Ang Mahal Kong Kulang

33 2 0
                                    

                         Chapter 13

Tagaktak ang pawis ng dalaga hingal kabayo na ito,ngunit di n'ya iyon alintana ang mahalaga ay maabutan niya ang isnatser at mabawi ang pera.Dahil na rin sa sobrang pagod,huminto saglit ang isnatser sa pagtakbo,kung kaya hindi n'ya napansin ang pagsulpot ni Trisha.Mabilis sanang kakaripas uli ng takbo,ngunit maagap ang dalaga,bago pa muli nakapulas ang isnatser ay ubod lakas na pinatid ito ng dalaga na ikinasubsob ng lalaki.
                
            Sa darating naman si Henry.Nagpilit pa ring makatakbo ang lalaki upang makalayo kahit masakit ang lulod nitong hinimas-himas,ngunit agad nahawakan ni Henry ang kuwelyo ng damit nito at inundayan ng isang suntok sa nguso na ikinabagsak ng isnatser.Hinila uli ni Henry ang lalaki patayo para sigundahan ng suntok,ng lumuhod ang lalaki sapo ang ilong na dumudugo.
                   "~B-boss,t-tama,na boss,p-patawad na po,b-boss,isosoli ku na po ang pitaka!"
                       Kinuha ang pitaka sa bulsang panlikod,"H-heto na po,boss!"
"Huwag ka sa akin humingi ng tawad sa kanya!!"gigil na sigaw ni Henry sa lalaki.
                       "Humarap si Henry kay Trisha,noon lang nito napag masdan ang kabuuan ng dalaga .Nakatungo ito ,nakaupo sa semento himas-himas ang kanang binti na siyang ipinangtakid sa isnatser.Di maikakailang nasaktan ito,humihingal at pagod-na pagod basang basa ang blouse nito nakalitaw ang balikat nitong walang braso't kamay.
           Awa at paghanga ang naramdaman ng binata.
            "What a brave girl!!"Hindi basta basta magagawa ng isang babae ito,lalo na at iisiping wala nga pala siyang mga braso at kamay,sa loob-loob ng binata.Isipin na lang na ang pakiramdam niya ay nabastos siya sa kantin.Tapos ngayon itinaya ang buhay sa paghabol sa isang isnatser para lang mabawi ang pera.
                
              Hindi makapaniwala sa nasaksihan ang binata tungkol sa "babaeng armless".

Ang Mahal Kong KULANGKde žijí příběhy. Začni objevovat