Ang Mahal Kong kulang

33 2 0
                                    

                        Chapter 11

ALAS KWATRO y medya,ng hapon,pumapasok ang bus sa terminal nito sa Pasay,kanya kanya ng  dampot at bitbit ng mga gamit ang mga pasahero at kanya-kanyang baba ang pasahero sa bus.
         "O,Dana,hawakan mong mabuti ang bag natin ha,'yung maliit na bag isukbit mo!"
            Natapunan ng tingin ni Trisha ang katapat na upuan,wala na si Henry,nagmadali sigurong bumaba para makauwi agad sa pamilya,naisip ng dalaga.
             Maraming tao,maraming sumasalubong sa ibaba ng bus,mga porter na nagaalok magbuhat ng bagahe,nagaalok ng taksing masasakyan,mga nagaalok ng paninda at kung ano-ano pa.Lumayo sa karamihan ang magkapatid,lumabas ng terminal huminto si Dana.
              "Ate,pahinga muna tayo,ang bigat nitong bag na dala ko!"
                "O,sige..."
Hindi pa natatapos ang dalaga biglang  may rumagasang lalaki,na dinaklot ang bulsa ng kanyang balabal,sa lakas ng daklot natanggal sa pagkakabitones ang balabal,at nahulog ang balabal,lumantad ang kabuuan ng dalaga.Naalalang hindi niya naipabalik kay Dana ang pitaka sa bulsa ng kanyang pantalon,kaninang kumain sila nawala sa loob n'ya nanduon lahat ang kanilang pera.
             "Paano,na?"
Saglit lang ang pagkalito at pagkabigla,walang paalam na iniwan ang kapatid at matuling tumakbo.Hinabol ang lalaking mabilis  na tumalilis.

Ang Mahal Kong KULANGWhere stories live. Discover now