Ang Mahal Kong Kulang

23 3 0
                                    

                     Chapter 27

"H--hindi naman sa gano'n pare,alam mo namang di kita pababayaan.Kung ano yung laban mo laban ko rin."

Madali namang naintindihan ni Henry ang kaibigan,nilingon niya ito tinapik ang balikat.

"Pasensya na p're...."

"Wala yon...." sabi ni Bong.

"S'yanga pala maiba 'ko,siguro bukas hindi ako makakasama sa paghahanap ...naimbitahan kasi ako sa kasal ng isa kong pinsan magaabay sa kasal...hindi ako makatanggi,e."

"Kung gusto mo pare,sama ka para naman minsan ay malibang ka at makapagrelaks.May kalayuan nga lang ang probinsya...pero masaya dun.
Tiyak na mag-eenjoy ka,at itinaon ng pinsan ko ang kasal kasabay sa pistang bayan.Maraming magagandang 'chicks'dun p're.Nakarating na'ko duong minsan,ano pare sama ka?"amuki nito sa binata.

Sa amuki ng kaibigan,nagdadalawang isip ito.Naisip din na baka magtampo na ito,Dahil kung tutuusin malaki ang oras na ginugugol nito sa pagsama-sama sa kanya at kapakanan pa rin nya ang iniisip nito kaya gusto siyang maisama ng kaibigan.Na sa panahon ng pangangailangan ay laging narito at handang dumamay.
Tatanggi ba s'ya?"

"O,ano pare,sama ka?"

"S--sige...."

"Ayan,ayos...!"

Alas otso ng umaga ang usapan nilang  aalis.Si Bong na lang ang susundo kay Henry sa bahay nito.Hindi na ipinasok ni Bong sa loob ang kotse,ipinarada na lang nya ito sa harap ng gate.Maya-maya lang matapos magpaalam sa Mama ni Henry ay palabas na sila ng gate ng bahay.

Bitbit ni Henry ang kanyang bag.Ng buksan nila ang pinto ng gate,ay nagulat sila sa babaeng pormang pipindutin ang doorbell.

Maganda ito,seksi halatang anak mayaman dahil sa suot nito.Naka-sunglass gayung maaga pa.
Nagulat din ang babae ngunit saglit lang,inalis ang suot na sunglass.

"Surprised,.....!!"anang babae.

"Sofia?"gulat si Bong.

"Kelan ka pa dumating ?"anito.

"Kagabi lang kaya heto,pumunta kaagad ako dito ng maaga baka hindi ko maabutan itong kaibigan mo...na alam kong laging busy sa trabaho."
Malagkit ang tinging ipinukol kay Henry.

Hindi nakahuma si Henry ...kinapa sa damdamin kung naroon ang pananabik.Hindi niya inaasahan ang pagdating ng dalaga.

"Welcome back,Sofia?"kaswal na sabi nito.

"Ganun lang?"sabi ng dalaga,lumapit sa binata sabay yakap at halik sa labi sa binatang di nakahuma.

"I missed you,darlin'...."malamig ang binata hindi tinugon ang halik ng babae.

Naramdaman ng dalaga ang kalamigang iyon,ito na rin ang kumalas sa pagkakayakap sa binata.

"Teka nga,parang may lakad yata kayong dalawa,ha?"pansin na lang nito sa magkaibigan upang mapagtakpan ang pagkapahiya.

"H--ha,a,e kwan,o--oo."salo ni Bong.

Kuwan,a papunta kaming probinsiya,imbitado kasi kami ng pinsan ko sa kasal."

At ngayon ang alis nyo,gano'n?"
Tumaas ang kilay ni Sofia,lumabas ang pagiging mataray.

"Eh,pa'no ako,kararating ko lang pababayaan nyo lang akong ganito?"

"K--kuwan,....,"kamot sa ulo si Bong,alam ang ugali  ng dalaga,"spoiled"ika nga salahat ng bagay,palibhasa may kaya at nagiisang babae sa pamilya.

"Importante ang lakad namin ni Bong,Sofia."sabad ni Henry.
"Hindi naman natin pare-parehong gusto na magtagpo-tagpo ang mga schedule natin sa araw na'to,kaya kung pwede ....."

Tinakpan ni Sofia ng isang daliri ang labi ni Henry.May naisip agad ito.

"Hmm,bakit hindi,tutal hindi mo naman ako maaasikaso dahil aalis kayo....sasama na lang ako sa inyo.

"Ha?p--pero...."

"Wala ng pero-pero,dala ko naman ang cellphone ko tatawagan ko na lang si Papa at sasabihin kong sumama ako sa inyo,tutal alam naman  niyang girlfriend mo ako at alam niyang dito ako pupunta,okay?"

"Pero kararating mo lang,hindi ka pa halos nakapagpapahinga."sabi ni Henry na may pagtutol sa himig nito.

"So what,ang mahalaga ay kasama kita sweetheart!"muling inangkla ang braso nito sa balikat ng binata at siniil ito ng halik.

Sa isip ni Henry,ay ganito na ba ka-liberated ang babae g ito?
Oo aminado s'yang dati ay mahal na mahal niya ang dalaga.Pero kalaunan imbes na siya lang ang intindihin at tumatanggap pa ito ng manliligaw,ang katwiran nito ay hindi pa naman daw sila mag asawa.

Maling katwiran.Ang gusto nya sa babae ay yung pantahanan,magaaruga ng kanyang magiging mga anak.Siya na ang gusto ay simpleng buhay lang,Hindi mahilig sa nightlife.May mga barkada s'ya pero"goin'straight'din ang panuntunan sa buhay si Sofia mahilig ito sa buhay na walang makikialam sa kanya,mahilig sa social happenings na kabaligtaran niya.

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now