       Chapter 25

Nagtungo ito sa simbahan at duo'y nanalangin.

"Diyos ko,tululungan n'yo po ako,ituro n'yo po kung saan ko s'ya matatagpuan,mahal na mahal ko s'ya."Tumulo ang luha ng binata.

Pagkatapos duon pinuntahan niya ang presintong pinag-reportan- ni tiya Mida,nagbakasakaling may balita na roon.Ngunit bigo ito,wala pa ring linaw,wala pa raw dalawampu't-apat na oras na nawawala ang dalaga kaya di pa sila pwedeng kumilos.

Nisipan niyang dumaan sa isang kaibigang sanggang-dikit,na matagal na rin silang di nagkikita,dahil pareho silang busy sa trabaho.

"O,pare,long time no see,gabi na a,napasugod ka.Tuloy pare,upo ka."Napansin ni Bong na matamlay ito  at aburido ito.

"Para kang problemado,a,sabi ko long time no see."ulit nito.

Saka lang sumagot ito ng nakaupo na,latang-lata,Hinagod ang noo pataas  sa ulo,tapos ay sumandal sa sofa.

Kabisado ni Bong ang kaibigan,kapag gano'on ang kilos nito,problemado nga at sa tingin nya ay malaki ang problema nito.

"Sandali lang p're,"pumasok ito sa kusina pagbalik ay may dala na itong tray na may apat na boteng beer at isang platong pulutan.

Inilapag ang tray sa mesita."Palagay ko mag kakatagalan kami nito."sa isip ni Bong.

"Kumain ka na ba?"Tanong nito sa kaibigan.

Tumango ito sa kausap,kahit na sa tutuo'y hindi pa,mula sa maghapong paghahanap kay Trisha.

"Mabalik ako,ano ba problema may maitutulong ba ako?"

Tumango ito.

"Tungkol saan,umm,hulaan ko wag mong sabihing babae?"

Tumango muli si Henry,walang gana malayo ang isip.

"Babae,babae,"ikinumpas pa ni Bong ang kamay animo nagpipiyano,iiling-iking.Lagi namang ganon,paghinahanap s'ya ng kaibigan at naligaw sa kanila sigurado at malamang babae ang problema.

Pero ang kaibigan ay hindi naman yung tipong laging may atraso,ang sa kaibigan ay yung humingi ng payo kung ayos bang kalasan si ganito o si ganon.At hindi naman ito nakikipag nobya ng sabay -sabay,ika nga.

"Babae,babae,sinong babae,ang alam kong huli mong karelasyon ay si Sofia yung "spoiled brat,di ba ?"

"H-hindi s'ya pare."sa wakas ay nagsalita rin ang binata.

"Teka linawin mo nga kung sinong babae,nalilito ako sa iyo,eh!"kunot-noo si Bong.

"Ang alam ko "one-woman-man ka,kelan ka pa naging playboy?!"birong tanong nito.

"Ikaw pare,puro ka kalokohan."sabi ni Henry.

Bago sumagot dinampot ni Henry ang bote ng beer,halos maubos ang laman bago ibinaba."Tsk,tsk,tsk,matindi nga siguro ang problema nito."sa loob-loob ni Bong.

HUMUGOT ng isang malalim na buntung hininga ang binata,pormal na umayos sa pagkakaupo bago tumingin kay Bong.

"Ganito pare,ikukwento ko sa'yo lahat."
 

Isinalaysay lahat ni Henry ang pangyayari,mag mula ng makilala si Trisha hanggang sa ngayon na nawawala ito,ngunit hindi nya ikinuwento ang pagiging "armless " ng  dalaga.

Nagalangan sya baka pagtawanan sya ng kaibigan,lalo sinabi ngayong mahal na mahal niya ang dalaga.

[Alam ni Bong na galit sya sa tulad Trisha na PWD.]

May pagkaunawang tatango -tango si Bong sa isinalaysay ng binata.

"O,e,anong plano mo pare,nandito ako para sayo."tapik ni Bong sa balikat ng binata.

Salamat p're,alam ko namang 'di mo ako pababayaan,kung maaari sana tulungan mo akong hanapin s'ya,"

"Oo ba.!"sangayon ni Bong.

"Eh,teka nga pala,halimbawang maghiwalay tayo sa paghahanap,e,hindi kupa nakikita ang Trishang sinasabi mo,kahit masalubong ko yon sa daan ay di ko rin yon makikilala,may litrato ka ba man lang niya?"

Nangangapa ang sagot ni Henry.

"W-wala eh,h-hindi ko na napagkaabalang humingi ng picture niya."

Natahimik ito,saglit na nawala sa sarili.Kailangang sabihin ba nya kung ano ang palatandaan ni Trisha,na wala itong mga braso at kamay?
Hindi pa ito ang panahon.

"Pare,nawawala ka yata."tapik ni Bong sa balikat ng binata.

"Ha,a,eh hayaan mo hihingi ako ng picture nya sa kanyang auntie."

Ang Mahal Kong KULANGTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang