Ang Mahal Kong Kulang

24 2 0
                                    

                        Chapter 22

Kung tutuusin ay marami s'yang babae,lingid sa asawa dahil abala nga ito sa negosyo.

          Kumalas ang babae sa pagkakahinang ng kanilang mga labi.

"Ikaw ha...baka mamaya nambababae ka,lagot ka sa akin."namumungay ang matang wika nito.Muling niyakap ng lalaki ang babae.

"Ikaw ba naman ipagpapalit ko pa,e,ang seksi,seksi ng assawa ko....!"

"Ummm,bolero..."kinurot ng pino ang lalaki sa tagiliran.Muling naghinang ang kanilang mga labi.

Kinagabihan hindi makatulog si Trisha dahil sa nangyari kaninang umaga.Kailangan dobleng pag-iingat ang kanyang gawin.Sabi na nga ba dimonyo ang dating ng tiyuhin,halos hindi pa sila nagtatagal duon ay ginawan na s'ya ng kalokohan,pati si Dana ay kailangang pag-ingatin din ni Trisha.

Payag naman ang t'yahin na ipagpatuloy ang kanyang pag aaral sayang nga raw ang pagkakataon,lalo na sa katulad nyang pursigidong makatapos,yun naman talaga ang pakay nila kaya napunta sila dito sa Maynila.Maging si Dana ay magaaral din.At ang tiya Mida ang bahala sa lahat ng gastos.

Tatlo ang taksi ni tiya Mida,ang isa ay ipinaubaya na lang niya kay Grigo para hindi ito hingi ng hingi ng pera sa kanya.Bukod duon ay nagsa-side-line pa ito ng alahas.

Minsan ay napapayag si Tiya Mida ng kaibigang alahera na sa Hongkong mamili ng mga alahas para mas makamura at lalong malaki ang tubuin.Dalawang araw silang maglalagi duon.Pinakuusapan ni Tiya Mida si Trisha na s'ya muna ang mamahala sa negosyong maiiwan partikular na ang karehan na ngayon ay mag kakaroon na ng branch na mas malaki.

Gayun na lang ang tuwang sumapuso ni Tiya Mida dahil magmula ng dumating ang mga pamangkin,ay hindi maputol ang dumarating na swerte sa negosyo n'ya.

Kaya sasamantalahin nya ang pagkakataong mamili sa Hongkong dahil ilang araw na lang ay pasukan na.At magiging busy na si Trisha sa pagaaral.

Hindi na niya naantay si Grigo dahil ilang araw na naman itong wala.Uuwi na naman ito pagkailangan na naman ng pera,Ramdam niya sa asawa na may kinalolokohan ito,gayung may sariling taksing pamasada ay laging walang pera ito.At nitong bandang huli ay laging mainitin ang ulo.Minsan ay nasigawan nito si Dana na wala naman talagang dahilan.

Inihingi na lang ng pasensya ni tiya Mida sa dalawang pamangkin ang pangyayari.Mula noon umilap na si Dana sa paglapit lapit sa tiyuhin.At nga ilang araw na itong di umuuwi dahil pinag tatalunan nila na laging walang kinikita ito.At bakit ngayon at di nya napapansin ang taksing pinamamahala nya dito?

Nag-aalangan din naman si tiya Mida sa kanyang pagalis dahil sa kanyang mga pamangkin.Ang ginawa na lang nito ay duon niya pinatulog ang kanilang "boy"na si Buboy,bukod kay Oreng at Cita na duon na talaga naka stay-in.Para kahit paano ay may kasamang lalaki ang mga ito.                         
          

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now