Ang Mahal kong Kulang

33 2 0
                                    

                         Chapter 5
"WOW"!, sa loob- loob ng lalaki ,walang dili't-iba kundi si Henry
      "Pati ngumiti ang ganda",kanina pag sakay pa lang sa bus ay napansin na agad ni Henry ang kakaibang ganda ng dalaga.Nakabalabal sa balikat nito ang isang animo tela na nakababa hanggang beywang.
         Ang buhok nito ay lampas balikat din,na ewan ba naman at parang tinatambol ang kanyang dibdib,dati naman kahit makakita s'ya magandang babae ay hindi ganon ang kanyang nararadaman.Pero bakit ngayon ay iba ang pag hanga niya sa babaing ito,na ngayon lang niya nakita.
           Hindi masagot ni Henry ang sarili,dati madali n'ya agad makilala ang babae dahil sila pa ang gumagawa ng paraan upang makalapit sa binata.
            Katunayan sa edad n'ya ngayong dalawampu't pito ilang babae na ang kanyang naging nobya,ang sineryoso niya ay si Sofia matino siyang lalaki ayaw niyang magnobya ng sabay-sabay,tinatapos muna ang isang relasyon bago ang iba.
            Pero ngayon natitiyope yata siya sa probinsyanang babaeng ito, dahil kaninang sumulyap ito at ngumiti siya ang unang nagbaba ng tingin.
             Hindi maikakailang "aware" din si Trisha sa mga nangyayari ngayon sa kapaligiran,lalo na at patungo sila sa Maynila.Nasa pagkakaalam niya  ay naririto ang mga manloloko at mapanlinglang.
              Ang tingin ni Trisha sa lalaki ay mabait naman ito,guwapo mukhang kagalang galang,pero k'widaw sa loob-loob niya,ang mga ganoong anyo minsan ang mga salbahe.
              "Ano kaya ang magiging reaksyon nito kung makikita ang aking kabuuan_"?natatawang sabi ni Trisha sa sarili,maya-maya iniwaksi ang isiping 'yon,nilingon ang kapatid na nakatulog na pala.Nakahilig ang ulo nito sa kanyang balikat,siya man ay nakaramdam ng antok.
                Hindi na alintana ang lalaking katapat ng upuan.
"Hahayaan ko siyang magsawa ng katitingin at kasusulyap,siguro naman hindi gagawa ng hindi maganda ang lalaki."

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now